"Argh!." Pilit kong hindi indain ang sakit sa kagat niya dahil parang malalapnos ang balat ko dahil mahina parin ang katawan ko. Kaya naman pala, nagpunta parin si Angel sa bahay nila. Humanda ang Angel na iyon sa akin kapag nagpunta siya dito. Sinabi kong huwag niyang sasabihin sa kanya pero sinabi parin nito. Pero.. Pero kung hindi niya sinabi, walang Alexander na yumayakap sa akin ngayon, wala ang asawa ko ngayon na nakabaon ang mukha sa balikat ko ngayon. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Alam mo bang apat na araw akong naghihintay sa pagpunta mo sa bahay. Simula ng hapon na huli mong punta doon, kinaumagaahan naghintay na ako. Kahit inaantok ako sa hapon, pinipilit kong huwag matulog dahil iyon ang oras ng pagpunta mo doon, pero tatlong araw akong naghintay. Namaga ang mata ko sa kakatingin sa daan kung may Magnus ba na naglalakad palapit o may asawa ba akong susunduin na kami pauwi dito sa bahay. Pero sa ikaapat na araw, naasar na ako at nasagad na naman ang asar ko, dahil hindi ka dumating kung kailan handa na akong ibigay sayo ang kapatawaran ko. Kung kailang gusto ko ng mapatawad ka. Tapos bigla na lang dumating si Angel, sasabihing. Kung gusto pa kitang makitang buhay puntahan na kita. And then, she sent me the footage sa cctv dito sa silid mo. And.. and I'm sorry. Hindi ko akalain na sumobra na pala ako. Sumobra na pala ako sa pagpapahirap ko sayo na halos muntik ka ng mawala sa akin. Mawala sa amin ng mga anak mo "mahabang lintaya niya habang hindi siya kumawala ng yakap sa akin. At ang maraming katanungan sa isip ko ay nabigyan niya na ng kasagutan.

Hindi ko ngayon alam ang gagawin ko. Sa haba ng sinabi niya isa lang ang tumatak sa isip ko. Ang salitang pinapatawag na niya ako. Ang isipin iyon ay biglang tumulo ang luha ko. Kumilos ang kamay ko at iniyakap na iyon sa kanya. Iyong yakap na hindi ko na siya papakawalan. Yakap ng may kapanatagan sa loob. Dahil ang asawa ko. Tuluyan na niya akong napatawad.

"Hey! Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin na pilit na kumakawala sa akin. Pero hindi ko siya binitawan.

"Just let me hug you Alexander. Just let me hug sweetheart." Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Gusto ko siyang yakapin dahil parang hindi totoo lahat ng narinig ko.

"Pero gutom na ako." Sabi niya at pilit akong itinutulak. Doon ko narinig ang pagkalam ng sikmura niya kasabay ng sa akin. At habang magkayakap parin kami ay  saka kami sabay na natawa. Panira ng moment. Kung kailang seryusong seryuso ang usapan namin saka pa umeksina ang sikmura naming pareho.

Ayaw ko man sanang masira ang kaganapan ngayon ay saka ko na lang uulitin ang mga sandaling ito. Kailangan na muna naming puunan ang tawag ng ng sikmura namin. Total naman totoo siya at hindi lang basta panaginip ang lahat. Kumilos ako para tumayo pero pinigilan niya ako.

"Bakit?" Tanong kung muli sa kanya.

"Hindi mo pa kaya." Pigil niya sa akin.

Ngumiti ako saka masuyong ginulo ang buhok niya saka ko siya hinila.

"Kaya ko na. Saka, apat na araw na akong nakahiga. At walang kain. Tanging dextros na lang ang bumuhay sa mga alaga ko sa tiyan kaya ngayon nagrarambulan na sila. Pero ikaw. Ikaw ang hindi pwede magutom, dahil magrereklamo ang baby natin diyan sa tiyan mo." Sabi ko sa kanya sa pabirong paraan. Oo, nanghihina pa nga ako. Pero mas lalo akong manghihina kung hindi ako kakain.

Gising na nga ako kanina, pero lukong Angel iyon. Iniwan ako ng hindi man lang ako binigyan ng pagkain. Tinulungan na nga ako hindi pa sinagad. Pero nagpapasalamat parin talaga ako sa kanya.

"Pero..."

"Shhhh! Kaya ko sweetheart. Kaya tayo na. Mayroon naman sigurong niluti si Joy para sa atin. Iyon lang kung hindi ka nakitang dumating at hindi siya nagluto ng marami."

"Nakita niya ako. Tapos nagpaluto ako kanina. Kaya mayroong pagkain sa baba. Sigurado iyon." Sagot niya sa akin.

"Ganun naman pala eh. Tara na." Muli ko siyang hinila patayo. Nanginginig man ang paa ko ay pinilit kong maglakad. Napansin naman niya iyon siguro dahil umalalay siya sa akin.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now