SSTGB 3 : Curiosity

2.9K 138 33
                                    

CHAPTER 3
Curiosity

ARA'S POV

Kaniya-kaniyang batian kami nang makarating kami kina Chandra. Hindi naman kami na-inform na andito iyong buong angkan nila. My gosh! Ang daming gwapo tsaka magaganda! Iyong tipong kada lingon mo makakatanggap ka kaagad ng vitamin see.

“Hi, Ara, it's been a long time,” nakangiting bati sa akin ni Greg, isa sa mga gwapong pinsan ni Chandra. Medyo kulot iyong buhok niya, tapos pormado iyong kilay—nahiya naman iyong akin na kung saan-saan ang direksyon ng ibang hibla ng kilay ko—tapos iyong eyelashes niya, hoy, so wow! No need to curl! Matangos ang ilong niya, medyo makapal iyong labi, pero red na red! Hoy, basta, ang gwapo!

Todo ngiti talaga ako nang binati ko siya pabalik. “Kamusta na?” nakangiti ko pa ring tanong.

“I'm fine and I've totally moved on,” mas lalo akong napangiti. Mukhang konti na lang aabot na sa tenga ko. Uwu! Gwapo kasi talaga siya kaya lang binasted ko ito dahil mahal ko talaga si Marcus. Kahit lamang talaga si Greg sa kilay at pulang labi, si Marcus pa rin talaga.

“Masaya ako para sa'yo, Greg,” super sincere talaga ako sa sinabi ko, promise! “So, may bago ka na bang napupusuan?” tanong ko.

“Yes. I love to share the words of God,” kumunot iyong noo sa sagot niya. Naintindihan ko naman, pero hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya, “Ara, magpapari ako. Pumasok ako ng semenaryo sa States,” napaawang talaga iyong bibig ko! Sayang ito. “I'm here in the Philippines kasi I'm in a vacation for the meantime,” muling usal niya.

“D-Desidido ka na ba talaga riyan, Greg?” malay natin, hindi ba, may pag-asa pa. Sayang kasi talaga iyong lahi niya!

“Yes, Ara,” halata talaga sa ngiti niya na gustong-gusto niyang magpari!

“Eh, Greg, iiyak talaga si Anikka kapag nalaman niya 'to,” malungkot kong sabi.

“Ang alin?” wow! Ang laki ng tenga ng babaeng ito at narinig niyang binanggit ko iyong pangalan niya. Biglang sulpot, eh.

“Hi, Anikka,” bati niya rito, pero hindi sumagot ang Loka, pumupuso na iyong mga mata niya. Sige nga, tingnan natin kung hindi ito iiyak kapag nalaman niyang magpapari na iyong ultimate crush niya.

“Magpapari siya, Nikks,” agad niya akong nilingon na nanlalaki talaga iyong mga mata tapos tiningnan niya si Greg na agad tumango.

Hoy! Mukhang may iiyak talaga!

“B-bakit?” naluluha niya ng tanong.

“I just suddenly want to become a Priest, Anikka, nararamdaman ko kasi na tinatawag ako ng Diyos,” sagot naman niya. Ang lumanay ng boses niya! Mukhang bagay nga sa kaniyang mag pari, so sorry na lang kay Anikka.

“Baka naman mamamatay ka na?” wala sa sariling tanong niya. G*ga ito, sa lahat ng pwedeng sabihin ay iyan pa. Mabuti na lang talaga at natawa lang si Greg. “Joke lang,” muling usal niya. Oy, first time niyang mag joke, wala pang kwenta. “Sige, enjoy sa pagpapari,” tapos tumalikod na siya at naglakad papunta sa mga inuming alkohol. Alam na!

“Sundan ko lang, soon-to-be Father Greg,” nakangiti kong sabi na talagang ikinatuwa niya. Tsk! Sayang talaga siya! “Hoy!” pinalo ko iyong kamay niya nang akmang iinom na siya ng alak, “ano? Maglalasing agad?” tanong ko.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon