Kabanata 4: Weird

181K 6.3K 951
                                    

Weird

GINABI na kami ng uwi at as usual, sinarahan na naman ako ng pinto ni monster, este ni Auntie. Siguro sinadya niya talagang pagsarahan ako dahil hindi ko siya naisama sa Baguio. Mas gugustuhin ko pang matulog sa kalsada kaysa makasama ko siya sa tour. Baka papunta pa lang, hindi na ako mag-enjoy.

Hobby niya minsan ang sirain ang araw ko.

"Ayaw mo ba talaga matulog sa bahay namin?" Tanong ni Cooper. "Kaya ko naman matulog sa sahig para sa'yo."

"Cooper, napag-usapan na natin 'to 'di ba?"

Gustuhin ko man pero nahihiya talaga ako sa pamilya niya lalo na sa parents niya. Kahit na mabait sila sa akin, alam ko naman na ayaw nilang makita si Cooper na nahihirapan. Ang lamig kaya sa sahig. Ako naman kasi, hindi pwedeng humiga sa sahig dahil mabilis akong atakihin ng asthma ko. Matagal na siyang nawala pero paminsan-minsan ay bumabalik siya.

"Saan ka matutulog? Wala pa rin si Fashia sa kanila. H'wag mong sabihin sa grocery na naman nila Liam?" Sa kabutihang palad, may sahod na ako kaya mag mo-motel na lang ako.

Hindi lang naman ang mag jowa ang nagmomotel, eh. Pwede rin 'yong mga naliligaw ng landas.

"D'yan na lang ako sa motel malapit, binigay na ni miss Joy ang sahod ko."

Mukhang masaya siya sa sinabi ko. Ayaw din naman niya na dumidikit pa ako kay Liam.

"Ihahatid na kita do'n, hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko alam na may matutulugan ka."

"Ang sweet mo talaga, noh?" Sambit ko. Matagal nang ganito si Cooper, kahit naman kanino ganito siya ka-sweet. "Ang swerte siguro susunod mong magiging girlfriend."

Natahimik siya bigla. Tinignan ko siya at mukhang nag-iba na ang mood niya. Naalala na naman niya siguro si Selina, 'yong first ever girlfriend niya.

"Alam mo, simula nang mag-break kayo ni Selina, hindi ka na ulit nagkaroon ng girlfriend. Mahal mo pa ba siya?"

Tumigil siya sa paglalakad. Mukhang mas lalong nag-iba ang mood niya. Pagtingin ko sa kanya, mas lalong sumeryoso ang mukha niya. "H'wag na natin siyang pag-usapan, wala na siya sa buhay ko," Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa motel. Mukhang nagmamadali na siya. "Masyado ng gabi, dapat wala ka na sa kalsada."

"Salamat sa paghatid sa'kin," sambit ko. "Ingat ka pauwi ha? Sorry kung nasira ko 'yong unang tour natin na magkasama."

Ginulo niya ang buhok ko. "Iyong piliin mo pa lang ako na isama sa tour, masaya na ako kaya h'wag kang mag-sorry. Nag-enjoy pa rin naman ako."

"Salamat, Cooper."

Hinalikan niya ako sa noo ko bago siya umalis.

Minsan best friend ko siya pero minsan para ko na rin siyang tatay. Alam niya kasing nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ama kaya minsan pinaparamdam niya kung paano magkaroon nito. Sobrang saya ko nga nang ipakilala niya ako sa magulang niya. Kahit papaano, nakahanap ako ng pamilya sa kanila. Madalas, 'yong mga pangaral ng isang magulang ay naiibibigay din nila sa akin.

Pero palagi kong tinatanong sa sarili ko, ano nga kaya ang pakiramdam na may tunay nanay at tatay ka? Kahit kailan hindi ko 'yon naramdaman dahil wala pa akong isang taong gulang, iniwan na ako ng magulang ko kay lola at auntie.

Uminit ang mga pisngi ko dahil sa luha ko. Hindi naman talaga ako ganito pero pagdating sa magulang ko, hindi ko mapigilan na maiyak na lang bigla.

Ano bang problema sa akin? Bakit nila ako iniwan? Wala naman akong diperensya sa katawan ko at hindi naman ako gano'n ka pangit. Sabi pa ng iba, wala daw magulang ang kayang tiisin ang anak nila pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin nila ako binabalikan?

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now