SSTGB 13 : Rivalry

397 19 11
                                          

CHARMAGNE'S POV

Habang nagsasalita ang Kuya ni Ara na si Aaren ay hindi ko mapigilang mapatulala sa kaniya. Mama, yummilicious! Mula dulo ng buhok hanggang dulo ng kuko niya sa paa, perfect! Ito namang si Arnold ay bet din, kaya lang may nililigawan na, so rito na lang tayo kay Aaren, keri pa itong bingwitin! Hihihi!

"Have you ever had a girlfriend, Charmagne?" hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o kikiligin dahil sa tanong na iyan ni Aaren. Maiinsulto ako kasi kitang baklang-bakla ang Ate niyo tapos ganiyan iyong tanong niya o kikiligin dahil baka ini-expect niyang sasabihin kung wala dahil siya ang hinihintay ko tapos sasabihin niya sa akin na bet niya rin ako. Hmm, harot!

"I had girlfriends way back then," yes, with 's', totoong na-in love ang bakla sa mga pechay! Bakla na ako at that time, pero ewan, Mama, pumatol pa rin ako sa babae. Kaya lang ay nang dahil kay Jake Dave Chua, transferee noong third-year high school pa ako, ay roon na! Tuluyan na akong nagpakabakla, pero ang lolo niyong gwapo, ayon lumipat ng ibang school nang malamang gusto ko siya. At ako, never na akong nagkagusto ulit sa isang pechay, sunod-sunod na na otoko na ang bet ko. Hihihi!

"So, probably, you can still fall in love with a woman?" tanong naman ni Arnold at syempre, umiling ako agad. Ayokong magkagusto sa babae, gusto kong maging babae. Tapos! "Sayang naman 'yong lahi mo," natawa pa siya nang bahagya. Tss, lahian kaya kita! HAHAHAHA!

"Anong itsura mo no'ng lalaki ka pa?" bakit kaya curious si Aaren? Bakla ba ito? Cheka lang! Huwag naman, Mama!

"Nakakadiri man, pero say ng iba . . .gwapo raw ako," hininaan ko na iyong boses ko nang sabihin ang huling linyang iyon dahil nakakadiri talaga!

"May picture ka ba no'ng lalaki ka pa?" tanong naman ni Arnold. Hala, bakit ba ganito sila ka-curious sa akin? Medyo kinakabahan na ako. Hooh!

"Wala akong dala, eh. Tsaka sa social media accounts ko, deleted na," ayoko nang maging lalaki ulit, ano, kaya dapat tanggalin na iyon lahat! Walang ititira. Noon lang ako naging lalaki. Past is past. "Pero, kung curious talaga kayo, pwede ko namang ipakita," hindi ko maintindihan ang mga ito dahil talagang ngiting-ngiti sila nang sabihin ko iyon. "Sige, first tanggalin muna natin ang mahaba kong buhok," itinago ko iyon sa suot-suot kong sombrero. Ngayon ko lang napansin na nagmukha pala akong walang tiwala sa bubong ng bahay nila dahil nakasombrero talaga ang Ate niyo! "Next, the piloka," my God, Mama, para akong nagtuturo sa mga ito kung paano magtanggal ng makeup! At, natapos ko ngang tanggalin ang mga ka-ek-ekan sa mukha ko at mas lalong ngumiti ang dalawa. Bet na bet ang itsura ko! My gosh! Ito na talaga iyon. Pakiramdam ko may love life na akong bukas! #CharmagneIsMagandaTalagaSobra

"You look better with that," Diyos ko, masinseridad talagang sabi ni Arnold.

"Pero, beki talaga ako, eh," ngumiti lang sila nang sabihin ko iyan, pero parang ang weird lang talaga nila. Mukhang hindi kasi sila naniniwala sa akin. Saang banda ba ng itsura ko ang hindi mo masasabing binabae? Boobs? Kasi wala? O baka something down there? Ay! Enebe, let's not talk about that. Basta, bakla ako, tapos.

"Oh, we have a visitor?" lahat kami ay napatingin sa babaeng kakababa lang ng hagdanan. Halatang nanay nila ito dahil kamukhang-kamukha ni Kilatra. Para nga silang kambal, eh, kaya lang ay mas maganda iyong nanay niya.

"Yes, Mom, she's Charmagne Fuentes," pagpapakilala naman sa akin ni Aaren.

Tumayo ako at sinalubong ang maganda nilang Mudra. "Good evening po," bati ko sa kaniya at nakangiti naman siyang binati ako pabalik. Ang swerte ng Kilatra sa pamilyang ibinigay sa kaniya. Mukhang mababait ang mga ito. Sana lahat, hindi ba?

"You're Chandra's older. . ." nahirapan yata siyang sabihin ang brother. HAHAHA! Wala na naman akong makeup at nakatago na ang mahaba kong buhok, kaya lang ay naka off-shoulder pala ang Ate niyo. Hehe.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon