SSTGB 21 : Be Happy

403 32 10
                                                  

Napangiti ako nang makita na nag-email sa akin si Marcus. Siguro dahil ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita at kahit na naka-move on na ako sa kaniya ay kaibigan ko pa rin naman siya.

Kung anu-ano lang iyong mga pinag-usapan namin ni Marcus at nasabi niya na rin na nagiging close na sila ni Alex. Gusto ko nga sana silang i-ship, pero parang ayaw ko—charot! Ship ko sila. Hehe.

“Sweetie, buksan mo muna 'yong gate!” sigaw ni Mommy mula sa kusina nang may nag doorbell. Sino naman kaya ito? Wala naman kaming inaasahang bisita ngayon.

“Si Kuya Aaren na, Ma, busy ako,” sagot ko naman at saka ako humiga sa sofa. Ewan ko ba kasi kina Mommy bakit ayaw nilang kumuha kami ng Guard. Nakakapagod kayang lumabas lalo na at medyo may kalayuan iyong gate namin sa mismong bahay namin. Tsk.

“Busy talking with that sh*t Marcus?” sinamaan ko agad ng tingin si Kuya Aaren. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ni Marcus. “End it, Ara, hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa kaniya?” kunot-noo niya talagang tanong.

“Chill, Bro,” natatawa kong sabi. “We're just talking about some random stuff, wala namang malisya 'to. Tsaka, Ara 6.0 na 'to, hindi na 'to tanga, okay?” tumayo na ako matapos sabihin iyon at nag walkout. Charot! Bubuksan ko lang iyong gate dahil mukhang ika-bente na nag doorbell iyong bisita namin.

Napahinto ako nang tuluyan kong nabuksan ang gate. “S-Sino ka?” wala sa sariling tanong ko. May gwapong nilalang sa harapan ko ngayon! Ang ganda ng pilik-mata niya, matangos ang ilong, cute ang natural pink lips niya at sobrang kinis ng mukha! Naka plain black na t-shirt at jeans, tapos. . .tapos naka-heels? Ha?

“Shonga, si Charmagne 'to,” aniya at papasok na sana siya, pero piginilan ko siya agad.

“Sadali, sandali,” nakataas na ang kilay niya ngayon habang ako ay nakakunot ang noo. Ay, oo nga, ngayon ko lang napansin na mahaba ang buhok niya. Eh, kasi naman naka bun iyong buhok niya, tapos nakatago pa sa cap niya kaya para talaga siyang lalaki! Tapos wala pa siyang makeup!

OMG! Ang gwapo nga ni Charmagne! Wait, hindi ako makahinga—sh*t, OA. Pero, seryoso, ang gwapo niya!!

“Na-o-offend na ako,” natinag ako nang magsalita siya. “Bakit ba over ka kung makatitig, ha?” medyo kyuryos niyang tanong.

“W-Wala ka kasing makeup,” iyan na lang iyong sinabi ko dahil baka ma-misunderstood niya kapag sinabi kong ang gwapo niya ngayon. Baka sabihin pa niya bet ko siya.

“Kasalanan ni Clara,” maglalakad na sana siya, pero humarang ako agad. “Trip mo, Kilatra? Papasukin mo na ako at kanina pa ako hinahanap ng Mudra mo,” muling usal niya.

“Anong kasalanan ni Clara?” takang tanong ko. Kasi ang weird, bakit si Clara, hindi ba?

“Nakipag-date ang best friend mo at hindi niya bet. Tinawagan niya si Jake, but out of coverage area ang Baby ko kaya ako ang natripan ng Bruha,” pagpapaliwanag pa niya. Ibig sabihin nagpanggap silang mag-jowa? Ganoon? “At bakit kunot na kunot ang noo mo, Kilatra? Hindi na naman bago 'yong ginawa ng best friend mo. Ganiyan naman siya lagi kapag 'di niya bet ang otoko, ha,” napatango naman ako, pero ang weird pa rin at hindi ko iyon maintindihan.

“Kapag ba ginawa ulit ni Clara, go ka pa rin?” tanong ko. Baka naman may kasunod pa, mas mabuting prepared ako at baka matulala ako ulit, pero mas gugustuhin ko yatang lagi silang magpanggap para ganito ka gwapo si Charmagne lagi. Kaya lang, huwag naman na sana siyang mag-heels. Diyos ko!

“Hindi na,” sagot niya at tuluyan na talaga siyang pumasok sa bahay namin.  

“Bakit?” malungkot kong sambit. Tsk, sayang naman!

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon