SSTGB 18 : New Friend

1.7K 97 14
                                    

ARA'S POV

“KILATRAAA!”

Nagising ako nang may lumundag sa kama ko at talagang sumigaw pa—wait. . .

. . .bwesit! Anong ginagawa ng Juding na ito sa kwarto ko?!

“AHHHH!” napasigaw na rin ako. “BA'T KA NANDITO?!” kinuha ko iyong kumot ko at ibinalot sa katawan ko, “KUNG MAY PINAPLANO KANG MASAMA, PWES SINASABI KO SA'YO SA IMPYERNO KA MAPUPUNTA!” muli kong sigaw sa kaniya. Bahala siya mabingi riyan, basta ilalabas ko itong pagkagulat ko.

“Shuta, ang ingay!” pagrereklamo pa niya saka siya umalis sa pagkakaupo sa kama ko. “Huwag mo nang takpan 'yang katawan mo dahil nasilayan ko na,” literal na nanlaki ang mga mata ko at saka ko sinilip iyong katawan kong natatabunan ng kumot at. . .MANIPIS ANG SUOT KONG PANTULOG!! “Pinagpala ka rin pala,” nakangising sabi niya!!

“MANYAK KA, JUDING!!” inis ko talagang sigaw na agad niyang tinawanan. Bwesit na iyan!!!

“Compliment 'yon, so you're welcome,” natatawa pa ring sabi niya! “Bumangon ka na. Ano bang ginawa mo kagabi at alas diyes na ay sleeping beauty ka pa rin?” kakaiba ang tingin niya sa akin kaya pinalo ko siya agad sa braso.

“Huwag mo nga akong pinag-iisipan nang masama,” asar kong sabi. Akala siguro nito ay gumawa ako ng himala. Diyos ko! Ginagaya ako sa kaniya. Tss! “May ka-late night talk lang ako,” gandang-ganda sabi ko.

“Mukha mo. Mas maniniwala pa ako 'pag sinabi mong nag-aral ka ng Filipino 1 kagabi,” grabe, ang sama-sama ng nilalang na ito!

“Ba't ka nga ba nandito? Nagtrespass ka pa sa kwarto ko,” kapal ng mukha nito, gawin ko rin kaya sa kaniya? Ano kayang itsura ng kwarto ni Charmagne? Barbie themed? Hello Kitty? Princess? O baka naman nakahubad na mga lalaki? Ay, hindi malabong tama ako. “At alam mo bang pwede kitang kasuhan, ha?” mataray kong tanong.

“Kasuhan mo na ako kapag nanakaw ko na ang puso mo,” kumindat pa siya sa akin! Sh*t!!

“Nakakadiri!” sigaw ko.

“Talagang nakakadiri!” sigaw rin niya pabalik. Ayaw talagang magpatalo. “Tsaka, hoy, pinapunta ako ng Mommy mo at nagbake kami ng cookies. Gustong-gusto ko naman dahil maaga kong nakita ang mga Kuya mo.”

“Ang harot mo.”

“Aminado!”

Hindi man lang nagpaligoy-ligoy muna, umamin agad! Maharot nga.

“Pero, bakit ikaw ang gumising sa akin? Baka ako talaga ang gusto mong makita,” pagbibiro ko pa at umakto naman siyang diring-diri! Ang kapal talaga!!!

“Sa araw-araw ba naman kitang nakikita at nakakasama sa eskwelahan, Ara, ay masasabi ko talaga na konti nalang, magsasawa na ako sa'yo. Tapos ngayon, sinasabi mong gusto kitang makita? Hoy, Kilatra, tulog ka pa ba?”

“CHE! ANG DAMI MONG KUDA PARA PINAGBIBIRO KA LANG. UMALIS KA NA NGA AT MALILIGO NA AKO!” Diyos ko, nahahigblood ako sa Juding na ito!

“Tumayo ka na,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya namang manipis ang suot ko tapos patatayuin niya na ako?! “Nakita ko na 'yan,” at bago ko pa siya masapak ay mabili siyang tumakbo palabas ng kwarto ko.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon