SSTGB 6 : Overheard

512 18 2
                                          

----------CHAPTER 6----------

Nagising ako dahil may kung sino na namang ang lakas kung makakatok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako bitbit ang isang unan at nang buksan ko iyong pinto ay itinapon ko 'yon agad sa kaniya. Mabuti na lang at alam niya na na ganoon ang gagawin ko kaya agad niya iyong nasalo. Bumalik ako sa higaan at muling pumikit.

“Hindi ka ba papasok?” iminulat ko iyong mga mata ko at busy na si Kuya Arnold sa pagpulot ng mga unan kong nahulog sa kama. Hehe, pasensya na kung ano kasi iyong posisyon ko kapag nakatulog ako ay iyon pa rin ang posisyon ko paggising, iyong mga unan ko lang talaga iyong malikot kaya ayan nagkalat sa sahig.

Muli akong nagtalukbong ng kumot nang mapatingin siya sa'kin. “Hindi ako papasok,” sabi ko at naramdaman ko naman siyang naupo sa kama.

“At bakit?” tanong na naman nito.

“Basta,” sagot ko at hindi ko namalayan na tumulo na naman iyong bwesit kong luha! Ang OA ko na, sh*t! Kagabi kasi nag message ako kay Marcus sa messenger, pero niseen, wala! On line naman siya. Ininbox zone ako! Nag sorry lang naman ako, eh, pero hindi niya tinanggap! Syempre masakit. Mahal ko iyong tao, eh, tapos ginaganito lang ako. Saan ba ako nagkulang? Kasi sa pagkakaalam ko height lang naman ang kulang sa akin. Sh*t naman!

“Huwag ka ngang tamad, Ara, bumangon ka na,” bahagya niya pang pinalo iyong kumot na nakatalukbong sa akin.

“Ayoko nga!” baka kapag nakita ko siya bigla na lang akong matumba kaya ayoko munang pumasok, siguro mamayang hapon na lang, ganoon. At least ilang oras kaming hindi magkikita sa isang araw. Baka naman mamaya, eh, naka move on na siya.

“May iniiwasan ka ba?” tanong niya at nanlaki naman iyong mga mata ko.

Inalis ko iyong kumot at saka ko siya tinanong ng, “Manghuhula ka ba, Bro?”

“I was asking, Ara, then it means I'm not yet sure. Kung manguhuhula ako sana sinabi ko may iniiwasan ka, my statement should end with a period and not with a question mark. Ayan kasi, hindi pumapasok sa eskwela,” agad akong napatayo nang sabihin niya iyan kaya tinaasan niya ako ng kilay. Kalalaking tao gumaganyan.

“Mag-aaral na ako,” sabi ko. Kailangan kong mag-aral para hindi niya na ako makorek pa. Palibhasa Valedictorian siya noong High School. Eh, ako? Umakyat lang sa stage para kumuha ng diploma. At least, hindi ba may nakuha, tsaka sinabitan naman ako ng mga magulang ko ng binili nilang medals, eh. Lima, best in reklamo, best in pabili nito, best in tinatamad akong pumasok, best in mataray sa school, at best in mapagmahal kay Marcus—yiieee, Araaa! Self-support na lang, ganoon, ayaw nila kay Marcus, eh.

Akmang papasok na ako sa banyo nang muli niya akong tawagin. “Iyong bakla ba ang iniiwasan mo?” tanong niya at saka niya pinasidahan ng tingin ang isang-daang rosas na nasa malaking flower vase.

“H-Hindi, ah,” hindi ko alam kung bakit na-awkward ako bigla. Kasi ang panget ni Kuya dahil nakangisi siya? I mean ang panget ng ngisi ni Kuya. Hehe. Mukhang tinutukso niya ako! Sh*t mamon!

“Hindi mo ba alam usap-usapan kayo ngayon sa page ng School sa FaceBook?” hindi pa rin nabubura ang ngisi sa mukha niya, “akala ko ba si Marcus? Bakit parang 'yong mas babae pa sa'yo 'yong gusto mo—aray!” syempre, tinapon ko sa kaniya iyong tsinelas ko.

“HINDI KO SIYA BET!” asar kong sabi sa kaniya. Naalala ko na naman siya! Yong baklang iyon ginugulo ang isip ko lalo na pagdating kay Marcus!

“Oh, bakit ka sumisigaw?” natatawa niyang tanong. Isa pa! Isa pa! Itong isang tsinelas ko naman ang lilipad ngayon.

“Nakakainis ka kasi!” parang bata kong sabi kaya mas lalo niya lang akong tinawanan.

“Huwag ka ro'n, Ara, ha. Mas maganda pa 'yon sa'yo, eh,” sinamaan ko siya ng tingin, pero kalaunan ako naman ang napangisi.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon