Chapter Ten: Trojan's Anger

Start from the beginning
                                    

Sinubukan kong pahirin ang mga luha sa mata ko pero hindi pa rin maubos-ubos ang mga iyon.

Tiningnan ko ang magulo kong kwarto sabay ang panlulumo ko sa sarili ko sa nakita ko.

Halos sirain na ni Manang ang lahat ng make-up at iba ko pang gamit pang-ayos sa pagpasok ko sa opisina. Kusot-kusot na rin ang mga damit ko at sobrang nagkalat na ang mga iyon sa sahig.

Dahan-dahan kong isinandal ang katawan ko sa gilid ng kama ko saka ko ipinatong ang noo ko sa pagitan ng mga tuhod ko at niyakap ang sarili ko saka iniyakan ang nangyari sa akin.

Wala na akong pamilya. Wala na rin akong bahay. At mawawalan na rin ako ng trabaho dahil hindi ko na rin matatagalan pa na magtrabaho sa Trojan Mondragon na iyon dahil sa ginawa niya sa akin.

"Anong kamalasan ba ang nangyayari sa akin?"

Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Sandali ko siyang hinanap saka ko siya nakita sa mesa sa tabi ng kama ko.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext sa akin at nakita ko ang pangalan ni Ethan.

[Hi best friend! Sabay na tayo pumasok! Hatid na kita sa opisina ni sumpungin! :)]

Ang tagal kong nakatitig sa screen ng cellphone ko bago ako nagreply kay Ethan na hindi na ako sasabay sa kanya.

Hindi pwedeng makita ni Ethan ang bahay ko ngayon. Hindi niya ako pwedeng maabutan na ganito.

Matapos kong magreply sa kanya, mabilis kong inayos ang sarili ko saka isa-isang pinulot ang mga damit ko saka iyon nilagay sa malaking bag ko.

Kailangan ko nang makaalis sa bahay na ito ngayon bago pa ako maabutan ng land lady ko at ni Ethan.

At kailangan ko na ring makapunta sa opisina ngayon para opisyal na mabigay sa Trojan na iyon ang resignation letter ko.

Kailangan ko ng makalayo sa lahat ng Mondragon. Kailangan.

Trojan

"Sir."

Kunot-noo akong napatingin sa pinto ng opisina ko nang marinig ko ng pamilyar na katok ni Cassandra.

"What is it, Miss Alonzo?"

Matapos niyang marinig ang boses ko, agad niyang binuksan ang pinto saka siya pumasok.

"Miss Delos Santos is already here, Sir."

Muli akong napakunot-noo saka ko tinignan ang suot kong relo.

It's already nine in the morning. Eila is one hour late.

"Let her in." I said in controlled voice. "I'll talk to her about company policies."

"Hindi na kailangan."

I raised my brow as I saw Eila entered the room without a warning.

I look at her from her old and faded sneakers up to her black tight jeans and old sweat shirt. My forehead ceased when I saw her without any make up on her face and her hair has been tied up at the top of her head with some lose strands on the side of her hair.

Damn this woman! How could she make herself look too sexy wearing those old and faded things on her body?

I hissed under my breath when I feel myself being hard just by staring at her.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now