10: Annual Elimination

Start from the beginning
                                    

“May mga naghahanap nang sponsor sa artificial regenerator sa darating na Annual Elimination. Isa ako sa bidder na bibili sa kanya bilang premyo.”

Doon na napaayos ng upo si Laby at mukhang handa nang makinig sa kausap. “Ran, alam na ba ’to ng Citadel?”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Citing some sources. But I doubt na sasabihin nila ’to sa mag-asawa. Kilala mo naman si RYJO.”

“Paano nila gagawing premyo ang artificial regenerator, hawak nila ’yon?”

Nagkibit-balikat na naman si Ran. “Ewan ko lang, pero ang balita ko, nagpadala na ng mga tao para kunin ang project. Kung kailan ’yon mangyayari, ’yon ang hindi ko alam.” Nagtaas pa siya ng hintuturo. “But that’s not the only tea I’ve got. Hinahanap na ni Havenstein ang”—gumawa pa siya ng finger quote sa hangin—“anak niya.”

Biglang napaikot ng mata si Laby dahil doon. “As if he’ll gonna take care of it.”

“Actually . . .” Napatango nang dahan-dahan si Ran.

“No, he’s not!” kontra agad ni Laby kung sakali mang sabihin ni Ran na aalagaan nga ni King ang sinasabing anak nito.

“He’s thinking about the bioweapon.”

“Ugh!” Napaikot bigla ng mata si Laby at napataas ng magkabilang kamay para sumuko. “Bioweapon. Havenstein is Havenstein.” Itinuon na ulit niya ang focus kay Ran. “So you’re here para lang balitaan ako.”

“Ah, nah,” napangisi na naman si Ran. “I told you, na-miss lang kita kaya nandito ako.”

Napailing na lang siya dahil wala nang pag-asa ang lalaki. “Kailan mo ba seseryosohin ang trabaho mo, hmm?”

“Uhm . . .” Napaisip ito at napatingin sa itaas. “Siguro kapag sineryoso mo na ’ko.”

“Fuck you.” Kinuha na lang niya ang itinapon nitong papeles at ibinalik sa plastik folder niya. “I’ll go tell the news to them.”

“Wala ka man lang bang thank you?” ani Ran habang sinusundan ng tingin ang paghahanda ni Laby na mukhang aalis na.

“Thank you,” anito na ni hindi man lang siya tiningnan.

“Ayoko ng ganyang thank you,” nagtatampo niyang sinabi habang nakanguso.

“Then don’t accept it. Problema ba ’yon?” Tumayo na si Laby na dala ang mga gamit niya.

“Grabe, bumiyahe ako hanggang dito tapos lalayasan mo lang ako.” Sinundan naman siya ni Ran papalabas ng coffee shop.

“Ran, puwede ba, unahin mo muna ang trabaho natin kaysa ’yang pagiging selfish mo?” sermon niya rito habang sinasabayan siya nito sa paglalakad.

“Puwede bang unahin mo muna ngayon ang sarili mo bago ang trabaho natin?” kontra naman nito.

Huminto si Laby kaya napahinto rin si Ran. Humarap ang babae at bahagyang tiningala si Ran para tagpuin ang tingin nito. “You don’t have to do this. You don’t have to follow me everywhere I go. You don’t need to take my job. I need to work.”

Nagkrus ng mga braso si Ran at tinaasan ng kilay ang sinabing iyon ni Laby. “Lahat ng Superiors, hindi naman nagtatrabaho gaya ng ginagawa mo.”

“EXACTLY!”

“But then, hindi mo kailangang maging dedicated masyado! As if namang kawalan ng Citadel ang isang araw mong day off.”

Itinuro ni Laby ang kanang gilid niya. “My projects are in danger. And you want me to take my day off? Really?”

Secrets of the Malavegas (Book 7)Where stories live. Discover now