"Geh"

Tumingin ako sa likod at may isang space pa naman pagitan ni Kei at Khalex,nakangiwi akong sumampa papuntang likod kaso nga lang ay dumulas yung isang paa ko kaya ang ending ay natumba ako kay Khalex.

Saktong sakto yung muka ko sa tyan niya,naestatwa ako ng hindi magsalita sila Kei baka mamaya galit na pala si Khalex.

"U-umalis ka na pls"pakiusap ni Khalex,unti unti akong tumunghay ay saktong nakaluhod ako sa pagitan ng hita ni Khalex.

Agad akong umupo sa tabi niya habang nakatungo."Tsk!tsk!tsk!bad yun Pabi"nailing iling pang sabi ni Sean at binuksan yung laptop niya.

"Tsk"singhal ni Khalex na masama ang tingin sakin."Sorry naman"bulong ko.

"Nangyari na may magagawa ka pa ba?!Tsk"inis na sabi niya at nagsuot ng headphone.

"Pagpatuloy nalang natin tong pinapanood natin"sabi ni Evan na pinindot yung laptop,nanood nalang kami dito sa likod tungkol siya sa zombie.

"Sige banatan mo pa"bulong ko habang pinapalo ng baseballbat nung bida yung mga zombie.

"Hindi ka nakuntento ah!Ah!ayan!sapol ang muka"

"Sigi!sigi!tirahin mo pa!Wahhhh!takbo nandyan na yung zombie"napasigaw na ko kaya sinuway ako ni Kei.

"Para ka namang inaano diyan eh!bubusalan kita tignan mo"si Kei.

"Sorry naman baka mamaya makain siya ng zombie eh!siya nalang ang pag-asa para makaligtas sila"natatarantang sabi ko.

"Kalma Pabi!hindi naman yan totoo"untag ni Evan.

"Oo parang yung pagmamahal niya"nakapout na sabi ko,naramdaman ko ang kamay ni Kei sa buhok ko

"Magkapatid nga talaga tayo"natatawang sabi ni Kei na nailing iling pa.

"Tsk"singhal ni Khalex.

Nagpatuloy lang kami sa panonood,so far thumbs up ako sa movie na'to ang ganda niya.

"Ano pang movie mo dyan?"tanong ni Kei na inakbayan ako.

"Fifty Shades of Grey,Darker at Freed"aniya na naunat pa.

"Ano yun?parang maganda ata"tanong ko kay Kei,umiling siya at humikab."Hindi mo pwedeng panoorin yun"

"Baket?"

"Basta bawal"

"Andaya"bulong ko at sumampa sa upuan para bumalik sa pwesto ko,humikab ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

Nang magising ako ay may unan na nasa bandang balikat ko,tinignan ko yung unan at dun ako napangiti ng makitang unan yun ni Khalex kanina.

'Tsk!tsk!kunware pang walang pakeelam'

Nag-unat unat ako at dun ko napagtanto na hindi na pala naandar yung van at wala narin pala yung mga kasama ko,lumingon ako sa likod at wala na rin sila Khalex.

Nakabusangot akong lumabas ng van at dun bumungad sakin si daddy na masama ang tingin kay.....Tita Macey?
Anong ginagawa niya dito?kukunin niya ba ulit ako tapos papahirapan?

Nakaramdam ako ng kaba ng tumingin siya sakin at ngumiti."Pabi,my niece"malapad siyang ngumisi kaya napatago ako sa likod ni Khalex ng wala sa oras.

"Don't be scared"mahinang tumawa si Tita.

"What do you want"inis na sabi ni daddy.

"Oh well i want to visit my niece,wala namang masama dun diba"lumapit siya sakin kaya napaatras ako ng bahagya.

"Nabalitaan ko yung nangyari sayo,nakakaawa ka naman"kunwareng malungkot na sabi ni Tita Macey at niyakap ako,sa mga oras na yun ang pakiramdam ko ay hindi ako kumportable.

"Gusto mo bang umuwi sa bahay?hinihintay ka na ng kwarto mo"bulong niya kaya napaatras ako,yung kwarto kung saan para akong daga na nasiksik lang sa tabi.

"Ayoko po"umiiling na sabi ko habang bakas saakin ang takot.

"Pwede ba umalis ka na nga"inis na sabi ni mommy lexi na agad akong niyakap.

"Hindi pwede,alam niyo naman yung kailangan ko diba?"tanong ni Tita Macey,nagulat kaming lahat ng kuwelyuhan ni daddy si Tita Macey.

"Napatol ako sa babae,lalo na't ngayong nagtitimpi lang ako"seryosong bulong ni daddy.

"Sige saktan mo ko!isisigaw ko yung sikreto mo"galit na sigaw ni Tita Macey.

"Don't you dare use that against me!nasa teritoryo kita,pwedeng pwede ko gawin ang gusto ko sayo"maangas na sabi ni daddy at mas hinigpitan ang pagkakakwelyo kay Tita.

Nangangatog ang kamay ko at natatakot ako sa maaaring mangyari,tumingin sakin si Tita na ngumisi."Gawin mo!kung magagawa mo?nasa harapan ka ng mga bata?'ng mga anak mo' "pagdidiin ni Tita.

"Gawin pala ah"malakas na sinampal ni daddy si Tita.

"K-kaizer"natatakot na bulong ni mommy.

"I can sue you"sigaw ni Tita na may dugo sa gilid ng labi niya."Pagsisisihan mo ang ginagawa mo sakin"

"FUCK YOU WOMAN!"galit na sigaw ni daddy,gustong lumapit nila Tito para awatin si daddy pero hindi sila makalapit dahil bakas din sakanila ang takot.

Bigla akong hinila nila Khalex at Kei papasok sa bahay,pumasok din yung iba at naiwan ang mga matatanda sa labas.

"Ayos ka lang ate?"nag-aalalang tanong ni Kairen na niyakap ang bewang ko.

"A-ayoko sakaniya"mahinang bulong ko,wala sa sariling nayakap ko si Khalex at dun ako napahagulgol ng iyak habang inaalala yung mga araw na kasama ko si Tita Macey.

"Natatakot nako"

....

Vote,Comment and Follow♡

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now