Kabanata 22: Paligsahan

85.9K 3.4K 1K
                                    

Paligsahan

Kanina pa nagmamasid si Scion sa paligid pero mukhang wala na ang sinasabi niyang sumusunod sa amin.

"Nawala na siya," sambit niya. "Pero h'wag kang lumayo sa akin dahil baka bigla ulit siyang sumulpot."

Sino nga kaya 'yon? Parang mas nakakatakot nang masundan ng taong may kapangyarihan kaysa masundan ng mga snatcher d'yan sa kanto.

Ay hindi, pareho lang palang nakakatakot kasi pareho kang pwedeng mamatay.

Hinawakan ni Scion ang kamay ko.

May parang kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buo kong katawan.

Napatingin ako sa mga kamay namin at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Aalisin ko ba o hahayaan ko lang?

Bakit niya ba kasi ako hinawakan sa kamay? Joke lang naman 'yong pagiging mag boyfriend at girlfriend namin.

"Humawak ka lang sa'kin para pag may panganib ay mahila kita agad sa tabi ko at makapag-shunyi tayo palayo."

Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya. Hindi kasi maalis 'yong kuryente na nararamdaman ko sa tuwing magkahawak ang kamay namin. Isa pa ay bumibilis ang tibok ng puso ko kapag hawak ko ang kamay niya.

"Hayaan mo lang akong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi naman habang buhay na nasa tabi kita kaya h'wag mo akong sanayin."

Ngumisi siya sa akin, ito na naman siya sa mga ngisi niya, "Hindi ba hopeless romantic ka kaya gusto mo na may lalaking nagtatanggol sa iyo na parang si Prince Charming?"

Wow, kabisado niya talaga lahat ng nakasulat sa diary ko. Ano ginagawa niya na bang bible 'yon?

"Si Prince Charming palaging nand'yan kapag kailangan mo, eh ikaw? Babalik ka rin naman sa libro, sa mundo niyo kaya hindi ka pwedeng maging Prince Charming, okay?"

Lumakad siya papalapit sa akin. Atras naman ako nang atras hanggang sa mapasandal na ako sa pader.

"Paano kung dito na lang ako sa tabi mo, pwede na akong maging Prince Charming mo?"

Napatingin ako sa asul niyang mga mata. Alam kong hindi ito normal pero para bang umiilaw ito sa kadiliman.

Pero sh*t lang, ang bilis na naman nang tibok ng puso ko. May royal rumble na ata sa loob dahil kanina pa siya nagwawala. Ano bang nangyayari sa akin?

"Uhm, a-ano," umiwas na ako ng tingin sa kanya. Pambihira, bakit ba ako nauutal? Si Scion lang naman 'to, eh. "Kung ano.. eh 'di ano.."

Tumaya siya nang malakas, napahawak na nga siya abs niya este sa tiyan niya sa sobrang tawa.

"Nakakatuwa ka talaga, Serenity."

Ginulo na naman niya ang buhok ko. Tuwang-tuwa talaga siya sa akin. Ano naman nakakatuwa do'n?

"Ang gullible mo rin, no?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kanina pa niya ako inaasar, ha. Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya. Parang pinaglalaruan na niya ako, "Eh 'di wow, gullible mo mukha mo!"

Umalis ako sa harapan niya at naglakad ako nang mabilis palayo sa kanya.

Hindi porket nabasa na niya ang diary ko at mas nakilala na niya ako ay pwede na niya akong paglaruan at pagtawanan na lang. Si Cooper nga hindi ako ginaganito pagkatapos siya, siya na bagong dating lang sa buhay ko ay pagti-tripan lang ako?

"Serenity, sandali lang!"

Hindi ko siya pinansin. Manigas ka d'yang lalaking taga ibang mundo. Kapag ako talaga ininis niya pa, ilalagay ko na lang siya sa Mars. Doon siya tumira sa mga aliens.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon