Kabanata 9: Portrayer

118K 5.2K 386
                                    

Portrayer

Asan na ba ang lalaki na 'yon?

"Scion!" Sigaw ko.

Nilibot ko na ang bawat kanto malapit sa barber shop pero wala pa rin siya. Sandali.. baka naman bumalik na siya sa mundo nila?

Hindi, ako lang ang nakakapagsulat sa libro na 'yon, eh.

Wait, ako nga lang ba?

Baka may iba pang tao na nakakapagsulat sa libro, may nakapulot nito at ibinalik na si Scion sa loob. Posible kaya 'yon?

Since hindi pa naman sigurado, hahanapin ko na lang din muna si ang nilalang na 'yon. Baka mamaya nandito pa rin siya at kung ano na naman ang magawa niya.

"Scion.. asan ka na ba?"

Ang layo na nang narating ko pero hindi ko pa rin siya makita. Pagod na pagod na ako. Ngayon pa lang, pinapahirapan na niya ako. Pambihira talaga siya.

May narinig akong mga babae sa likod ko na nag-uusap. Hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba pero ang lakas kasi ng boses nila. Kaboses pa nga nila ang mga daga sa istero namin habang tumitili. "Ang gwapo niya sobra!" Sigaw ng isang babae.

"Kaso parang nababaliw na. Kanina pa siya nakatitig do'n sa truck na may poster ni Jasmine, 'yong artista," sambit ng kasama niya.

"Malay mo, ex-girlfriend niya 'yon."

Tumango ang kasama niya, "Hindi imposible pero parang ewan talaga siya, naka-pajama pa nga, eh. 'Yong t-shirt pa niya puro chinese character."

Nang marinig ko 'yon naisip ko agad si Scion! Gano'n na gano'n ang pinasuot ko sa kanya!

"Sayang gwapo pa naman," dinig kong sambit pa nila.

Nakakahiya man pero sumingit na ako sa usapan nila, "Ah miss, saan niyo nakita 'yong lalaki na pinag-uusapan niyo?" Tinignan nila ako at pinagtaasan ng kilay. Teka, maayos naman ang pagkakatanong ko, ha? "Mukha kasing siya 'yong kaibigan ko na nawawala, eh."

Sasagutin na sana ako nang masungit na babae pero pinigilan siya nang kasama niyang mas mabait sa kanya, "Nando'n siya sa pangatlong kanto. Malapit sa may bus stop."

"Salamat," sambit ko.

Tumakbo ako agad papunta sa sinasabi nila.

Ano bang problema niya at nando'n siya? Nakatitig pa raw siya sa litrato ni Jasmine?

Nakita ko agad siya at tama sila, nakatayo siya sa harap ng poster ni Jasmine na naka-display sa isang truck. Hindi siya gumagalaw at nakatulala lang siya sa kinakatayuan niya.

"Scion!" Sigaw ko habang papalapit ako sa kanya. Nang makatayo ako sa harapan niya, nakita ko ang mukha niya na para siyang nasasaktan. Para kasi siyang iiyak, eh.

"Anong ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap!"

"Nandito.. nandito rin si Prinsesa Weiming sa mundo niyo?" Tanong niya habang onti-onting tumutulo ang luha sa mga mata niya. "Asan siya? Gusto ko na ulit siyang makita."

Bigla kong napagtanto na si Jasmine nga pala, isang sikat na artista ang ginawa kong portrayer o 'yong tao na pinaggayahan ko ng mukha ni Weiming. "Uhm, kasi, hindi siya si Weiming--"

Pinutol niya ang susunod ko pang mga sasabihin, "Lapastangan! H'wag mo siyang tawagin sa pangalan lamang, Prinsesa Weiming ang itawag mo sa kanya!"

Oh my God. Seryoso ba talaga? Sige na nga, pagbigyan ko na, baka ma-trigger ko na naman siya. "Pasensya na, ulit sa umpisa ha?" Huminga muna ako nang malalim. Pakiramdam ko pati pagsasalita ko ia-adjust ko rin para sa kanya, "Kasi ganito, hindi talaga siya si Prinsesa Weiming. Siya lang ang pinaggayahan ko ng mukha ng mahal na prinsesa pero hindi talaga siya 'yan. Hindi siya nabibilang sa mundo niyo, sa mundo namin siya nabubuhay. Okay?"

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon