SSTGB 7 : Bistado

487 19 1
                                          

-----------CHAPTER 7-----------

Kanina pa nila ako pinagtitinginan, pero wapakels lang, ang importante ay hindi nila masilayan ang itsura kong parang kinagat ng isang libong bubuyog. Char, sorry na, OA lang.

“So, anong drama mo ngayon?” inangat ko agad iyong paningin ko at si Anika na nakataas na naman ang kilay ang siyang sumalubong sa magaganda kong mga mata, “ba't ka naka-shades?” muli niyang tanong saka siya naupo sa harapan ko. Si Clara naman at Chandra ay nakaupo na rin, pero nasa amin iyong atensyon nila.

“National Shades' Day ngayon, hindi kayo na-inform?” agad namang naningkit ang mga mata ni Anika at ang dalawa ay bahagyang natawa, “may itinatago ako. Okay na?” nanatiling masama ang tingin ni Anika sa akin saka siya napabuntong-hininga.

“Ba't ka umiyak?” tanong niya at agad kong inalis iyong paningin ko sa kaniya. “Si Marcus na naman?” napairap na lang ako nang marinig 'yong pangalan niya.

“Simula ngayon ayoko nang marinig ang pangalang 'yan,” seryoso kong sabi at sandali akong nagulat nang sabay silang napasigaw. Shock na shock naman sila. Jusko!

“Naging pink na ba ang black?” tanong pa ni Chandra na nakalagay pa ang isa niyang kamay sa kaniyang noo na animo'y naguguluhan talaga sa sinabi ko. Tss.

“Basta. Ayoko na. Ayoko nang...” napayuko ako at medyo humina talaga iyong boses ko nang ipinagpatuloy ko iyong sinabi ko, “...magpakatanga.”

“YES!” sabay na napahiyaw si Clara at Chandra at may kasama pang palakpak. Talagang masaya sila, ha. Pero, heto ako, parang sira, nasasaktan at nalulungkot sa desisyong sinabi ko.

Ginusto kong sabihin iyon, pero ngayon parang gusto kong bawiin, pero ayaw ko rin. Oo na, bwesit, ako nang mahirap intindihin, mas mahirap pa ako sa calculus, sige!

Minsan naiisip ko na lang sana hindi ito iyong katawan ko, sana hindi ito iyong utak at puso na ibinigay sa akin, sana hindi na lang ako si Ara Cee Concepcion kasi ang hirap kong intindihin. Kaya hinihiling ko minsan na sana may taong darating at sasabihin niya sa akin kung gaano ako kaswerte at kung gaano siya kaswerte na ako si Ara Cee Concepion. Sana lang talaga! Amen.

“Mabuti naman at nagising ka na,” seryoso pa rin ang boses ni Anika nang sabihin iyan, pero alam kong nagpaparty-party na 'yong mga lamang-loob niya sa sinabi ko. Siya kasi iyong number 1 basher namin ni Marcus kaya alam na.

“Hindi sa ayaw ko 'yong sinabi mo, Arabells, pero bakit biglang nagkagan'to?” kyuryos naman na tanong ni Clara at nagkibit-balikat ako agad kaya nakatanggap ako ng hampas niya level 101. Masarap kasi talagang pagtripan 'tong si Clara, eh, mabilis mapikon.

Ikinwento ko sa kanila iyong nangyari, pero imbis na maawa sila sa akin ay inasar lang nila ako!

“Mamaya niyan 'yong Kuya ko naman 'yong habulin mo, ha,” halata talagang tinutukso ako ni Chandra kaya agad ko siyang inirapan. Sana kasi hindi ko na iyon sinabi pa, eh, na napayakap ako sa Juding na 'yon! Tsk!

“Nakakadiri ka!” inis kong singhal, pero tinawanan niya lang ako. “Kahit pumayat ka pa, Chandra, na talaga namang imposibleng mangyari ay hindi ako maghahabol ng bakla o kahit sino mang lalaki, okay? Last na 'to, si Marcus lang ang una at ang huli kong hahabulin tapos...” sandali akong tumigil kaya mas lalo silang nakyuryos sa sasabihin ko.

“Hoy, ano na, Arabells?” medyo asar na sabi ni Clara.

“...ako na ang hahabulin nila,” nagulat ako agad nang sabay talaga silang natawa. “Hala, bakit?!” this time, ako na iyong naasar sa reaksyon nila.

“Ikaw, hahabulin? Ngi? Laman ka nga ng hate confession ng mga lalaki sa University, eh. Napakaistrikta mo kasi sa kanila,” napatango na lang ako sa sinabi ni Chandra. Totoo naman kasi.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon