Kabanata 23: Libing

87.5K 3.5K 653
                                    

Libing

Hindi ako makapaniwala na ie-expose ko pa siya lalo sa mundo namin. Tama nga ba talaga 'tong ginagawa ko?

Kaso sa tuwing titignan ko siya na nakatingin sa loob ng cafe, lalo na sa stage, kakaiba 'yong saya na meron sa mukha niya. Hindi ko naisulat kung gaano ba niya ka-gusto na kumanta basta ang nasulat ko lang ay maganda ang boses niya.

"Uhm, sasali po sana 'yong kasama ko--"

"Sasali po kaming dalawa sa singing contest," tumingin ako kay Scion habang nakataas ang kanang kilay ko. Anong pinagsasasabi niya? "Saan po ba 'yong susulatan naming form para makasali?"

"Ito," inabot nang matandang lalaki ang form. "Pagkatapos niyo ay ibigay niyo sa akin ang form. Sakto lang kayo dahil ngayon ang deadline para makasali."

Hinawakan ako si Scion sa kamay. Agad ako napatingin sa mga kamay namin. Sa tuwing ginagawa niya 'to, parang may kuryenteng dumadaloy mula sa kamay niya papunta sa buong katawan ko.

Walang kung ano-anong sabi ay hinila ako ni Scion papunta sa lamesa malapit sa registration, "Ikaw na 'yong magsulat dito." Utos niya sa akin.

"Sandali nga, bakit mo sinabi na dalawa tayo? Ikaw lang naman 'yong kakanta." Reklamo ko habang nakapatong sa magkabilang bewang ang mga kamay ko. "Hindi maganda ang boses kaya--"

Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Narinig ko na ang boses habang natutulog ka. May kung anong kinakanta ka pero maganda ang boses mo kaya mas maganda na dalawa tayo."

Ako? Kumakanta habang natutulog? Posible ba 'yon? Alam ko sleep talking lang ang meron pero hindi sleep singing.

Pero hindi ko talaga alam kung maganda ang boses ko. Sa tuwing kumakanta kasi ako sa bahay ay palagi na lang nagagalit si Auntie at sinasabing kasing pangit at baho ng estero ang boses ko. Kaya kahit kailan, hindi ako kumanta sa harap ng ibang tao.

"Sige na, sulatan mo na 'to, gabi na at kailangan na natin umuwi."

Ang bossy pa rin niya talaga. Siguro hindi na talaga maaalis 'yon sa kanya.

"Oo na, boss." Sagot ko.

Basic information lang naman ang hiningi nila sa amin at walang ID na kailangan ipakita. Mabilis kong nasagutan ang form at ipinasa na namin iyon doon sa matandang lalaki.

"Bukas may practice tayo dahil sa Sabado ay start na ng prelimination rounds."

Bukas agad? Ang bilis naman. Wala pa nga kaming na practice na kanta.

"Maghanda lang kayo ng minus one pero mas maganda kung may sarili kayong instrument."

"Sige po, babalik na lang po kami rito bukas ng hapon."

Mukhang walang tulugan ang mangyayari sa amin nito. Alam kong kaya ni Scion kahit na dalawang oras lang na tulog pero ako, kakayanin ko ba?

Naglakad na ulit kami pabalik sa bahay nang makita ko sa internet na ngayon na pala ang huling burol nang taxi driver na nagtangkang gahasain ako. Buti na lang at nakalagay ang address ng bahay nila.

Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil pakiramdam ko, may kinalaman ako sa pagkamatay niya. Masama man ang ginawa niya sa akin ay hindi pa rin dapat siya mamatay. Pakiramdam ko naman ay magsisisi siya sa kulungan at magbabago para sa pamilya niya.

"Pwede ba tayong pumunta saglit sa burol nang taxi driver?" Tanong ko kay Scion.

Nagsasalunong agad ang dalawa niyang kilay, "Nahihibang ka na ba? Dadalawin mo pa 'yong taong gusto kang gahasain?"

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now