SSTGB 1 : Ara Is A Star

1.2K 38 35
                                          

A/N: Hi! Thank you for reading! Never forget to hit the star-shaped button below and leave a comment before proceeding to the next chapter. Thank you! So much love. ❤

-------------CHAPTER 1-------------

ARA'S POV

Kasalukuyan kong inilalagay ang liquid eyeliner sa upper eyelids ko. Talagang super maingat ako para maganda iyong pagkakalagay nito. First time ko rin kasing maglagay nito kaya dapat bongga! 18 na kasi ako kaya ang sabi ni Mommy okay na na magmake-up ako. Yeeey!

“ARA!”

“Ay, kambing—oh, my gosh! OH, MY GOSH! ANG HAPDI NG MATA KO, BROOO!”

Narinig kong bumukas iyong pinto at patakbo akong pinuntahan ng dalawa. “Ara, what's wrong?” nag-aalala talagang tanong ni Kuya Aaren. Nakapikit pa rin ako dahil ang hapdi talaga ng kaliwang mata ko!!

“Sino ba kasi 'yong wagas kung kumatok at wagas kung makatawag ng pangalan ko?! Alam mo bang nagulat ako kaya napasok sa mata ko 'yong liquid eyeliner?! Ang hapdi!” pagrereklamo ko pa habang patuloy kong kinukusot iyong mata ko. Ayoko nang maging ma-arte! Lintik na eyeliner!

“It was Arnold, Ara. I told him to just knock calmly, but he's really so aggressive this time,” sagot naman ni Kuya Aaren.

Pinilit kong ibuka iyong mga mata ko, pero sh*t mader! Ang hapdi talaga ng isa kaya para tuloy akong nakakindat ngayon! Mukha pa naman akong tanga kapag nakakindat. Iyong halatang hindi marunong at pumapanget talaga iyong itsura. Tsk. Feel me?

“I just hate what I've heard in school, Bro! Ara's the hot issue again,” asar niyang sabi. Ano na naman kayang issue iyang sinasabi niya? Muhang badtrip talaga si Kuya, eh.

“Ikuha ni'yo nga muna ako ng tubig,” utos ko pa at nag-unahan naman silang lumabas. Mamaya ay makarinig na naman ako ng nahulog sa hagdanan, kasalanan ko na naman. Tsk! Itinigil ko na rin iyong pagkusot sa mata ko at nanatili lang akong nakapikit.

“Here!” agad na inilagay ni Kuya Aaren ang isang maliit na palanggana at si Kuya Arnold naman ay ibinuhos doon agad ang bitbit na pitsel ng tubig. Napakabait ng mga Kuya ko, damn!

“ANO BA 'YAN!” inis kong sabi nang paglublob ko roon ay pakiramdam ko namanhid iyong buo kong mukha sa sobrang lamig!! “BAKIT ANG LAMIG NITO, BRO?!” tanong ko kay Kuya Arnold at hindi ko alam kung bakit natatawa sila. Nang makita ko iyong sarili ko sa salamin ay parang umiyak ng kulay itim iyong talukap ko. Ang pangit!! “Hoy, bakit nga?!” tanong ko na naman.

Naupo siya sa may kama ko while his arms were crossed. “Ang sabi mo lang tubig. You didn't say if it should be warm or not,” sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Inihilamos ko na lang din iyong sobrang lamig na tubig. Wala na, eh naumpisahan na kaya tatapusin ko na lang.

“Ano ba 'yong issue?” tanong ko sa kanila habang pinupunasan ko iyong mukha ko gamit ang ibinigay na towel ni Kuya Aaren. Yiiiee, buti pa ang isang ito napakabait lalo na kapag may date siya tapos hindi niya bet, pinapapunta ako agad at sinasabihan niya akong tarayan iyong babae para magalit at mag walkout, minsan gumagana naman.

“Marcus and Alex broke up,” pakiramdam ko umakyat lahat ng kasiyahan sa katawaan ko papunta sa labi ko dahil ngiting-ngiti ako ngayon at kumikislap iyong mga mata ko nang mapatingin ako kay Kuya Arnold, “you look so strange, Ara, stop showing us your dirty puppy eyes,” agad ko siyang sinamaan ng tingin, pero walang effect! “don't be happy, ikaw 'yong sinasabing reason ni Alex kaya sila naghiwalay,” dagdag pa niya.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon