“He’s your son,” paalala ni Armida sa kanya na may matalim nang tingin. “And it’s your fault.”

Sandaling nakipagtitigan si Josef kay Armida. Napabuntonghininga na lang siya dahil sa sinabi nito. Pinaandar na niya ang kotse para tumuloy sa school ng anak.

Wala siyang magagawa. Hindi naman kasi normal na bata si Zone.

“Kung ayaw mo talagang ibalik siya kay Laby, i-transfer na lang natin sa HMU,” suggestion ni Josef. “At least doon, namo-monitor siya.”

Sandali siyang tiningnan ni Armida, at saka inilipat ang tingin kay Zone na ayaw tumigil sa hand dance nito.

“Zone, gusto mong lumipat ng school?” tanong ni Armida sa anak.

“You hate me,” nagtatampong sabi nito.

“Zone,” malambing na tawag ni Armida, “hindi ka hate ni Mama . . .”

“You hate me so bad.”

Napaikot ng mata si Josef dahil ang napakaarte ng anak niya, kalalaking bata.

Iniharap na lang ni Armida si Zone sa kanya para makita siya nito.

“Kapag hindi mo ’ko sinagot, magagalit ako sa ’yo,” seryoso nang sinabi ni Armida at may halo nang pagbabanta.

Nag-pout na lang si Zone habang nakayuko. “I want to transfer.”

Tiningnan naman ni Armida si Josef. Ngumiti lang ang lalaki na parang may napanalunang laro.

“Let’s agree with that.”

****


Sa isang simpleng preparatory school lang pumapasok si Zone. Sinlaki nga lang ng ground floor ng bahay nila ang school nito na may populasyon ng labinlimang batang nasa edad tatlo hanggang anim ang nag-aaral.

Nakaupo si Zone sa tabi ni Armida habang nag-p-PSP. Kaharap naman ni Armida ang asawa sa katapat na upuan. Kinakausap ng mag-asawa ang adviser ng section ni Zone sa teacher’s table nito.

“Mrs. Malavega, siguro po mas maganda kung i-a-accelerate n’yo na si Dae Hyun. Sayang naman po ang opportunity,” napakahinahong sinabi ni Ma’am Diane, ang guro ng anak nilang ilang taon lang ang tanda kay Max. “May mga pumupunta na rito para mag-alok ng scholarship for him. Baka gusto n’yong i-consider.”

Nagkatinginan naman ang mag-asawa.

“Uhm, Ma’am Diane . . .” Tiningnan sandali ni Josef si Armida. Tumango ito para sabihing alam na niya ang susunod na sasabihin. “. . . Ang totoo, naisip naming ilipat na ng school si Dae Hyun. Lumipat kasi kami ng bahay at napakalayo nitong school sa bago naming tinitirhan. And about sa program—” Tiningnan niya ulit ang asawa.

“Since we are planning to transfer Dae Hyun, baka doon na lang namin i-consider sa bago niyang school ang program,” sabi ni Armida.

“Oh, I see . . .” Napatango na lang ang adviser sa sinabi nilang mag-asawa.

Nawala bigla ang atensiyon ni Zone sa nilalaro at nilingon-lingon ang paligid. Binitiwan niya ang PSP at biglang sumali roon sa mga kaklase niyang nagtatakbuhan at naglalaro.

Pinanood naman ni Armida ang anak niyang masayang nakikipaglaro sa mga kaklase niya. Napangiti na lang siya dahil nagagawa nito ang mga bagay na hindi niya nagawa noon.

Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niyang i-accelerate si Zone. Gusto niyang maranasan nito ang makipaglaro sa ibang bata, ang makihalubilo nang walang inaalalang problema, ang maging normal. Mga bagay na alam niyang hindi magagawa ni Zone kung papayag siya sa kahit anong program na inaalok nila.

Secrets of the Malavegas (Book 7)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant