SSTGB 17 : Liberation of the Heart

1.9K 96 7
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa classroom namin ay wala naman akong kakaibang napapansin. Sapagalay ko ay wala pa ring nakakaalam sa nangyari kahapon which is quite new. Sa eskwelahan kasing ito kapag may issue ang bilis kumalat, ang dami agad ng nakakaalam, pero kapag pagdating sa klase ay walang natututunan. Mga kabataan nga naman.

"Ara," napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Alex na hindi ako matingnan sa mga mata, "can we talk?" nakayukong tanong niya.

Tumango lang ako saka kami naghanap ng lugar na walang makakarinig sa pag-uusapan namin. Sakto namang may isang silid-aralan na walang tao kaya roon kami nagtungo.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko, pero nararamdaman ko na sa aking radar na tungkol ito sa slot ng magiging exchange student.

"Kahapon, aksidenteng nakita ko si Marcus na umiiyak and I asked him what happened. Sinabi niya sa akin 'yong totoo. Kaya gusto kong kausapin ka, Ara. . ." bahagya akong nagulat nang bigla siyang maluha, ". . .na sana ibigay mo sa akin 'yong opportunity," halatang nagmamakaawa ngayon si Alex dahil muntik na siyang lumuhod sa harapan ko. Pinigilan ko siya dahil hindi naman ako ganoon kaganda para luhuran. Hehe.

"Bakit ba gusto mo 'yong makuha?" syempre, kyuryos din ako kung bakit gustong-gusto niyang maging isang exchange student. Alam ko namang halos lahat ng estudyante ay pangarap iyan, pero iyong magplano na gumawa ng masama para mapasakanya iyong slot ay hindi talaga tama. Ano kayang mabigat na rason ang bitbit ni Alex? Hmm.

"This may seem so lame, but I want my parents to be proud of me," sagot niya. Kumunot ang noo ko dahil lame talaga. Lahat naman tayo gustong maging proud sa atin ang mga magulang natin. Ano ba iyan, Alex?! Plano ko na sanang i-give up iyong slot, pero pare-pareho lang naman pala tayo ng rason, eh. "That's the only way I have to finally get their attention," napaseryoso ako nang muli siyang magsalita. Hindi yata tamang i-judge ko si Alex ngayon. "Ara, I was never acknowledged by my parents, lagi na lang si Ate. Si Ate na magaling, matalino, maipagmamalaki nila, pero ako? Ito, isang brat na akala mo nasa kaniya na ang lahat. Ang tapang-tapang ko, pero kapag nasa bahay na ako aakalain mo na isa akong makahiya dahil tumitiklop agad. Gusto ko lang naman na mapansin ako ng parents ko, eh. . ." tuluyang bumuhos ang mga luha niya at hindi ko alam kung i-co-comfort ko ba ang taong ito, iiyak din ba ako, o lalayasan ko ito? Joke. Ewan, makiki-iyak na rin ako, ". . .minsan pinapanalangin ko na lang na sana, sana katulong na lang ako sa bahay para kahit papa'no napapansin ako kapag may kailangan sila. Pero, hindi, eh, napapansin lang ako kapag may nagagawang hindi maganda ang Ate," aba ay nakakaloka naman pala ang parents nito, eh. A-anak-anak, pero hindi papansinin. Parang tanga! "Pero this time, Ara, makuha ko lang 'yong slot, it will be a big help para mapagtuunan nila ako ng pansin. Knowing that I'll get the only one slot will surely make them happy and be proud of me," nakangiti niyang sabi habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.

Bahagya kong tinapik ang likuran ni Alex at alam kong hindi niya iyon inaasahan dahil sa reaksyon na ibinigay niya. Sandaling bumilog ang mga mata niya at saka siya muling napangiti. "The slot will also make my parents happy," sabi ko kaya agad siyang napayuko. "But, I want your parents to be proud of you," muli siyang napatingin sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya. Alex may not have been a good human pagdating sa akin, but I know she still has a kind heart. "Alam ko na 'yong sakripisyong ginawa ko ngayon will be worth it soon," dagdag ko at hindi niya napigilang yakapin ako. This time, I'd realized she's telling me the truth at masaya ako sa desisyong ginawa ko. The slot is also important for me, but it's more important for Alex. Tsaka tanggapin ko man o hindi iyon, I know my parents will always be poud of me.

***

"ARABELLS!" ayan agad ang bumungad sa akin nang makarating ako sa classroom namin at saka ako niyakap ng tatlo na para bang ilang dekada talaga kaming hindi nagkita.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Where stories live. Discover now