Kabanata 26: Olats

72.7K 3.2K 694
                                    

Olats

Sabi nila kapag ang paghanga ay lumagpas ng three months, love na raw 'yon at hindi na lang basta crush.

Wala pa namang isang linggo 'tong nararamdaman ko para kay Scion kaya panigurado ay paghanga lang ito. At bago pa man mauwi sa kung ano ito ay pipigilan ko na ang sarili ko dahil hindi pwede.

Imposible.

"Natapos ko nang basahin lahat ng libro mo rito, meron bang silid aklatan malapit dito?" Tanong ni Scion.

Matagal ko na rin naisip na dalhin siya sa mga library kaso wala pa akong mahanap na oras para doon. Hindi ko naman siya basta iwan doon na mag-isa.

"May napakalawak na library sa Baguio. Doon mas maganda magbasa."

Tinignan niya ang gitara ko, "Tingin mo ba mananalo tayo mamaya?"'

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko naman kasi napakinggan 'yong ibang tumugtog kahapon pero naniniwala ako sa ganda ng boses niya. Sana nga talaga ay manalo kami para mahanap na namin ang Polaris.

"Magdasal na lang tayo," sambit ko, actually kagabi ko pa ginawa ang bagay na 'yon. "Ready ka na ba?"

Ngumiti siya at tumango lang.

Minsan kapag napapatingin ako sa pagka-asul ng mga mata niya ay hindi ko maiwasan na mapatitig. Kumakalma ako sa tuwing nakikita ko iyon.

 Kumakalma ako sa tuwing nakikita ko iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"May dumi ba sa mukha ko?"

Niyugyog ko ang ulo at tumalikod sa kanya. Madali nga pala siyang makaramdam nang kung ano sa paligid niya kaya kailangan ko nang pigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Baka mahalata na niyang may gusto na ako sa kanya. Baka maging awkward na kami sa isa't isa kapag nalaman niya.

"Pakuha na lang ng gitara, mauuna na akong bumaba para magpaalam kay auntie."

Nagmadali akong bumaba para magpaalam kay Auntie pero laking gulat ko dahil wala siya sa kwarto niya. Saan na naman kaya siya nag punta? Napapadalas na ang pag-alis niya. Dapat ba akong ma-alarma?

****

Mas malakas ang kaba ko ngayon. Mas madaming tao ang nandito at talagang totoong laban na ito.

Nakadagdag pa sa kaba ko ang pagiging huli namin. Nakita ko kasi ang mga unang nag-perform at ang gagaling nila. Talagang sanay na sila sa mga ganitong contest, samantalang kami ni Scion ay baguhan pa lang.

"Kaya na'tin 'to," bulong niya habang tinatapik-tapuk ang likod ko. "Mananalo tayo, pangako ko 'yan." Kumindat pa siya habang ngumingiti.

Gusto niya ba talaga akong mahulog sa kanya? Minsan pakiramdam ko inaakit niya ako pero syempre biro lang, no. Minsan lang talaga kakaiba ang charm niya.

Ipinakilala kami ng host at lahat sila ay nagpalakpakan. Natuwa ako nang makita ko si Cooper at Fashia sa malayo. Kahit papano ay nabawasan ang kaba ko.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now