SSTGB 22 : The Date

387 31 12
                                                  

Ten minutes nang late ang Juding! Akalain niyo iyon siya ang nagyaya sa akin tapos ako ang pinaghintay. Hindi dahil mas maganda siya sa akin ay gagawin niya na ito!

Charot. OA! Pero seryoso, kanina pa ako nakaupo rito sa isang bench at naiinip na talaga. Gusto ko na nga sanang makipaglaro sa mga bata rito sa Joy Flower Park. May naglalaro rito ng piko, naiinggit ako.

“Big Sis!”

Gulat kong nilingon ang batang bigla na lamang sumigaw at yumakap sa likuran ko.

“I miss you, Big Sis! I miss playing tagu-taguan and habulan with you,” aniya. Ako, hindi ko namiss. Nakakapagod kasi, tapos ang daya niya! Kahit nahuli ko na siya sinasabi niya trial pa iyon o bigla-biglang sumisigaw ng ‘time freeze’, hindi ba ang fair ng batang ito makipaglaro?

Hinarap ko siya sa akin at naupo ako para lumevel sa kaniya. “I miss you, too, pero hindi ko na-miss makipaglaro sa'yo,” ngiting-ngiti kong sabi, pero si Ynna ay agad na sumimangot kaya bumawi ako agad, “hindi ko na-miss dahil miss na miss ko,” kunyari ay masaya talaga ako kaya mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko. Si Ynna naman, ito, talon nang talon. Lumaklak na naman siguro ito ng Enervon bago pumunta rito.

Pero, wait, bakit nga ba nandito siya? Don't tell me ang date na ito ay pinamagatang ‘Baby Sitting’? kaloka!

“Kaya ako natagalan kasi nag-away pa kami,” biglang usal ni Charmagne habang nakatingin kay Ynna na ngayon ay ngiting-ngiti habang nakatingin sa magagandang bulaklak rito sa JFP. “Nang malaman niya kasing ikaw 'yong makakasama ko ngayon, ayon bet na bet na sumama. Kaya lang ayoko baka kasi may makakita sa amin. Alam mo na, madaming tsismosa sa Earth, hindi malabong malaman 'to agad ng mga Fuentes at good game talaga ang magandang bakla 'pag nagkataon,” aniya at halata ngang na-stress ang Juding, pero hindi niya naman nakalimutang magpaganda!! Sapagalay ko ay aakalain ng iba katulong ako ni Ynna!

Simpleng-simple lang naman kasi si Charmagne. Naka-off shoulder at seksing short!! Ang puti ng tuhod mga, par!! Tapos naka rubber shoes siya—himala at hindi heels! O baka naman, plano niya talagang maglaro kami rito dahil ganiyan ang ayos niya? Nako! Mabuti na lang at ang ayos ko ay—

“Talo mo 'yong ganda ko ngayon, ha.”

Naka-dress pala ako! Iyong tipong kapag malakas ang hangin ay aakalain mong naka-ph care ako. Hala! Baka makitaan ako! Ay, may suot naman akong cycling, so safe. Tapos, naka-heels pala ako! Paano kapag maghahabulan pala kami rito kasama si Ynna, so ano na? Huhubarin ko? Tapos, naka-make up pa ako! Iyon kasi ang sabi ng mga Angels ko pati na rin si Mommy nang malaman nilang lalabas kami ni Charmagne. Dapat daw presentable ang itsura ko.

“S-Syempre, minsan na nga lang kita malalamangan,” salamat naman at nakalusot ako. Umupo na rin ako sa tabi niya habang siya ay diretso ang tingin kay Ynna na ngayon ay nakikipag-kaibigan sa ibang mga bata.

“Mas lamang ka pa rin sa'kin, Kilatra,” hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng boses niya nang sabihin iyan. Tsk! Akala ko ba magpapakasaya kami? “Lamang ka dahil mahal na mahal ka ng Mommy mo,” muling usal niya. “Si Ynna, I don't know lang kung hinahanap ba siya ng Mommy niya,” bigla siyang tumingin sa akin at saka mapaklang ngumiti, “at ako, I don't know lang din kung inaalala pa ako ng Mommy.”

“Ha? Symepre, oo,” sabi ko naman. Ano bang nangyayari sa kaniya? Ang lungkot ng mga mata niya!! Bakit ganito? Kung kailan gusto kong maging masaya ay siya naman itong nalulungkot.

“Alam mo ba 'yong birthday ko, the party wasn't really intended for me. Nagkaroon ng party para mas maging close si Mommy sa mga bagong shareholders ng company kaya nga hindi ko na-invite 'yong mga kaibigan kong beki dahil sabi ni Mommy baka manggulo lang knowing that my gay friends are so maiingay at makukulit.”

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon