Chapter Six [REVISED]

Start from the beginning
                                    

"Eila?"

Para akong nagising sa nahihibang na pananaginip ko nang gising nang marinig ko ulit ang boses niya saka ko inalis iyong kamay niya sa baba ko at umiwas ng tingin dito.

"Ayos ka lang?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito. "Sigurado ka bang wala kang nakuhang injury roon sa ginawa ng landlady mo sa'yo? Sigurado ka bang walang masakit o galos sa'yo?"

"Ayos lang ako, ano ka ba?" Natatawang sabi ko na lang saka muling naglakas-loob na harapin ito kahit pa nga parang ikakamatay ko na iyong bilis ng tibok ng puso ko lalo pa't sobrang lapit niya sa akin. "Hindi naman dumapo sa akin iyong kamay niya. Kahit tanungin mo pa iyong pinsan mo."

"Yeah... Right..."

Nagtataka ako sa tila biglang pagsama ng timpla ng mood ni Ethan nang mabanggit ko ang tungkol sa pinsan niyang si Trojan. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa pinipigilang inis—kung para pa rin ba doon sa nangyari, sa landlady ko o doon mismo sa pinsan niya na hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangan ika-inis.

Dahil bigla ring pumasok sa isip ko ang tungkol kay Trojan, parang biro naman na biglang bumalik sa alaala ko iyong ginawa niya no'ng tuluyan kaming maghiwalay.

"That's for the taxi fare."

Wala sa loob na bigla kong dinama ang labi ko, tila nararamdaman pa iyong init ng labi niya nang dumpi iyon doon.

Sa buong byahe namin pagpunta rito sa condominium building kung saan nakatira si Ethan, iniwasan kong maalala ang tungkol sa bagay na iyon.

Bakit niya ako hinalikan? Akala ko ba inis siya sa akin? Bakit niya ginawa iyon? Ilan lang 'yan sa mga tanong na gumugulo na ngayon sa isip ko at doon sa naging nakaw na halik na ginawa sa akin no'ng Trojan Mondragon na iyon.

"I should order a take out."

Mabilis kong na-itago sa likuran ko ang kamay kong dumadama kanina doon sa labi ko, napatingin ulit kay Ethan, at saka ito pinanood na pumipindot sa cellphone nito, nag-o-order na siguro ng makakain namin.

"Parang gusto kong mag-Korean ngayon." Sabi pa ni Ethan saka niya ako nilingon. "Okay na ba sa'yo ang chicken at beer o may ibang request ka pa?"

"Samahan mo na ng kimbap." Sagot ko at saka ko lang naramdaman ang gutom dahil sa pagbanggit niya ng pagkain.

"Okay. Thirty minutes darating na iyon dito. Gusto mo bang mamili muna ng iba mo pang kailangan? Grocery? Toiletries? May grocery malapit dito baka may gusto kang bilhin?"

"Hindi ba kakasabi ko lang na wala pa akong nahahanap na trabaho?" Pagtataray ko pa sa kanya. "Ethan Mondragon, maglinis ka nga ng tainga mo!"

Natawa siya sa huli kong sinabi. "Eila Delos Santos, malinis po ako sa katawan for your information. Saka libre ko na ito! Kaya halika na! Mamili na tayo ng iba mo pang kailangan dito sa unit."

"Alam mo, masyado talaga akong spoil sa'yo." Napapangiti at napapa-iling na lang na sabi ko. "Basta kapag naging milyonaryo na ako, babayaran ko lahat ng libre mo sa akin."

"Wow! First time yata ito na hindi ka nakipag-talo sa panlilibre ko sa'yo? Uulan na yata ng snow dito sa Pilipinas! Finally!"

Ako naman ngayon ang natawa sa kanya bago ko iniyakap iyong isang braso ko doon sa braso niyang naka-ready na sa akin at saka kami lumabas doon sa unit.

Kung sana lagi na lang kaming ganito ni Ethan.

Kung sana lagi na lang nasa akin iyong atensyon niya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now