SSTGB 31 : Messages

380 26 16
                                          

Ilang baso ng alak na kaya ang nainom ko at bakit pakiramdam ko ay hilong-hilo na ako? Tsk! Inom lang din kasi ako nang inom, eh, parang wala na nga akong pake kung nasaan na ba ako ngayon. Basta, abot lang din ako nang abot ng inumin, tapos laklak agad.

“That's enough,” may nag-agaw ng baso ko kaya asar ko siyang tiningnan. “You're drunk,” aniya.

“No,” sagot ko sa kaniya at inagaw ko iyong baso at ininom nang dire-diretso ang alak.

“Tama na 'yon, Ara, bumalik ka na sa mesa ni'yo,” dahan-dahan niya akong inakay pabalik nga sa mesa namin.

“Wait,” napatigil kami sa paglalakad at itinuro ko siya, “Jervin? Oh, it's you! Happy birthday!” bakit ngayon ko lang napagtanto na birthday niya nga pala ngayon?

Bahagya siyang natawa kaya nagtaka naman ako. “God, Ara, what on earth are you talking about? It's my grandparents golden anniversary, not my birthday,” aniya. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko at mahinang natawa. Nakakahiya! “Lasing ka na nga,” muling usal niya.

“Hala, lasing na?” rinig kong tanong ni Anikka. Sino ba ang lasing? Ang hina naman ng alcohol tolerance niya. Tss!

“Ganiyan talaga kapag may pinagdadaanan,” sabi naman ni JD. Napatingin ako sa kaniya at agad naman siyang ngumiti.

Umupo ako sa bakanteng upuan at isinubsob ang ulo ko sa mesa. “Nandito rin kayo?” tanong ko pa.

“Of course, Arabells, baka nakakalimutan mo, ha, hindi lang ikaw ang bisita rito,” sagot naman ni Clara at tumango lang ako.

“Inaantok na ako,” usal ko na naman. “Pero, bakit may luha sa mga mata ko?” pinahiran ko iyon at naramdaman ko namang may umakbay sa akin.

“You ain't just the only one who missed him.”

“Anikka,” sunod-sunod na talaga ang pagtulo ng luha ko! Sandali nga, ilang araw na ba akong iyak nang iyak?! Nakakapagod na!

“Shhh, 'di ba sabi niya sa'yo, babalikan ka niya?” Anikka tried to calm me down, pero ayaw talaga ng sarili ko.

Ilang buwan na ba siyang hindi tumatawag? Four, I think? Basta, ang natatandaan ko, noong araw na nakalapag na siya sa California ay tinawagan niya pa ako, tapos halos gabi-gabi na, until one day, bigla na lang, wala na. Kahit si Chandra ay hindi na rin siya makontak! Hanggang ngayon!!

Wala akong balita sa kaniya. Wala talaga akong alam kung kamusta na siya. Hindi naman kami, pero nasasaktan ako at nalulungkot ako nang sobra-sobra ngayon.

Simula nang umalis si Charmagne ay pakiramdam ko ang laki na ng kulang sa buhay ko. Masaya naman ako, pero alam kong mas masaya ako noon.

***

Nagising na lamang ako nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. “Rise and shine, Ara,” hindi ko man maaninag si Kuya Arnold, pero alam kong siya iyong nagsalita.

“Get up now, eat this soup, take your med, and start your day with a smile,” rinig ko namang usal ni Kuya Aaren at nakita ko naman siyang inilapag ang kaniyang bitbit na tray sa mesa.

“Thank you,” puno ng sinsiredad kong sabi. Bumangon na ako at saka ko inumpisahang kainin ang sopas na gawa ni Mommy.

“Summer's almost there, saan mo ba gustong magbakasyon?” tanong ni Kuya Aaren dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.

Saan pa nga ba? Edi sa California! Gusto ko na talaga siyang sundan! Kaya lang ay sigurado akong hindi papayag sina Mommy at Daddy.

“Dito na lang ako sa bahay,” sabi ko matapos kong mapagtanto na wala naman akong lugar na bet puntahan bukod nga sa California!

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon