Kabanata 20: Revelation

96.6K 3.5K 914
                                    

Revelation

Akala ko talaga may solusyon na ang problema ko pero naglaho na naman. Pera na, naging bato pa.

"Kanina ka pa tulala, anong problema mo?"

Problema ko? Baka abutin pa tayo ng bukas kapag sinabi ko lahat ng problema ko. At surprise, dahil sa'yo at sa Polaris na 'yan kaya ang gulo-gulo ng buhay ko ngayon.

"Ayos ka lang ba, Serenity?"

Wala man lang siyang kaalam alam na galing ako sa hospital kasi nawalan ako ng malay. Paano nga kung kailangan ko ng tulong, paano ako makakahingin ng tulong kay Scion? Wala naman akong kapangyarihan na kagaya niya.

Dahil hindi ko siya masagot sagot, umupo siya sa harapan ko at tinitigan ang mata ko. Mukhang hinuhulaan niya kung anong nasa isip ko.

"Iniisip mo si Liam?"

Well, oo naiisip ko siya, pero naiisip ko lang naman siya kasi nag e-echo pa rin pa 'yong panunumbat niya sa akin, "Sino ba 'yong nasa tabi mo kapag kailangan mo ng tulong, siya ba? Ako 'di ba?"

Ugh, bakit ba hindi maalis sa isip ko ang mga salitang 'yon?

"Mahal mo pa ba siya?"

On a scale of one to ten, mahal ko pa nga ba siya? Hindi ko alam, ewan, siguro?

"Alam mo Scion, hindi naman siguro talaga mawawala 'yong pagmamahal ko sa kanya pero tanggap ko na naman na wala na kami at tingin ko mas mahal ko na 'yong sarili ko ngayon."

"Gano'n naman dapat hindi ba? Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba."

Wow, ang lalim, hindi na lang pala puro kayabangan ang alam niya. Natutunan niya kaya 'yan sa mga libro ko rito sa kwarto?

Ginulo niya ang buhok ko kaya bigla akong nanigas sa kinakaupuan ko. Hindi ko inaasahan na gagawin niya sa'kin 'yong ganito. Si Cooper lang ang taong nanggugulo sa buhok ko.

"H'wag mo ng isipin 'yong ex-boyfriend mo dahil panigurado naman ako na hindi ka rin niya iniisip."

"Paano mo naman nalaman na hindi na niya ako iniisip? Manghuhula ka na ba ngayon, ha?"

Tumawa siya nang bahagya.

Lalong lumiit ang mga mata niya pero bakit kaya gano'n? Bigla na lang nakakahawa ang tawa niya. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti.

Sa bawat araw na dumadaan, nag-iiba na talaga ang tingin ko sa kanya. Mas nagiging maamo na siya sa paningin ko. Hindi na ang dating Scion na agresibo at palaging galit.

Ibig sabihin lang nito ay may improvement na talaga siya.

"Hindi ko na kailangan maging manghuhula para malaman ang iniisip niya. Isipin mo, kung iniisip ka pa talaga niya hanggang ngayon ibig sabihin lang mahal ka pa niya. Niloko at sinaktan ka niya hindi ba? Pinagpalit ka niya do'n kay Tyra. May tao bang gano'n magmahal?"

Sabagay may point siya pero.. paano niya nakilala si Tyra? Paano niya nalaman ang tungkol do'n? Sigurado naman ako na wala akong na-kwento sa kanya, "Paano?"

"Anong paano?"

"Paano mo nakilala si Tyra? At ang kwento namin ni Liam?"

Napakamot siya bigla ng ulo, "Pasensya na, hindi ko sinasadyang mabasa 'yong diary mo."

Nanlaki ang mga mata ko at pati tibok ng puso ko, biglang bumilis. Para akong nanakawan ng isang mahalagang bagay. Ang diary dapat secret lang, dapat ikaw lang ang nakakaalam.

"Hindi mo sinasadya pero nakarating ka hanggang dulo?"

Itinaas niya ang kamay niya at usually sa mga ganitong sitwasyon, peace sign ang gagawin mo para mag-offer ng sorry pero si Scion, aba, finger heart ang ginawa.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now