Kabanata 3: City of Pines

234K 7.3K 1.5K
                                    

City of Pines

NANDITO kami ngayon sa Mcdonalds para i-meet 'yong van na maghahatid at sundo sa amin sa Baguio.

"Sobrang excited ka naman dito," sambit ni Cooper sabay ngisi.

"Hindi naman," kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Baguio lang naman 'yon at hindi China."

"One hour early tayo sa meet up time, hindi ka excited?" Humigop siya ng kape habang nakatingin sa akin. Sobrang singkit ng mata niya kapag inaantok siya. 4AM pa lang kasi at nandito na kami kahit 5AM naman talaga ang pick-up time. "Inaantok pa nga ako, eh."

"Ayoko lang ma-late, masakit kasing maiwan," sambit ko. Nabulunan siya bigla sa sinabi ko. Napaso pa nga ata 'yong dila niya. "Okay ka lang ba Cooper? Ano ba kasing ginagawa mo?"

Uminom agad siya ng tubig na puno ng yelo. "Bigla-bigla ka kasing humuhugot d'yan, nabulunan tuloy ako," nilabas niya ang dila niya dahil sa init. Pinaypayan niya ito gamit ang kamay niya.

"Hindi naman ako humugot ha? Nagsasabi lang ako ng totoo. Masakit naman talaga maiwan, e."

Hugot na ba 'yon? Hindi naman, ha? Based from exprerience iyon.

Isa pa, hindi niya ako iniwan lang, niloko niya ako. Magkaiba kaya 'yon.

"H'wag kang mag-alala Xiang, hindi kita iiwan," ngumiti siya sa akin at parang natulala na lang ako. May kakaiba sa mga ngiti at tingin niya. "Huy, Xiang! Natulala ka na d'yan?"

Niyugyog ko ang ulo ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Parang sandaling tumigil ang mundo ko. "Inaantok pa siguro ako," sambit ko. Sa totoo lang, gising na gising ako, hindi ko lang alam kung bakit ako natulala kanina.

Pagkadating ng van ay tumakbo agad ako papasok sa loob. Sige na, excited din talaga ako pumunta ng Baguio. Nakita ko lang sa internet 'yong itsura niya pero gandang ganda na ako sa kanya pero syempre, China pa rin ang goal ko na mapuntahan.

"Good morning po!" Bati ko sa driver namin.

Tumango siya at binati niya rin ako. Sa sobrang excitement, hindi ko na natanong ang pangalan niya. Nakatutok na agad ako sa bintana kahit na hindi pa naman kami umaandar.

"Matulog ka na," sambit ni Cooper habang nilalagay niya ang unan sa leeg ko. "Gigisingin na lang kita kapag nasa Baguio na tayo."

"Matulog ka na rin, 'di ba inaantok ka?"

"Hindi pwedeng pareho tayong tulog kaya sige, mauna ka na," muntik na naman akong matulala sa mga tingin niya pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Ano bang meron kay Cooper ngayon at natutulala ako sa kanya? May dumi ba sa mukha niya na hindi ko matukoy kung saan? "Tulog na bata," Sambit niya. Mahilig din siyang tawagin akong bata, para pa nga akong baby kung ituring niya minsan.

"Nabuhayan na ako, gusto kong tignan ang daan. Ikaw na lang matulog, Cooper," nilipat ko sa leeg niya ang unan. "Sweetdreams!"

Umiling siya pero sinunod niya na lang ako at natulog siya sa byahe. Hindi rin naman kasi ako makakatulog sa sobrang excitement. Hindi pa kasi ako nakakapag out of town. Dahil sa malungkot kong buhay, wala akong oras at pera para sa mga ganito. Dadalhin nga sana ako ni Liam sa Tagaytay kaso ayon niloko na niya ako at naghiwalay na kami kaya wala ng chance.

Sa totoo lang si Liam ang nai-imagine ko na makakasama ko sa first out of town ko pero mas masaya pala na si Cooper ang kasama ko. Mas panatag ako sa kanya. At least si Cooper, hindi ako lolokohin kagaya ng ginawa ni Zhao.

Ilang oras din ang byahe. Sumakit nang sobra ang pwet ko. Ilang stop over lang ang meron kami kaya ang sakit pa rin sa katawan pero nang makita ko na ang Baguio, nawala lahat ng pagod at sakit ng katawan ko.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now