Kabanata 39: Matalik na kaibigan

60.2K 2.5K 330
                                    



PAKIRAMDAM ko ay nakakausap ko na ang mga puting ahas. Sa bawat pag hiss nila ay para bang naiintindihan ko kung anong gusto nilang sabihin. Isa 'to sa kapangyarihan na meron si Tatay at posibleng naipasa pa niya ito sa 'kin bago siya mamatay.

"Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi, Xiang?" Tanong ni Scion.

Bagong gising man siya ay wala pa ring kupas ang mukha niya. Ang sarap niyang titigan. Kung pwede nga lang kuhanan ko siya ng picture at doon ko siya pagmasdan.

"Inantok ka pa, no? Nakatulala ka lang d'yan. Hindi mo rin ata narinig ang tanong ko sa'yo."

"Hindi narinig ko, at oo maayos naman ang tulog ko." Pero ang totoo ay hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Habang patagal nang patagal ay mas tumitindi ang nararamdaman ko para sa kanya. "Ikaw, kamusta ang tulog mo?"

"Maayos din at hindi ko naman kailangan nang mahabang tulog kaya nagsanay na lang ako."

Ngayon na nakakain siya ng dahon ng sequioa, gaano na kaya siya kalakas ngayon? Madami na siyang nagagawa na hindi ko pa naisusulat sa libro.

"Mas nako-kontrol mo na ba ang kapangyarihan mo ngayon?"

Hindi ko masabing kontrolado ko na pero mas nasasanay na akong gamitin siya, lalo na ang pag gamit sa mga ahas. "Sakto lang, kailangan ko pa rin nang madaming panahon."

"Pero ilang araw na lang at eclipse na. Nalalapit na ang paghaharap natin at ng itim na mga salamangkero. Sana matapos na 'to."

"Para makita mo na si Weiming?" Tanong ko. Dapat nga hindi ko na siya tinatanong pa ng ganito dahil panigurado naman na masasaktan ako sa isasagot niya.

"Oo, isa 'yon pero gusto ko rin na maging maayos na ang lahat para sa'yo. Gusto mong makasulat ka na ulit ng nobela at ipagpatuloy mo ang buhay mo."

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na magiging normal ang buhay ko. Pero kagaya ni Scion ay gusto ko na rin talagang matapos ang lahat ng ito. Bukod sa physically drained na ako, pagod na rin ang utak at emosyon ko.

"Gusto ko na rin bumalik sa dati. 'Yong simpleng problema lang sa sahod ang iniintindi ko."

Mangyayari pa kaya 'yon? Makakabalik pa ba ako sa normal kong buhay? Magtagumpay kaya kami sa misyon namin? Paano na lang kung magtagumpay sila Haring Midas? Paano na ang buong mundo?

Naiisip ko pa lang ay nagsisitayuan na ang mga balahibo ko.

"Magandang umaga sa inyong lahat," sigaw ni Kuya sa lahat. Nagsasalo salo kami sa isang malaking lamesa na gawa sa bamboo. Punong puno ng mga kakaibang pagkain. "Ngayon ay araw na nakaalan para sa ating huling pagsasanay. Bukas ay magpa-plano tayo kung paano natin ikakalat ang sarili natin sa siyudad ng Maynila. Kailangan bawat sulok ay may nakatalagang tao para gabayan ang mga sibilyan. Kami na ang bahala ni Arnold doon, basta magsanay kayo ng iyong kapangyarihan pati na rin sa pisikal na aspeto."

Lahat sila ay tumango at kita sa mga mata nila ang pagiging determinado. Isa-isa silang tumingin sa akin, "A-anong problema?" Tanong ko.

"Kakailangan na namin ang iyong kapangyarihan, Serenity. Kailangan mo ng magsulat muli sa Polaris," banggit ni Kuya Arnold. "Naisip namin na maari mong palabasin ang hukbo ni Scion sa libro."

Alam nila ang takbo ng kwento sa loob? "Binasa niyo 'yong sinulat ko?" Nagtingan sila at mukhang ayaw pa nila akong sagutin. Nakakahiya. Baka napangitan sila sa gawa ko.

"Pasensya na, Serenity, pero kailangan lang namin makasigurado na isa ngang kakampi si Scion. Pero h'wag kang mag-alala, nagustuhan namin ang kwento at hindi namin mahintay na mabasa ang kabuohan nito." Paliwanag ni Kuya Arnold. "Scion, maaasahan ba namin ang mga tao para tulungan tayo sa laban na ito?"

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now