Chapter Five [REVISED]

Start from the beginning
                                    

"Breach of contract. Defamation and slander."

Sabay kaming napa-lingon no'ng landlady ko sa direksyon ng pinagmula ng boses na iyon saka ko nakita si Trojan na lumapit sa amin at tumayo sa may tabi ko.

"That's considered a crime by the rule of court." Dagdag pa na sabi ni Trojan saka niya ako pinasadahan ng mabilis na tingin at binalik ang nagbabagang tingin doon sa may-ari nitong apartment building. "Miss Delos Santos can sue you for all of that."

"At sino naman ang paki-alamerong lalaki na ito?" Pagtataray at namaywang pang tanong no'ng landlady ko.

"No one that you should know of since you're about to go to jail."

"Ha! At ako pa talaga ang tinakot mo, ha?" Pagyayabang pa no'ng landlady ko. "Hoy, mister! Para sabihin ko sa'yo, pulis ang asawa ko! May pa-rule of court ka pang nalalaman d'yan! Kahit saang korte kami magharap, hindi mananalo ang babae na 'yan! Bayad nga sa renta hindi niya magawang bayaran! Ano pa kaya ang kumuha ng abogado?"

Mariin akong napa-kuyom sa mga kamao ko, nagpipigil na sugurin at gantihan ang babae na ito sa mga pinaggagagawa niya sa akin.

Pero ang pagpatong no'ng isang kamay ni Trojan ang pumigil sa akin na gawin iyon saka ako napa-tingala sa mukha nito.

"In that case, we can also file a misconduct on your husband is he happens to use his authority against the law and he might be pulled out from his position." Hindi mababakasan ng sindak na sabi pa nito. "Magkano ba ang binabayaran ng mga tenant mo sa bulok mong apartment para umasta kang ganyan, ale?"

"Bagay na hindi mo afford!" Natatawa pang pagyayabang no'ng landlady ko bago ito napatingin muli sa akin. "Kung may panahon kang humanap ng panibagong lalaki na iuuwi rito sa apartment ko, sana naman mas naghanap ka ng ipambabayad sa akin, Eila! Ibang lalaki na naman ito, ah? Nasaan na iyong madalas mong dinadala rito noong mga nakaraan? Break na ba kayo? Kaya siguro wala ka nang na-ipambabayad sa akin kasi wala nang sumusuporta—"

"Everything you said is recorded and being listened to by a lawyer." Muling pinutol ni Trojan ang landlady ko saka pinakita pa rito iyong cellphone nito at iyong naka-register doong on going call na may naka-rehistro talagang pangalan ng isang attorney doon. "This is a strong evidence against you, miss. We'll see you in court."

"Anong... Paanong..." Gulat na tila nakaramdam na ng takot para sa lalaking kaharap nito ngayon na sabi no'ng landlady ko.

"Sir Trojan..."

"Let's go, Miss Delos Santos." Wika niya sa akin saka kinuha ang isang kamay ko at hinila iyon. "Just wait for the official complaint that we're filling in the next couple of days, miss. Good luck."

Hinayaan ko na lang si Trojan na tangayin ako pabalik doon sa elevator at palabas doon sa apartment building na tinitirahan ko.

"You shouldn't let anyone disgrace you like that, Miss Delos Santos." Wika ni Trojan no'ng nasa elevator kami, may diin at inis sa boses nito pero sa tingin ko ay hindi naman para sa'yo kundi para doon sa landlady ko.

Mariin na lang akong napa-kagat sa labi ko, hinayaan na bumagsak ang mga luha sa mga mata ko at saka humiling na sana binabangungot lang ako at hindi nangyari ang lahat ng bagay na ito ngayon.


"HINDI PO ba may meeting pa kayo, sir?"

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya kung saan niya ako hinayaang umiyak in private at pakalmahin ang sarili ko. Iyong personal driver naman niya ang kumuha no'ng ilang gamit ko na hindi pa nasisira no'ng inihulog iyon ng landlady ko sa labas ng apartment pero karamihan puro mga damit, sapatos at bag na lang iyon. Kahit iyong laptop ko, wala na raw roon sa mga gamit ko, ayon sa driver ni Trojan. Hula ko maging iyon ay kinuha na niya bilang pampabayad sa utang ko sa kanya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now