Kabanata 45: Pamamaalam

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinubukan ko kausapin ang mga ahas sa kamay ko pero sa tuwing gagawin ko iyon ay may kakaiba ulit akong ingay na naririnig.

"H'wag mo nang tangkain na utusan ang mga ahas na 'yan dahil nabuhay at mamatay silang isang itim na ahas."

Paano niya kaya nalalaman ang ginagawa ko? Nababasa ba niya ang iniisip ko?

Naisip kong kauspin muli ang mga ahas ko. May narinig man akong mga ingay ay hindi ko 'yon pinansin. Inutusan ko silang isama sila Kuya Sanchi at pumunta rito para tulungan ako.

"Alam mo... hindi ko sigurado kung gagana ang ritwal na ito pero isa ka naman kalaban kaya wala naman mawawala sa akin," huminga siya nang malalim. "Kung naging kakampi ka lang sana namin ay hindi ka maghihirap nang ganito."

"Hindi ako kakampi sa inyo! Wala kayong kasing sama! At isa pa, tanggapin mo na lang na wala na ang pamilya mo!"

Huminto siya sa harapan ko at agad na tumakbo papalapit sa akin. Hinawakan niya ang leeg ko kasabay nang panlilisik ng mga mata niya.

"Babalik ang pamilya ko! At walang makakapigil sa akin na kahit sino! Kahit ikaw pa!"

Mas lalong humigpit ang pagkakasakal niya sa akin, buti na lamang ay pinigilan siya ng tauhan niya.

"Mahal na Hari! Hindi pa po kayo tuluyang nabubuhay kaya mawawalang bisa ang ritwal kung papatayin niyo na siya!"

Inalis niya ang mga kamay niya sa leeg ko. Naubo ako sa ginawa niya, huminga ako nang malalim para pakalmahin ang baga ko.

"Lapastangan ka!" Labas na ang mga ugat sa mukha niya sa sobrang galit. "Subukan mo pa akong galitin at kakalimutan ko na ang ritwal na 'yan at papatayin kita!"

Hindi ko alam kung tama ba na ginalit ko siya pero nakumpirma ko ngayon na kailangan nila ako ng buhay para maisagawa ang masama nilang balak.

Kailangan lang ay hindi muna ma-kumpleto ang mga kaluluwa na kailangan nila.

May narinig kaming malakas na pagsabog sa pasukan ng open field. Agad na nagsipuntahan ang mga itim na ahas sa lugar namin.

"Sino na naman ang mga iyan?" Galit na tanong ni Midas. "Bakit ang daming sagabal sa plano na 'to? Ano ba ang ginawa ni Jun at hindi niya nai-ayos ang lahat bago ang bilog na buwan?"

Hindi nakapagsalita ang kanang kamay ni Mr. Anderson at nanginginig pa ang mga tuhod nito.

Meron pang mga usok na galing sa pagsabog. Maya-maya ay nasilayan ko na kung sino ang nagpasabog sa pasukan, sila Kuya Sanchi.

Agad silang inatake ng mga itim na ahas kaya agad nilang ginamit ang mga kapanyarihan nila para talunin ang mga ito.

Nilakasan ko pa ang enerhiya sa magkabilang kamay ko para tuluyan nang mawala ang dalawang ahas na nakapulupot dito.

Sumabot ang mga ito kasabay ng pagkatunaw nila. Ginamit ko ang kamay ko para sirain ang tali sa paa at kamay ko.

"Ang itinakda!" Sigaw ni Haring Midas. Agad na lumapit sa'kin ang ibang salangkero. "H'wag niyo siyang hayaan na makatakas!"

Diniinan nila ang pagkakahawak sa pulso ko para hindi ako makapagpakawala ng enerhiya.

Lumapit sa akin si Haring Midas, "Hindi na ako makapaghintay pa, gawin na natin nag ritwal. Kung kay Jun man mapunta ang kapangyarihan ay ayos lang dahil alagad ko rin naman siya."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon