SSTGB 16 : Real Love

469 20 3
                                                  

ARA'S POV

MY GOSH! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Pero, mas lalong hindi ako makapaniwala na Daddy ang tawag ng bata sa kaniya. Bulag ba ito? Babaeng-babae naman si Charmagne, ha, o baka naman may something? Hala, ang weird talaga.

“Hoy, tatay ka na ba?” tanong ko ulit. Hindi niya naman kasi ako sinagot kanina. Pinapakyuryos ako, kaasar!

“Who is she?” tanong pa nang bata. Sobrang ganda niya talaga! Mukhang may dugong banyaga ito kasi iba ang kulay ng kutis, tsaka parang hazel iyong mga mata niya. Ang ganda! Sana lahat!

Ibinaba ni Charmagne iyong bata at saka niya ako nilingon. “She's my friend,” aniya at nakangiti namang tumango ang bata. Grabe talaga, ang ganda! Kung ipapanganak ako ulit gusto ko ganito ako kaganda. Tiyak paglaki ko campus crush ako. Wow!

“Hi, Daddy's friend, I'm Ynna Fuentes,” pagpapakilala pa niya sabay lahad ng kamay niya. Pero sh*t, anak niya nga ito kasi Fuentes din ang apelyido? OMG!! Nakakagulat naman ito.

“Hi, I'm Ara, you can call me Ate Ara if you want,” nakangiti ko namang sabi. Sa wakas ay pakiramdam ko may nakababata na akong kapatid dahil may tatawag na sa aking Ate. Kasi naman sinabihan ko sina Mommy at Daddy na gumawa ng bagong anak para may panibagong bunso, pero ayon, hindi na raw kaya kasi nakakapagod daw lalo na at tumatanda na sila. Sabi pa ni Mommy nakakapagod din daw magpadede, sabi ko naman sa akin na lang ipadede iyong baby, kaya ayon sinamaan ako ng tingin sabay tingin sa ‘ano’ saka namersonal—okay, alam niyo na iyon—kaya ang ending, walang nabuong baby.

Ilang sandali lang ay tumakbo papunta sa bag niya si Ynna at may kinuhang kung ano roon saka siya bumalik sa akin bitbit na ang isang libro at kwaderno. “Since you're now my big sister, then you should help me with this,” ipinakita niya sa akin ang libro at. . .F-Filipino book! OMG! Ilayo mo iyan sa akin!

“Ynna, what's that?” tanong naman ni Charmagne.

“A book and a notebook,” matalinong bata. Magaling sumagot.

“I mean do you have homework?”

“Yes and I don't know how to do it.”

Kinuha ni Charmagne iyong libro at saka niya iyon binasa. “Didn't your teacher teach you about this? Pang-uri, pandiwa, pangngalan, ha, Ynna?” tumango naman iyong bata habang nakasimangot. Pakiramdam ko kasi ay hindi ito sinanay sa Filipino kaya parang ang hirap-hirap sa kaniya ng subject na iyan. Eh, ako nga, pinoy naman tapos filipino gamit kong wika, pero ayan, bobo pa rin ako riyan. Kainis lang talaga!

“But, I really don't get it, Daddy,” mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.

“I'll help you later, but for now, you need to change your clothes,” halata namang nabuhayan ang bata dahil kita ang tuwa sa mga mata niya matapos marinig iyon kay Charmagne.

“Big Sister, you stay, ha? We'll play after I'm done with my homework,” masaya talagang saad niya saka niya hinila ang kaniyang Yaya papasok sa isang kwarto.

“Naka-enervon ba 'yon? Hyper na hyper, eh,” wala sa sariling sabi ko na agad tinawanan ni Charmagne.

Naupo siyang muli sa sofa at ganoon din ang ginawa ko. “Sorry, Kilatra, kung hindi ko agad sinagot 'yong tanong mo. Ayoko kasing marinig ng bata,” aniya kaya mas lalo tuloy akong naging interesadong makinig sa kaniya. “Bata pa ako, Ara, at si Ynna ay 6 years old na, hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon ng junakis sa edad na katorse, ano,” muling niyang usal.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon