Kabanata 16: Investigation

100K 3.7K 341
                                    

Investigation

Balisa ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Cooper. Lutang na lutang ako sa mga nangyayari lately sa buhay ko.

Dati wish ko lang na magkaroon ng mga magic na 'yan sa totoong buhay kasi ang saya 'di ba? Makakalipad ka sa langit sa sarili mo lang, magiging malakas ka, kumbaga magagawa mo ang mga bagay na imposible. Pero ngayon, ang hirap pala.

Nakakatakot.

Tama nga talaga, be careful what you wish for. Kapag nagkatotoo baka maloka ka.

Nasa corridor na ako nang mapa-atras ako dahil sa isang sigaw, "Besty!" Nang tignan ko siya, tumatakbo siya papunta sa akin. Pinulupot niya ang mga kamay niya sa katawan ko nang sobrang higpit na akala mo mababali na ang mga buto ko. "Na-miss kita, sobra!"

Wala pa nga atang isang linggo na nawala si Fashia pero ito, miss na miss na niya ako. Clingy kasi siya minsan sa mga kaibigan niya lalo na sa akin. Maingay siya at masiyahin. Masarap sana siyang kasama kaso hindi naman namin siya madalas makaalis sa bahay nila dahil strict ang papa niya.

"Sandali, bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Ihahatid na sana ako ni Papa sa bahay kaso may gusto muna siyang daanan dito sa hospital. Sumama na lang ako pero nagulat ako kasi si Cooper pala 'yong gusto niyang puntahan," hinawakan niya ang magkabilang balikat ko tska siya umiling-iling. "Ano bang nangyari doon sa kaibigan natin? Bakit na-ospital siya?"

Pabilog kung bumuka ang bibig niya habang nagsasalita. Masyado siyang na adik sa korean drama kaya pati ang mga kilos nito ay nagagaya na niya. Cute pa rin naman siya kaya ayos lang, medyo weird nga lang.

"Serenity? Ayos ka lang ba? Ano ngang nangyari kay Cooper?"

Sa dami nang nangyari sa akin kanina, nakalimutan ko na kung anong palusot ang sinabi ko sa mga rescuer.

"Uhm, na out of balance siya sa daan kaya ayon natumba siya. Masama 'yong pagkakabagsak niya kaya dinala namin siya dito sa hospital."

Tinanggap naman agad ni Fashia ang paliwanag ko. Kahit ano pa atang sabihin ko sa kanya ay maniniwala siya. Ganyan niya ako pagkatiwalaan.

Ayokong magsinungaling sa kanila ni Cooper pero ito ang mas makakabuti sa amin. Bukod sa hindi sila maniniwala sa akin ay ayoko rin silang mapahamak.

Sabi nga ng lalaking nakamaskara kanina, delikado ang mapalapit sa Polaris. Kaya mabuti ng ako na pang ang nakakaalam tungkol dito.

"Oo nga pala, ikaw ba 'yong kasama ni Cooper kanina? Gusto ka kasing makausap ni Papa."

Nanigas ako sa kinakatayuan ko.

Matagal na akong takot sa Papa niya. Sobrang sungit at strikto nito. Kapag nakakaharap ko siya, palagi akong kinakabahan dahil palagi itong nakahawak sa baril niya. Kwento rin ni Fashia, marami na raw napatay ang Papa niya pero dahil lang naman daw ito sa trabaho niya bilang isang pulis. Kaso, ang balita ko may napatay daw siyang isang taong wala naman krimern, at nakaalitan niya lang. Hindi na namin napag-uusapan pa 'yon ni Fashia pero isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa Papa niya.

"Kakausapin ako? Pa-para saan daw?"

"Hindi ko alam, eh. Alam mo naman na hindi ako nakikialam sa mga kaso ni Papa. Siguro magtatanong lang naman 'yon. H'wag kang mag-alala, kaibigan kita kaya hindi ka niya sasaktan."

Kahit ano pang sabihin niya, hindi pa rin mawala sa akin ang matakot.

Si Fashia na ang nagbukas ng pinto dahil parang nanginginig ang mga kamay ko. Ganito ako katakot sa Papa niya. Alam kong hindi niya kayang saktan ang anak niya pero hindi ko lang alam sa ibang tao. Sa tagal namin magkaibigan ng anak niya, never niya akong binati kaya nga pakiramdam ko ay hindi niya ako gusto.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now