Kabanata 45: Pamamaalam

58.2K 2.8K 435
                                    



NANLILISIK ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Pulang pula ang mga ito, kasing pula ng buwan ngayon.

"Dad! Let her go!" Sigaw ni Liam.

Hindi niya alam na hindi na ang ama niya ang nasa harapan ko ngayon, kung hindi si Haring Midas.

"Kamusta na, itinakda?" Ibang iba na ang kanyang boses, may pagnginig sa mga ito. "Ikinagagalak kong makita ka nang harap-harapan."

"Hindi ka magtatagumpay sa mga balak mo," sambit ko. "Hindi mababaliwala ang sakripisyo ng tatay ko."

Tumawa siya nang napakalakas kasabay nang sunod-sunod na pagkidlat.

"Talo na kayo, nakuha na nga kita hindi ba?"

Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa kanya kanan kung saan ay nandoon si Scion na lumulutang sa ere.

"Subukan mo pang lumapit sa amin at dudurugin ng ahas na 'to ang itinakda."

Dahan-dahan na humigpit ang pagpulot sa akin ng higanteng ahas.

"Bitawin mo siya, lapastangan!" Sigaw ni Scion. Kulay pula na rin ang mga mata niya ngayon. "Ako ang harapin mong duwag ka!"

Nakalutang din siya sa ere kagaya ni Scion. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Sa labanan na ito, ang matalino ang nagwawagi at hindi ang mga mahina ang utak na kagaya niyo." Ngumiti siya sa akin na nagpataas ng balahibo sa buong katawan ko. "Mabubuhay ako, sigurado iyan at kayo... magsama sama kayo sa kabilang buhay."

Gumapang ang ahas na may hawak sa akin papunta sa hilaga. Sinusundan niya si Haring Midas na nakalutang pa rin sa ere. Nilingon ko si Scion at Liam at nakasunod sila sa amin.

"Ayaw talaga magpatalo ng mga kasama mo," sambit ni Haring Midas. "Tignan natin ang lakas nila."

Napakaraming itim lobo ang lumabas sa gilid ng daad. Sakto ang bilang nila para maharangan ang dalawa na sundan kami. Nakatingin pa rin ako sa kanila habang sinusugod na sila.

Alam kong kaya nilang labanan ang mga itim na lobo pero sa oras na matalo na nila lahat iyon ay nagawa na ng mga itim na salamangkero ang ritwal sa pagkuha ng dugo ko.

➖➖➖➖➖➖

ITINALI nila ako sa isang lamesa sa gitna ng isang malaking open field. Kitang kita ko sa kinakahigaan ko ang pulang buwan.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko pero hindi ito lumalabas dahil may dalawang ahas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa tuwing tatawagin ko rin ang mga puting ahas ay nagkakaroon ng kakaibang tunog sa isip ko. Napag-isipan talaga ni Haring Midas kung paano gagawin ang ritwal na walang balakid.

"Matagal na dapat akong nabuhay, kung hindi lang dahil d'yan sa ama mo."

May mahigit dalawampu na itim na salamangkero ang nakapalibot sa akin.

"Pero kagaya ng sinabi ko ay mabubuhay ako kahit na anong mangyari... at hindi lang ako basta mabubuhay, dahil magiging imortal ako."

Habang nagsasalita siya umiikot ikot siya sa lamesa kung nasaan ako nakatali. Ano pa ba ang hinihintay niya para simulan ang ritwal?

Pilit ko pa rin sinusubukan na palabasin ang kapangyarihan sa magkabilang kamay ko pero malakas ang dalawang ahas sa kamay ko.

"Asan na ang mga kaluluwa?" Inis na sambit ni Haring Midas. "Bakit hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin ito nakukumpleto?"

Kung gayon ay hinihintay pala muna niyang mabuhay bago nila gawin ang ritwal. May panahon pa ako para makaisip nang paraan upang makatakas.

"H'wag kang mainisip, itinakda. Nalalapit na ang iyong kamatayan at magsasama na kayo ng mga magulang mo."

Polaris (Published under IndiePop)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang