Parehas lang kaming nakatingin ni mommy sa dagat hanggang sa basagin niya yung katahimikan."I remember the day when your mommy allison call me malandi"mahinang tumawa si mommy kaya dun ko muli naramdaman ang hiya.

"Sorry po"bulong ko.

"What for?"

"For what my mama Allison said to you po"

"Nah it's fine"malapad na ngumiti si mommy."Naging magkaibigan kami noon dahil niligtas ko siya nung minsang maholdap siya"tumingala pa si mommy na parang inaalala yung araw na yun.

"Simula nun,naging close kami ng mommy allison mo at siya na mismo yung nagtatanggol sakin sa mga bully.Mabait siya sa totoo lang,full of confidence dahil maganda din naman siya,matapang siya,puno ng prinsipyo at kapag importante ka sakaniya gagawin niya ang lahat para protektahan ka niya"

Napangiti ako dahil sa paraan ng pagkakadescribe ni mommy,hindi naman pala ganun kalala yung ugali ni mama allison.

"Cheer up!your mommy allison is a good person"sabi niya at hinagod hagod yung likod ko,tumingin ako kila Sephora na nakangiti sakin.

Napangiti ako same time napalagay na din ang loob ko.

Tahimik lang kaming apat na nakaupo ng dumaan sila Tito kasama si Daddy at mukang hindi nila pansin yung prisensya namin sa likod nila.

"Ayun bro!ang ganda"sabi ni Tito Xavier.

"Nasaan!!---OHHH--takbo pa!--damn! maalog"gigil na sabi ni Tito Klyde."Tignan mo ayun pa!ang sexy"

"Tignan mo Kaizer!kinindatan tayo"sabi ni Tito Xavier,sumilip naman ako sa tinitignan nila at mga babae pala mga mid 30 na hanggang ngayon ay sexy padin,lahat sila ay nakatingin kila daddy na parang nang-aakit.

"Alam ko!i like that one!malaki"sabi ni daddy kaya naghiyawan sila Tito.

Tumingin ako kay mommy na masama ang muka habang nakatingin kay daddy."Sabi niya wag daw ako magsuot ng bikini tapos iba lang pala titignan niya!"inis na bulong ni mommy,tumingin ako kila Everly na nakangisi.

"Tsk!Tsk!kung ako dyan Tita!gaganti ako"sabi ni Sephora.

"Paano?"

"Kakilala ko po yung may ari ng salon diyan,magpaganda po kayo tapos talbugan niyo po yung mga makiring yun"sabi niya pa na parang nanggigigil.

Agad tumayo si mommy at tumango."Tara"sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Sephora.

"Nagjojoke lang po ako"nakapout na sabi ni Sephora.

"Hindi,hindi,magpapagupit ako!matagal ko ng iniisip yun e"sabi ni mommy na nagpauna na.

"Ikaw kasi"sumbat ko kay Sephora.

"Wala akong ginagawa ah!"maang na sagot niya napabuga nalang ako ng hangin at sumunod kay mommy ganun din yung dalawa.

Nang makarating kami sa Salon ay agad ng pumasok si mommy kaming tatlo ay basta basta nalang nasunod.

"Goodmorning ma'am"magalang na sabi ng bakla kay mommy na tumango lang.

"Magpapa ano po kayo ma'am?!magpapa treatment?magpapakulay?magpapagupit?"

"Magpapagupit"simpleng sagot ni mommy."Gusto ko yung hanggang balikat"daredaretsong sagot ni mommy,dun nagulat yung bakla at ako dahil sayang yung buhok ni mommy hanggang bewang ang ganda pa naman

"Mama!pagbigyan mo na si Tita"sabi ni Sephora.

"Oh nandito ka din pala"masayang sabi nung bakla na nakipagbeso kay Sephora.

"Opo 'eh!sinamahan ko po si Tita Lexi mommy po nitong friend ko"sabi ni Sephora na tinuro ako kaya kumaway ako.

"Lexi?parang familiar"sabi nung bakla na ngumiti sakin.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon