Kabanata 7: Believe

143K 5.3K 656
                                    

Believe

Tapos na niyang basahin ang istorya na ginawa ko, ang istorya nila.

Nakatingin siya sa akin at tila ba nakalutang sa kung saan ang isip niya. Gusto ko na nga sanang gumalaw at tumakbo palabas pero baka bigla siyang matauhan at hindi siya magdalawang isip na patayin ako.

Lord, paano na po?

"Paano?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Iling siya nang iling at hindi siya mapakali. "Paano nangyari na alam mo ang lahat? Kahit ang nasa isip ko sa mga panahon na iyon ay alam mo?"

"Ako nga kasi ang sumulat ng libro na 'yan, kaya lahat ng 'yan alam ko at kahit ang mga mangyayari pa lang sa libro, alam ko na. Ang mundo niyo ay ang istorya na isinulat ko."

Huminga siya nang malalim. Siguro hindi pa niya kayang ipasok sa isip niya na gawa-gawa lang ang mundo niya, na isa ring nilalang ang gumawa sa kanila. Kahit naman ako, kung malalaman ko na nasa isang libro lang pala ako ay baka mabaliw na ako.

Sa totoo lang ngayon pa lang nga parang nababaliw na nga ako, eh. Lahat ng nangyayari ngayon talagang hindi kapanipaniwala. Akala mo nasa panaginip ako pero totoo talaga, gising na gising ako.

Paano nga kaya kung nasa libro lang din ako?

Ang sakit talaga sa bangs.

Sinubukan niyang sulatan ang libro pero walang lumabas na kahit ano. Nakakapagtaka dahil gamit naman niya ang pen na gamit ko rin. May topak na naman ba ang libro?

"Bakit hindi sumasulat ang panulat na ito?" Tanong niya.

Ang tagal kong hindi nakasagot dahil ang totoo hindi ko rin alam pero may bigla akong naisip na palusot sa kanya, "Hindi 'yan susulat dahil ako lang ang nag-iisang pwedeng sumulat d'yan sa libro na 'yan."

Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinabi ko pero baka hindi na niya ako patayin kapag naisip niyang ako lang ang makakapagpabalik sa kanya sa libro. Gano'n naman sa mga movie, kapag may kailangan pa sila sa'yo ay hindi ka muna nila papatayin.

"Ako kasi nga kasi ang gumawa sa istorya niyo," pagpipilit ko.

"Ibig sabihin, hindi totoo ang lahat? Hindi ako totoo at mga tao na kilala ko?" Napahawak na siya sa ulo niya at minamasahe niya ang magkabilang dulo nito. "Paano nangyari iyon? Paano nangyari ang lahat ng ito?"

Nawawala na ang aura niyang nakakatakot. 'Yong parang itim na usok na pumapalibot sa buo niyang katawan. Napasandal siya sa pader at parang nanamlay ang kanyang katawan. Parang humihina na siya. Siguro dahil ito sa mga nalaman niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at buksan ang pinto.

Ang swerte ko dahil nagawa ko na rin buksan ang pinto.

Narinig na ako ni Lord. Hindi na siguro ako mamamatay, I mean hindi muna ngayon.

Ang problem, hindi pa ako nakakababa ng dalawang hakbang sa hagdan ay narinig ko na naman siya, "Lapastangan!" Sobrang lalim at lakas ng boses niya.

Umangat ang mga paa ko. Sobrang nanlaki ang mga mata ko at 'yong puso ko sobrang bilis, parang noong isang beses na nahold-up ako sa kanto, ganito siya kabilis, eh. Hinahabol ko na rin ang paghinga ko.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Sinamantala mo ang kahinaan ko para tumakas! Isa kang traydor!" Dinig kong sigaw ni Scion.

Kusang humarap ang katawan ko sa kanya habang nakaangat pa rin ako sa hagdan. Lumilipad ba talaga ako?

Jusko, hindi naman ako high sa drugs dahil una sa lahat hindi naman ako nag da-drugs pero bakit ganito? Kung ano-anong nakikita at nararamdaman ko?

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon