"Oo matutulog na tayo baby,niaantok ka na diba?"parang batang sabi ko kay Hello Kitty.

'Parantanga lang'

Agad akong pumasok sa kwarto ko at padapang humiga,kumuha ako ng isang unan at pinatong duon ang isang hita ko.

Maya maya lang ay nakatulog na rin ako sa wakas.

Kinabukasan.....

"Goodmorning everyone!!"bati ko dun sa kambal na parehas na nagkakape.

"Dahil sayo puyat kami"humikab pa si Kei at dumukdok sa lamesa.

"Gisingin niyo ko 5 minutes"aniya at humilik.

"Tsk!It's your fault"bumuntong hininga si Khalex at nangalumbaba habang nakatingin sakin,namumungay ang mata niya habang nakatingin sakin.

'Crush ata ako nito e'

"Tsk!wag kang mag assume"ngumisi siya at pumikit kaya napairap ako.Panira nalang lagi kainis!

Maya maya lang ay dumating si Ate Jenny dala dala yung mga almusal namin."Goodmorning po Ate Jenny"ngumiti lang siya sakin at nilapag yung mga pagkain sa lamesa.

"Goodmorning sister and brothers"bati naman ni Kairen na nahikab."Owww my brothers are sleeping"aniya at kumamot sa ulo

"Ate Jenny yung sinangag po?"tanong ni Kairen."Ayy oo nga pala"aniya at bumalik sa kusina.

"So my dear ate"sabi ni Kairen na malapad ang ngiti,tumingin ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay.

"My dear beautiful ate--"may hand gestures pa siya na parang natula."The most beautiful ate,the gorgeous girl named Phoebe Alisha"

Napairap nalang ako."17 years ago a baby was born a beautiful angel came she was so very very pretty and----"i shut her up.

"May kailangan ka 'no?"nakangising tanong ko napatungo lang siya habang nakapout."Si Kuya Kei kasi di daw ako ihahatid"

"Oh tapos?"tanong ko at kumuha ng pinggan para sakaniya.

"Pwede mo ba kong ihatid ate?"nagpapacute na sabi niya sakin."Yun lang naman pala eh!bakit kailangan pang mambola"i snorted.

"Eh kasi panget ka kaya kailangan  kong purihin ang muka mo"aniya at bumuntong hininga.

"Tama ka diyan Kairen"nakangising sabi ni Kei na mukang kanina pa nakikinig."Ang panget kaya niyang si Pabi"

"Pagtulungan niyo ko!sigi!"ngumisi ako sakanila."Hindi na kita ihahatid"sabi ko kay Kairen

Bigla namang dumilat si Khalex."E di kay kuya Khalex ako magpapahatid"mayabang na sabi niya."Diba kuya?"

"Ofcourse"tipid na ngumiti si Khalex at kumuha ng utensils."Basta sa bubong ka sasakay"aniya at ngumisi.

Humagalpak kami ng tawa ni Kei dahil sa reaksyon ni Kairen."Kainissss"ginulo gulo niya pa ang buhok niya,biglang dumating si Ate Jenny dala yung sinangag.

"Dig in"sabi ni Khalex kaya nagsimula na kaming kumain habang nakain ay nagvibrate yung cellphone ko kaya agad ko yun kinuha.

From:Marc

Suntukan tayo!

Nakalimutan ko palang burahin ang number ng talipandas.

To:Marc

Parine!babanatan kita.

Pinindot ko yung send button at akmang kakain ng magvibrate agad.ANG BILIS!

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now