Kabanata 35: Itinakda

66.4K 3.1K 497
                                    



Sinong mag aakala na may ganitong lugar pala sa dulo ng isang talon? Tanaw sa kinakatayuan namin ang buong lugar na puno ng mga puno at ilog. Nasa tuktok ata kami ng isang bundok.

Sa likuran namin ay ang pinasukan naming kuweba at sa dulo nito ay may malaking pintuan na gawa sa bakal.

"Maligayang pagbabalik, Serenity," literal na lumaki ang magkabilang mata ko nang makita ko si Kuya Sanchi. "Ikinagagalak ko na hindi kayo napahamak sa kuta ni Jun."

Sa tabi niya ay nakatayo si si Polaris, ang batang may-ari ng kwintas na jade. May mga lalaki at babae rin na nakasuot ng puting damit sa likuran niya. Halos magkakapareho ang suot nilang lahat. Maluwanag na pantalon at damit na may tali pa sa tiyan. Para silang mga monghe.

Sandali nga, baka naman isa silang kulto?

"Ano ba talagang nangyayari? Pwede bang ipaliwanag niyo sa amin ang lahat? Litong lito na ako," sambit ko. "Driver lang namin kayo noon sa van 'di ba? Bakit nandito na kayo?"

"Alam kong marami kang tanong, Serenity. Halika, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat habang tayo ay papunta sa aming tahanan."

Nagkatinginan kami ni Scion, hindi maganda ang timpla ng mukha niya. May trust issue na naman siguro siya. Hindi ko naman siya masisisi.

"Paano namin malalaman na hindi rin kayo isang kaaway?" Tanong ni Scion. Hinawakan niya nang mahigpit ang kanang kamay ko. "Sa mga nangyari ngayon ay mahirap nang magtiwala."

Ngumiti lang si Kuya Sanchi sa amin pagkatapos ay inabot niya sa akin ang isang lumang litrato.

Litrato ito ni tatay at nanay at may karga silang sanggol. Sa tabi nila ay naroon nag mas batang Sanchi at Arnold.

"Ikaw ang batang akay-akay ng iyong ina, Serenity." Hindi siya nagsisinungaling, hindi ko man nakita sa personal ang mga magulang ko ay alam ko pa rin ang itsura nila base sa litrato na ibinigay sa akin ni lola. "Kami ang matalik na kaibigan ng iyong ama at nandito kami para protektahan ka. Kailangan mo lang magtiwala sa amin, Serenity."

Naalala ko ang sinabi ni tatay sa akin doon sa kwintas na ililigtas ako ng mga kaibigan niya. Sila na nga siguro iyon. Noon pa man magaan na rin ang loob ko sa kanilang dalawa.

"H'wag kang mag-alala, Scion. Naniniwala ako sa kanila. Matutulungan nila tayo."

Hinawakan ko ang kanang kamay niya para magtiwala siya sa desisyon ko.

"Sige, may tiwala ako sa desisyon mo," mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Pero sa oras na malagay ka sa alanganin ay sasama ka sa akin sa isang ligtas na lugar."

Tumango ako kahit na hindi ko sigurado kung magagawa ko iyon. Depende pa rin sa sitwasyon kung hahayaan kong umalis na lang.

Biglang pumasok sa isip ko si Liam. Kamusta na kaya siya? Sana naman hindi siya saktan ng sarili niyang ama. Sa lahat ng mga nalaman ko, hindi man bumalik ang nararamdaman ko ay nanumbalik naman ang pag-aalala ko para sa kanya.

"Hali kayo, sumunod kayo sa amin," muling pag-aaya ni Kuya Sanchi.

Sumunod kami sa kanila papunta sa ibaba kung saan may mga bahay na gawa sa malalaking kabute. Makulay at tila ba umiilaw sila. Buhat-buhat pa rin ni Kuya Arnold si Auntie. Inilabas ko ang phone ko at lihim ko silang kinuhanan ng litrato. Ang cute kasi nilang tignan na dalawa at isa pa, gusto ko 'tong ipakita kay Auntie pagkagising niya.

Polaris (Published under IndiePop)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora