Kabanata 24: Practice

78.3K 3.3K 944
                                    

Practice

Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako napapatingin kay Scion. Nakakahalata na nga ata siya kaya sa tuwing titignan ko siya ay nakatingin na rin siya sa akin.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya.

Napalunok ako bigla at nataranta. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi talaga ako magaling magpalusot, "Uhm, wala naman."

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Kagabi pa ako hindi mapakali.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa akin. May gusto ka bang sabihin sa akin na hindi mo masabi?"

Buti na lang hindi niya naisip na kaya ako napapatingin sa kanya ay dahil gusto ko na siya. Pero sandali nga, hindi ko siya gusto, no. Naguluhan lang talaga ako kagabi tska bakit naman ako magkakagusto sa kanya?

Baliw lang ata ang magkakagusto sa isang nilalang na hindi naman talaga nag e-exist.

"Kasi ano..." panimula ko. Agad akong nag-isip ng sasabihing palusot. "Gusto ko lang itanong kung wala ka talagang kinalaman sa pagkamatay ni Kuya Roberto."

Huminto siya sa paglalakad at pumunta sa harapan ko. Inilapit niya sa akin ang mukha niya habang nakapasok sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang kamay niya. Naningkit ang mga mata niya habang tinitignan ako.

Napahawak ako sa kanang dibdib ko. Ano na naman ba 'to? Bumibilis na naman 'yong tibok ng puso ko. May sakit na kaya ako?

"Matagal tagal na rin naman tayong nagkakasama pero wala ka pa rin bang tiwala sa akin?"

Unti-unting nagiging kulay-abo ang mga mata ni Scion. Ngayon ko lang nakita ang kulay na ito sa mga mata niya. Ano kayang ibig sabihin nito?

Mukha siyang malungkot, e. Nawala kasi bigla 'yong ngiti sa mukha niya.

Mali naman kasi 'yong tinanong ko sa kanya. Ang slow ko do'n konti sa part na 'yon.

"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko lang talagang makasiguro pero naniniwala naman ako sa'yo," ngumiti ako at agad ko siyang tinulak. Naiilang na ako sa mga tingin niya.

Hanggang ngayon nga ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kay Liam lang naman ako nagkakaganito pero bakit pati kay Scion ay ganito na rin?

Hindi ko na hinintay si Scion, naglakad na ako papunta sa pupuntahan namin. Sigurado naman ako na susunod siya sa akin. Hindi naman ako nagkamali at hinabol pa talaga niya ako.

"May problema ba, Serenity? Kagabi ka pa umaakto ng kakaiba."

Umiling ako at hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ang weird talaga ng nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako mapakali kapag malapit sa akin si Scion. Ano bang ibig sabihin no'n?

Nagsisimula na ba akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin?

"Dahil pa rin ba 'to kay Kuya Roberto?"

Siguro nga dahil doon at hindi dahil sa kung anong iniisip ko tungkol kay Scion.

Speaking of, kamusta na kaya sila Aleng Angela?

"Siguro nga iyon ang dahilan dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino 'yong pumatay sa kanya. Sana talaga, wala akong kinalaman do'n kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Naramdaman ko na lang sa kamay ko ang mainit niyang palad. Ano na naman ba ang pumasok sa isip niya at hinawakan niya ang kamay ko?

"Makakasalubong natin si Liam at si Tyra," bulong niya. "Kaya umakto tayo bilang magkasintahan."

Tinignan ko ang harap namin at papalapit na nga sa amin sila Liam at si higad.

Kung makapulupot naman siya sa boyfriend niya akala mo lahat ng babae ay aagawan siya. Isaksak niya sa baga niya 'yang gagong Liam na 'yan. Kung nagawa akong lokohin ng lalaking 'yan dati ay hindi imposible na gawin niya rin 'yon sa kanya kaya goodluck na lang.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon