SSTGB 17 : Liberation of the Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

"Please, kausapin mo naman ako," aniya habang hinahabol ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kahit ngayon lang, Marcus, sana maintindihan mo na ayaw kitang makita dahil nabibwesit ako sa iyo!!

"Ara!" hinarap niya ako sa kaniya nang tuluyan niya akong maabutan. Inalis ko iyong kamay niya at saka ako naupo sa isang bench. Napagod ako kakalalad nang mabilis.

Lintik! Hanggang kailan ba papagurin ni Marcus ang sarili ko?

"Marcus, ano bang gusto mong sabihin?" pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin at isusunod ko iyong sarili ko dahil ramdam ko pa ring kakaiba ang pintig ng puso ko ngayong magka-eye-to-eye kami ni Marcus. Bwesit ka na talaga, self, promise, no joke!!

"I just want to say sorry and that I really like you," sh*t naman, speechless na naman tayo dahil sa sinabi niya! Hindi na talaga ako natutuwa!! "I mean it, Ara, paniwalaan mo naman ako, oh," tuluyang natawa ang Ate ninyo at kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya, pero pake ko? Tss, mas nangingibabaw pa rin ang sakit na ibinigay niya!

"Totoo man o hindi na gusto mo ko, who cares? Ilang beses mo na akong nasaktan, Marcus? Hindi lang isa kun'di paulit-ulit! Paulit-ulit, Marcus!" nakagat ko iyong labi ko habang pilit pinipigilan ang lintik kong mga mata na gusto nang lumuha. "Sa tuwing ipinapakita mo sa akin na iba na naman ang kalandian mo-sh*t, Marcus, ang sakit, eh! Tapos ngayong handa na akong mag move on, ginagan'to mo 'ko? Ayaw mo ba 'kong maging masaya?" ramdam kong humina talaga ang boses ko nang bitawan ko iyong huling linya iyon. Oo, aaminin kong may kakaiba akong nararamdaman na sinasabi ngayon ni Marcus na gusto niya ako, pero iba talaga ang hinahanap kong kasiyahan. Kasiyahan na makukuha ko sa pagmamahal sa sarili ko at hindi ng sa iba.

"If letting you go will make you happy, handa naman akong gawin 'yon. If this is my karma for hurting you, I'm ready to suffer. I'm just hoping for your forgiveness, Ara," hinawakan niyang muli ang kamay ko kasabay ng pagbitaw ko ng isang malalim na paghinga.

"P-pasensya na, Marcus, pero sa ngayon, ang hirap pang ibigay," pagsabi ko ng katotohanan. Gusto ko man siyang patawarin agad, pero tumataliwas pa rin iyong puso ko. Sorry naman, fresh na fresh pa ang sugat, eh.

"Handa akong maghintay," aniya kaya dahan-dahan akong tumango at pilit na ngumiti. "Aalis na ako two weeks from now, sana pagbalik ko ay okay na tayo. I prefer the Ara and Marcus in the past, just merely friends."

"A-aalis ka?" ganito ba masaktan si Marcus? Tatakasan?

"Dalawa ang magiging exchange student, Ara. Ikaw at ako ang napili, pero hindi ko alam kung ano 'yong rason mo para ibigay kay Alex ang slot."

"Hindi mo na kailangang malaman pa, basta maganda ang rason ko kung bakit ko sinakripisyo 'yong slot," ngumiti ako nang totoo kay Marcus at saka ko siya tinapik sa braso niya, ang nakasanayan kong gawin sa kaniya, "congrats, Marcus, pakasaya kayo ni Alex doon at mag-aral kayong mabuti," tumayo na ako at saka ako naglakad paalis doon.

"Ara!" napatigil ako at muli siyang hinarap. Hindi ko alam kung bakit napapikit ako nang yakapin ako ni Marcus. Masarap sa pakiramdam, pero ang bigat-bigat pa rin. "I'm sorry again," bulong niya at siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa akin at saka siya nag walkout. Naunahan ako! Asar!

CHARMAGNE'S POV

"Popcorn pa, oh," inabot naman ni Clara ang bitbit nga niyang popcorn.

"Sisiguraduhin natin na last iyak na 'yan ni Kilatra," sabi ko naman sabay lafang ng popcorn. Para lang talaga kaming nanunuod ng tragic love story ditey. Cool din naman pala.

"Pakalalaki ka na kasi," sabat naman ni Sisteret.

"Konek, mahal kong kapatid?" nakataas pa ang isang kilay ko niyan, ha.

"Tapos ibigin mo si Arabells, Mamsh," sabi naman ni Clara kaya maarte kong pinalo ang kamay niyang bitbit-bitbit ang supot ng popcorn kaya ayon, may natapon na isa. Pinulot ko, sayang, wala pa namang five minutes, eh.

"Oh, kainin mo 'to nang mahimasmasan ka," akmang isusubo ko kay Clara iyong nahulog na popcorn, pero kinabig niya iyong kamay ko at muling nahulog ang tanga sa maling tao-cheka lang! Iyong popcorn ang nahulog! Pinulot ko ulit, tapos ako na iyong kumain kaysa ireject na naman ng iba, masakit kaya.

Pero, hoy, walang seryosohan, ha. Hindi ko kinain iyon, aakalain pa ng iba na wala akong perang pambili ng popcorn.

"But seriously, Charmagne," napaseryoso talaga ako nang magsalita si Anikka, ewan ko ba ditey sa pechay na ito at sinalo ang lahat ng kaseryosohan sa mundo, "is there a chance for you to fall in love with a woman?" ang hirap ng tanong, pang one million ito, Mars!

"Wala, final answer," sagot ko naman sabay hawi ng mahaba kong buhok.

"Hindi mo ba pagbibigyan si Ara?" seryoso ba itong si Anikka sa mga tanong niya? Pereng shera! "I mean. . .why not you guys try to get more close? I can see the chemistry between the two of you," dagdag pa niya. Diyos ko! Pwedeng masuka, saglit lang talaga.

Napatingin ako kay Ara at Marcus na ngayon ay magkayap na. Tiningnan ko si Marcus, tapos si Ara, si Marcus ulit, tapos si Ara.

Shuta! Mas bumibilis ang daloy ng dugo ko kapag kay Marcus ako nakatigin!

"Bakla ako mga, Mars, kaya 'yang chemistry na nakikita niyo, iwan niya na 'yan sa klase at 'wag niyo nang dalhin sa labas," sabi ko, pero mukhang hindi naniniwala ang mga pechay! Ano bang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko? Na bakla ako? Hindi pa ba halata? Diyos ko!

"But, I just want to remind you," muling nakuha ni Anikka ang atensyon namin, "love comes in an unexpected time and unexpected person. No matter what kind of sexuality or gender preference that person has, when love hits you both, wala kayong kawala," tumayo siya at inaya na ang dalawa niyang kaibigan, "tara na, puntahan na natin si Ara," aniya at saka nila akong tuluyang iniwang tulaley!

Natakot ako sa sinabi niya!! Sana hindi ako mahuhulog sa babae. Shuta! Ayoko nga! Lalo na kay Ara. Shuta, sakit talaga sa ulo ang mga babae, eh, kahit gusto ko silang maging ka-uri.

Ay, ano ba iyan! Umi-echo pa rin sa tenga ko iyong sinabi ni Anikka! Shuta, baka hindi ako agad makatulog nito kakaisip ng sinabi niya.

AHHHH!! WALA AKONG NARINIG!

Tama na, Charmagne, humayo ka na at umawra. . .sa mga chopopong OTOKO! (Gwapong LALAKI!)

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon