SSTGB 24 : Gusto Kita

442 30 9
                                                  

Malakas na katok mula sa labas ang pumukaw sa akin, pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pagbingi-bingihan. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang patuloy kong naririnig ang katok at pagtawag sa akin ni Daddy.

Antok na antok kasi talaga ako! Paano ba naman kasi ay gabi-gabi akong hindi nakakatulog nang maayos! Simula nang itanong ko kay Charmagne kung pwede bang ako na lang ang ‘pumuno’ sa nararamdaman niyang ‘kulang’ pa rin ay hindi ko na siya nakausap pa. Palaging hindi tugma ang schedule namin. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang sinadya niyang busy ako sa tuwing may free time siya at busy siya sa tuwing ako naman ang walang ginagawa!

Oo, feeler na kung feeler, pero pakiramdam ko talaga ay iniiwasan niya ako! Bakit kaya ganoon, ano? Sa tuwing gusto mo nang itodo ang pag-amin mo ay saka ka niya iiwasan. Nakakainis lang talaga!

“Ara, sweetie!” bumangon na ako at binuksan na ang pinto dahil baka ma-good game ako kapag pinagod ko si Daddy.

“Bakit po? Wala po 'kong pasok ngayon, Dad, gusto ko pang matulog,” nakapikit kong sabi. Anong oras na ba kasi akong nakatulog? 2 AM or 3 AM? Ewan, basta hindi na iyon gabi kung hindi madaling araw na.

“May naghihintay sa'yo sa baba,” sagot niya.

“Si Charmagne?” pakiramdam ko ay nabuhayan talaga ako! Siguro kaya niya ako iniiwasan ay dahil gusto niya akong i-surprise!

“Ooh, I didn't know you were expecting for him,” mapanuksong sabi niya. Tss! Bahala na nga sila riyan, itukso pa nila kami, sige! “But, he's not your visitor, it's. . .I forgot his name, but he's Mrs. Chua's youngest son,” dagdag niya.

Mrs. Chua? Youngest son? Probably it's not JD kasi eldest siya, so. . .si John Jervin? What? Ano namang ginagawa niya rito?

“Maligo ka na at bumaba ka agad. Don't let your visitor wait too long,” aalis na sana si Daddy, pero muli ko siyang tinawag.

“W-Why is he here?” nagtataka talaga ako, sobra!

“He asked us if he can go out with you.”

“At pumayag kayo?”

“Why not? He said he wants to get to know you, and besides, Ara, he's the son of our new shareholder, tama lang na maging kaibigan mo siya.”

“But, Dad, actually, we got nothing to do with your business. Pero, bakit kayo pumayag? Ano ito? Ako ang bitag ni’yo para maging close 'yong family natin sa family nila? Come on, Dad, tell me, is there something wrong with the business? Hindi mo na ba kayang i-handle or are we losing money kaya we need their help?” sorry naman, naguguluhan lang talaga ako! Imagine, hindi ko kilala si John Jervin, tapos okay lang sa kanila na lumabas kami. Akala ko ba don't trust a stranger, bakit ang dali lang sa kanilang payagan ang lalaking iyon na ilabas ako? Tsk!

“It's not like that, sweetie. Bakit ka ba nagagalit? Kaibigan lang naman ang gusto nang binata, hindi niya naman sinabing gusto ka niyang ilabas dahil jojowain ka niya.”

Napanganga ako sa sagot ni Daddy! Hindi ako makapaniwala na alam niya ang salitang ‘jowa’, ibang klase!

“Huwag kang magulat, Ara, I am using social media, too, kaya alam ko ang mga ganiyang terms ni’yong Generation Z,” nabasa yata ni Daddy sa mga mata ko ang gulat kaya nasabi niya iyan. HAHAHA! “Sige na, maligo ka na at bumaba agad. Don't be too overreacting, kaibigan lang 'yan not marriage,” aniya saka niya ako tuluyang iniwan.

Wow! Grabe si Daddy! Ano pa bang magagawa ko? Payag na payag sila, eh. Ewan ko ba kung bakit hindi sila strict sa akin, I mean kapag may lalaking gusto akong kilalanin ay go na go lang sila basta kapag nasaktan ako ay they always got my back at sila na raw ang bahala sa mananakit sa akin.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon