Kabanata 25: Nalilito

75.8K 3.4K 676
                                    

Nalilito

Ano ba kasing katangahan 'tong ginawa ko? May pa-iyak iyak pa akong nalalaman kanina. Nakakahiya sa mga tao at lalo kay Scion. Ano kayang iniisip niya ngayon?

"Good job guys, I'll see you again tomorrow. Galingan niyo ha, hindi na practice bukas dahil totoong laban na." Sambit ng may-ari ng bar sa amin.

Nauna akong lumabas dahil nahihiya pa rin ako kay Scion. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. Tingin niya siguro ang weird kong tao o baka na turn off siya sa akin? Pero ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya para sa akin?

"Xiang!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Dalawa lang naman silang tumatawag sa akin sa pangalan ko na 'yon.

Huminto ako sandali para tignan kung sino 'yon.

Nagulat ako nang makita ko siya. isa pa 'to si Cooper. Wala rin akong mukhang maiharap sa kanya. Nagiging wala na akong kwentang best friend sa kanya. Hindi ko na masabi sa kanya lahat nang nangyayari sa akin.

"Sumali pala kayo sa contest?"

"Oo, kailangan kasi namin 'yong pera na premyo rito. Pasensya na ha, hindi ko nasabi sa'yo 'to. Patong patong na kasi 'yong mga nasa isip ko ngayon."

Ginulo niya ang buhok ko, ang bagay na miss na miss ko na sa kanya. Hinila niya pa ako papalapit para yakapin nang mahigpit, "Sana matapos na ang lahat ng 'to, miss na miss na kita."

"Sana nga.."

Hahang yakap ako ni Cooper ay papalapit naman sa amin si Scion. May kakaiba sa mukha niya pero hindi ko masabi kung ano 'yon. Ang hirap kasi basahin ng nasa isip niya.

Sa pag-ubo ni Scion ay napabitaw ako sa pagkakayakap kay Cooper.

"Tapos na ba kayo?" Tanong niya.

"Tapos saan?" Sabay naming tanong ni Cooper.

"Sa pagyayakapan niyo? Gutom na kasi ako, e."

Napakamot ng ulo si Cooper, tinignan niya ako habang bahagyang nakangiti. Lumapit siya sa tainga ko para bumulong, "Masyado niya atang sineseryoso ang pagpapanggap niyo."

Napataas ang kilay ko, "Anong pagpapanggap?"

"'Yong pagiging magkasintahan niyo. Isa lang 'yong pagpapanggap, hindi ha? Imposible naman na maging nobyo mo ang isang taong hindi nag e-exist sa mundo natin."

Ah.. oo, pagpapanggap lang ang lahat.

"Pwede na ba tayong kumain?" Atat na tanong ni Scion.

"Hayaan mo na lang, matatapos na rin ang lahat ng ito." Sambit ko.

Sa oras na maibalik ko na siya sa libro ay mawawala na rin ang kakaibang nararamdaman ko na ito. Kailangan kong paalalahanan palagi ang sarili ko na hindi nabubuhay si Scion sa mundo namin kaya hinding hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.

Sa paboritong takoyaki house ni Cooper kami nagpasyang kumain. May bonus daw siya sa trabaho kaya ililibre niya kami.

Nagulat kami pareho ni Cooper dahil sa lakas nang pagkain ni Scion. Hindi ko na nga inubos ang pagkain ko para maibigay sa gutom na gutom na Captain warrior na 'to. Ayoko naman mapagastos nang malaki si Cooper.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pagkakaluto sa pugita. Pwede mo ba akong turuan kung paano ito ginagawa? Para sa oras na bumalik ako sa Qin dynasty ay makakain pa rin ako nito."

Ito naman ang gusto ko hindi ba? Ang bumalik siya sa mundo nila at para na rin matapos na ang mga problema ko pero bakit parang nalulungkot ako.

"Ayos ka lang ba, Xiang?" Tanong ni Cooper. "Hindi mo na naubos ang pagkain mo. May iba ka bang gustong kainin?"

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now