Midnight Snack

1.6K 73 9
                                    

Hello guys! Musta na mga puso nyo? Tibay pa din? Syempre! Yan gusto sa inyo eh. Matirang matibay talaga 💪🏼😂
Focus lang sa dalawa lagi ha. Stay in our designated lanes. Hayaan nyo yung mga swerving ang masagasaan o mabangga 😂
Tinola ulam namin so here you go another sabaw update. 😂
ctto to Alden's twitter post. Pahiram brad. Thank you! 😊❤️
FICTION.
Disclaimer: All and fully disclaimed.

My mantra, my battlecry: 💪🏼💚
*******ALDUBPARIN****************

~~ At Location Taping~~

R: *talking to himself* Bakit kaya di nag re-reply si Meng sa text ko?

Mama Ten: Baka tulog na. Alam mo naman ang buntis antukin.

R: Pero hirap na nga ngayon makatulog yun kasi ang likot ni Thirdy sa tiyan. Nahihirapan na sya tumagilid kaya laging nakatihaya nalang. Nakakatulog lang yun pag nakapalibot yung pambuntis na unan nyang parang anaconda sa haba saka pag hinahagod ko yung likod nya kasi sumasakit na daw.

MT: Sinubukan mo na ba tawagan?

R: Eh kasi nga baka tulog, maistorbo ko pa. Kaya nga nag text nalang muna ako.

MT: Importante ba? Ba't di mo nalang tawagan si Ate Pe? O kaya si Dean? Andun sya sa inyo di ba?

R: Alam mo minsan, nasa tamang lugar din yang utak mo Mama Ten, di ko naisip kagad yun. Salamat.

MT: Tse! Yung salamat mo may kasamang insulto. Sumbong kita kay Menggay mamya pag uwi. Sabihin ko nakalimutan mo yung bilin nyang pancit palabok at suha.

R: Ay lintik! Oo nga pala! *rubs his face* Hala, sorry na. Pasuyo nalang please ikaw na bumili. Last scene na to tapos pack up na tayo. Kulang kulang isang oras nalang to. Di ako makakauwi ng di ko dala bilin nya. Iiyak na naman yun, magtatampo. Alam mo namang kabuwanan na namin. Ayoko sa lahat nalulungkot at umiiyak yun. Konti nalang lalabas na si Thirdy namin.

MT: Oo nga october na. Excited ka na ba?

R: Excited na natatakot din. Halo halong emosyon eh. Syempre first baby namin. I'm afraid din for Meng. Yung mga nababasa kong mga books about childbirth, nakakatakot jusko! Masakit kaya yun! Di ko ma-imagine na dadaanan yun ng asawa ko para sa baby namin.

MT: Matapang si Meng, RJ. Napakatapang ng asawa mo. Kayang kaya nya yan. Kaya ikaw, kelangan lakasan mo din loob mo para sa mag-ina mo. Sige na nga para kay Meng at sa apo ko, aalis na ko bili ng pansit. Tawagan mo na si Dean.

R: Salamat Lola Tenten *laughs and calls Dean*

Dean: *on phone* Kuya? O bakit?

R: Dean, pasensya na sa istorbo ha. Tulog ba ate mo? Di sumasagot sa mga text ko eh.

D: Hahaha! Naku paktay ka kuya di talaga sasagot yun, galit sayo.

R: Ha? Bakit? Anong nagawa ko?

D: Yung twitter post mo kasi kanina yung pang ospital. Nagulat sya ayun natakot, umiyak tapos nagalit. Tatawagan na sana kita eh kaso pinigilan nya ko.

R: Hay sus.. promo lang naman yun. *rubs his face* Last scene na namin to tapos pack up na. Ako na bahala pag uwi. Salamat Dean ha sa pagbabantay.

D: Wala yun kuya. Suyuin mo nalang mamaya pag uwi. Di ka naman matitiis nun. Kakatakot naman kasi yung picture mo. Kahit ako nagulat sa unang tingin *laughs* Sige pinag aaralan ko tong mobile legends mo para next time sali na din ako.

R: Pang promo nga lang yun. *chuckles* Mamya turuan kita ng mga tricks dyan sa mobile legends tapos sama na kita sa grupo.

D: Sige kuya salamat. Ingat kayo pauwi. Yung pancit na bilin ha wag mong kalimutan. Hinihintay ko din eh *laughs*

SnippetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon