18 - Yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.

Start from the beginning
                                    

“Anong sinabi mo?” I asked the lower batch on my left, yung kaninang nagbubulungan.

“Ah… Presbi…. Ikaw pala…” Takot na takot na sagot nung babae. Nakita niya sigurong galit na galit na yung mukha ko, kaya halos mahimatay na siya sa takot.

“Don’t make me ask you again—”

“Si Miguel… Si Miguel! Sinampal daw niya si Corr!” Nagmamadali niyang sabi.

“What?! Sorry… Did I hear you right?”

Si Miguel? Yung gagong yun?! Sinampal si Corr?!

Puta.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ng kusa sa paglalakad yung mga paa ko at tuluyan na akong tumakbo para habulin si Corr.

"Sandali." I called. Pero parang wala parin siyang naririnig. Dirediretso lang siya sa paglalakad.

Kaya no choice na ko kundi hawakan yung kamay niya at hatakin siya para sumama siya sakin.

Mabilis akong naglakad, naririnig kong nagrereklamo siya pero di ko sya pinapansin.

After a while di na rin siya nagsalita.

Nagulat na lang siya ng huminto ako sa tapat ng headquarters ng school paper.

"A-Anong g-gagawin natin di-dito?" Paputol putol pa nyang tanong, pero hindi ko na sya pinansin. Sa halip binuksan ko ng padabog yung pintuan ng headquarters.

Halatang nagulat yung ibang students na nasa loob. Lalo pang hindi mapinta yung mga mukha nila ng makita na ako yung nagbukas ng padabog ng pinto.

Syempre, sino ba naman hindi magugulantang. Hindi naman lihim sa iba na maiksi lang ang pasensya ko at mainitin ang ulo ko. At ngayon, halatang halata naman sa mukha kong galit na galit ako at konting maling galaw lang ay magssnap na ako.

Sa dulo ng headquarters, nakita kong nakaupo doon si Migs habang kaharap niya at nakaupo sa mesa si Taylor – yung babaeng mukhang palitaw na pinagpalit niya kay Corr.

Agad niyang napansin ang pagpasok namin, kitang kita ko kung pano sumama yung tingin niya sa kamay namin ni Corr na magkahawak.

Sumenyas siya sandali kay Taylor, at agad namang tumayo yung babae sa pagkakaupo.

"Oh, Pres napadaan ka yata? Anung meron?—" Panimula ni Migs nang lumapit siya sakin, pero bago pa siya matapos sinuntok ko na agad siya dun sa parte ng mukha niya na mukhang may pasa pa.

Ayun tumba ang gago.

"A-ANO--" Mabilis siyang tumayo pero sinuntok ko ulit siya.

Kaya tumba siya ulit.

"Yung unang suntok, para kay Corr yun.” I snapped. “Para sa lahat ng katarantaduhan mong ginawa sa kanya." Napahinto siya sa akma nyang pagsuntok sakin. Si Corr naman napahawak na lang sa braso ko at bumulong ng tama na.

No, Corr. Hindi ko ‘to papalagpasin basta basta, Walang karapatan ang kahit sinongsaktan ka, Corr. Walang kahit sino ang pwedeng manakit sayo, habang nandito ako.

 

"Yung pangalawang suntok naman, para sa katangan mong pagsampal sa kanya." I hissed, naramdaman kong napabitaw si Corr sa pagkakahawak niya sa braso ko.

Si Migs naman, ayun ang gago at kalmado pang tumayo.

"Bading ka pala talaga Miguel eh. Babae na lang ba kaya mong patulan?!" I shouted at umamba siya ng suntok pero naunahan ko siya at sinuntok siya ulit.

What happened to us? Season 1Where stories live. Discover now