SSTGB 34 : Friends

347 24 7
                                          

A/N : First of all, thank you for the 8K reads! ❤ Sana hindi kayo magsawang basahin ang istoryang ito hanggang dulo, especially that few more chapters to go ay matatapos na rin ito! Yehet! ❤

God bless you and enjoy reading! ❤

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Mabuti na lang at hindi naparami ang ininom namin kagabi kaya wala akong hangover ngayon. Umuwi na rin kasi kami matapos kong makausap si Charmagne—este si Charles on phone. 

Pero, bago ako pumunta sa JF Park ay inuna ko munang puntahan si Marcus sa opisina niya. I need to see him first. Ngayon pa lang ay gusto ko ng mag-sorry sa kaniya because surely, I'll never tell him about this. Ayokong malaman niya dahil baka pag-awayan lang namin ito.

Pumasok na ako agad at nakita ko naman siya kunot ang noo habang binabasa ang isang papel.

“It's so early to be stressed, Bae,” sabi ko at medyo nagulat naman siya nang makita ako.

“What are you doing here?” nakangiti na siya ngayon at ibinaba niya na rin ang papel na hawak niya kanina.

“I just want to see you,” sagot ko naman. Sh*t lang talaga dahil nakokonsensya na ako! “Sorry,” alam kong nagtataka siya, pero pinilit kong tatagan ang sarili ko. “Kagabi, sorry kasi hindi ko nasagot 'yong mga tawag mo,” inalis ko agad iyong paningin ko sa kaniya at baka malaman niyang nagsisinungaling ako.

“It's fine,” aniya sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko napigilang mapatitig sa kamay niya na ngayon ay nakahawak sa akin.

Please, Ara, never let that hand go!

“May gagawin ka pa ba? Wait, did you have breakfast?” minsan kasi ay nakakalimutan niya na iyon lalo na kapag marami siyang gagawin sa trabaho.

“Yes, Bae,” sagot niya kaya napanatag naman ako. “But, I still have so many papers to read, kakalabas lang kasi ng recent financial statements, eh,” aniya. Nag-usap lang kami for less than an hour, gusto niya pa kasi akong makasama at makausap.

“Alright, so uuwi na muna ako? Let's just have dinner later?”

“Sure. Ingat ka.”

Tumayo siya at ganoon din ang ginawa ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.

‘I'm really sorry, Marcus.’

Nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya ay hinalikan niya naman ako sa noo. “I love you,” napangiti ako hearing his sincerity, as usual.

“I love you, too,” sagot ko. That's it, Ara, you love him and so today, you really need to finally free yourself from what happened in the past.

Pagkaalis ko roon at around 10:05 AM ay dumiretso na ako sa JF Park. Medyo nahirapan pa akong hanapin siya dahil ang inaakala ko ay si Charmagne ang hinahanap ko. Tsk! But when I finally saw him, kahit nakatalikod pa siya, ay sobrang lakas talaga ng kaba ko! Pakiramdam ko ay iyong kalabog na lang ng puso ko ang naririnig ko habang papalapit ako nang papalapit sa kaniya!

I took a deep breathe as I called him on his real name, “Charles.”

Nilingon niya ako at grabe, napatitig na naman ako sa kaniya. He's freaking handsome, everyone! No joke!

“Ara.”

Sh*t! Will you please stop beating so fast, crazy heart? Naiinis na talaga ako!

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon