'si tito talaga'

Alexis Harley Montenegro

So beautiful ♥

Kaizer Ceiran Montenegro

Anak ko ata toh

Kairen Zania Montenegro

Nuyyy ito yung napulot sa tae ng kalabaw ehhh hshshshs

Sephora Maxine Tuazon

My sissy Pabs🙈💞

Everlyze Leondale

Eto yung may utang sakin eh!

May iba ring nag comment na hindi ko kilala

Trek Uson

Hi crush🙈

ABDULRAHMAN Aman

Hey beautiful send boOobs dear

'King'nang arabo'

Patrick Cuevas

I love you crush

Zandra Mansano

Ang ganda mo po😍

Ngingiti ngiti lang akong binasa ang mga comment nila hanggang sa may kumulbit sakin.

"Tara na Pabs hehe akalain mo yun kanina nasa garden ka at kasama mo pa yung pusa mo pero ngayon nandito ka na"si Everly.

"Hayy nako wag mo ng pansinin yan"bulong ni Sephora na nagsimula ng maglakad,sumunod lang ako sakanila at binulsa ang cellphone ko.

"Soooo"si Everly na inakbayan kami ni Sephora."Gala kaya tayo sa mall since half day naman"hustesyon niya.

"Good idea Eve,magshopping tayo"napapapalakpak pang sabi ni Sephora.

"Bibili ako ng damit na susuotin ko sa family dinner namin with Quizon"si Everly na nakanguso.

"Tutulungan kita sissy"

"Gusto ni dad na mag dress daw ako kaso ayoko...like duh!parang may laban naman ako kay dad"suminghal pa siya.

"Ako bahalang mamili ng dress na susuotin mo"

"Geh geh!wala kasi akong alam sa dress dress na yan"

"Oh bat ang tahimik mo naman sis?"tanong ni Sephora na nakataas ang kilay,bumuntong hininga lang ako at ngumiti.

"I'm just thinking...."

"Wow may utak ka pala"gulat kunyareng sabi ni Everly kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up Eve"muling tumingin sakin si Sephora."Continue"

"Iniisip ko kasi si Kei"

"Oh anong nangyari sa bro mo?"

"Pansin ko kasing tahimik siya..you know?he's not like that..minsan man ay tatahimik siya but for a couple of seconds lang pero ngayon ang tagal niyang tahimik so i'm worried"bumuntong hininga ako."I can't stand seeing him like that,it seems he has a problem and he didn't tell it to everyone"

"Nandito naman ako,i'm with my two ears"nakapout na sabi ko.

"Siguro komprontahin mo siya ganun,parang kami lang ni Kuya Evan...madalas man kaming mag-away pero we have each others back"

"No comment hindi naman kasi kami close ni Kuya he's darn busy.."nakangusong sabi ni Sephora.

"Siguro kakausapin ko nalang siya mamaya para malaman ko kung bakit siya ganun"sabi ko,hindi ko namalayang nasa Parking Lot na pala kami.

Tinignan ko ang kotse ni Kei at wala na yun dun ganun din yung kay Khalex,sabagay siya ang magsusundo ngayon kay Kairen.

"Geh na bye sissy Pabs"si Sephora na nakipagbeso pa sakin.

"Una na kami Pabi"si Everly naman na niyakap ako at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Ingats"sabi ko at sumakay na sa kotse ko,binusinahan ko muna sila bago paharurutin yung kotse ko pauwi.

Bahay...

"Ate jenny nakauwi na po ba si Keiren?"

"Oo kanikanina lang,bakit?"

"Wala po hehe,panik na po ako"sabi ko at nagmamadaling pumanik papuntang kwarto ko,binaba ko na yung gamit ko sa kama at pinalabas si Hello Kitty sa kulungan.

Nagpalit narin ako ng damit bago pumunta sa kwarto ni Kei,kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan yung pinto.

"Kei?"tawag ko sakaniya,nakita ko siyang nakatalukbong ng kumot.

"Mmm?"

"Pwede akong pumasok?"tanong ko sakaniya hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga ako at akmang isasara ang pinto ng magsalita siya.

"Come in"mahinang sabi niya kaya pumasok ako at dumaretso sa kama niya.

"Kei pwede bang makausap kita?"inalis niya ang kumot niya kaya nagulat ako ng makita kong mugto ang mata niya.

"Kei?"nag-aalalang tawag ko sakaniya at tumabi sakaniya,umupo siya at sumandal sa headboard ng kama niya.

"Kei,what's going on?"nag-aalala talaga ako sakaniya kasama pa na parang namumutla siya.

Hinipo ko ang noo niya at nanlaki ang mata ko ng mapansin kong may lagnat siya,sobrang init niya talaga.

"May lagnat ka!"gulat na sabi ko,tumayo ako at naghanap ng bimpo.Pumasok ako sa Cr para kumuha ng tabo,pagbalik ko ay nakita ko siyang nakatingin sakin.

Muli akong bumalik sa tabi niya at piniga yung bimpo sa tabo."Bakit hindi ka nagsasabing may lagnat ka pala?"inis na sabi ko at kinuha ang braso niya para punasan,nakatingin lang siya sakin habang ginagawa ko yun.

"Kei if you have problem you can tell me"mahinahong sabi ko sakaniya,kinuha ko ang isa niyang braso at pinunasan din iyon.

Hindi sumagot si Kei kaya tinignan ko siya,nagulat ako ng makita ko ang luhang dumadausdos pababa sa mata niya.

"Kei"

"P-pabi hindi ko na kaya"sabi niya at bigla nalang humagulgol ng iyak agad akong naalarma kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Keiren i'm here sush"sabi ko at pinunasan ang luha sa mata niya.

"I know it's gay pero hindi ko na kayang pigilan yung sakit"binaon niya yung muka niya sa balikat ko kaya naman hinaplos haplos ko ang likod niya.

"Tell me makikinig ako"

OWNED BY KHALEX MONTENEGROOn viuen les histories. Descobreix ara