Kabanata 38: Nararamdaman

63.3K 2.9K 909
                                    



ILANG segundo rin siyang hindi nagsalita. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil hindi ako makatingin diretso sa mga mata niya. Kanina pa gustong kumawala ng puso ko. Dinig na dinig ko ang bawat pagtibok nito.

"Malinaw ang pandinig ko pero gusto ko pa rin makasigurado... tama ba 'yong mga sinabi mo? Mahal mo ako, Xiang?"

Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Totoo ba ang mga sinabi mo, Xiang? Ako ang nilalaman ng iyong puso?"

Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Ayoko na sana siyang sagutin pero nandito na 'to e, "Ha? A-ano... kasi..."

"Paano nangyari 'yon? Hindi ba si Liam ang mahal mo? Paanong ako na ang laman ng iyong puso?"

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makita ang mga mata niya. Gusto kong malaman kung anong nararadaman niya sa pamamagitan ng kulay nito. Kulay bughaw pa rin ito. Ibig sabihin lang ay walang pagbabago sa kanyang emosyon. Ibig sabihin lang din siguro ay hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ko. Ano ba kasing naisip ko? Bakit ko ba 'yon nasabi? Alam ko na naman ang isasagot niya.

Isang malaking pagkakamali 'tong ginagawa ko.

Tumawa ako nang malakas at tinulak ko siya palayo sa akin, "Huli ka! Prank lang 'yon, no! Naniwala ka naman?"

"Prank?" Nakakunot ang noo niya. "Ibig sabihin ay hindi iyon totoo?"

Iniwasan ko muli siyang tignan dahil marunong siyang tumingin kung nagsisinungaling ba ang isang tao o hindi.

"Oo, testing lang, baka sakali kasing hindi ko na nga talaga mahal si Liam pero mahal ko pa rin pala."

Isa 'yong malaking kasinungalingan. Hindi ko na talaga mahal si Liam, alam ko 'yon sa sarili ko pero kailangan kong magpanggap.

"Dalang dala ka ha? Akala mo ba mahuhulog ako sa isang fictional character lang? Ano ako, hilo?"

Oo hilong hilo na ako.

"Oo nga pala... isa lang akong fictional character."

Mukhang nasaktan siya sa mga sinabi ko dahil sa pagbagsak ng mga labi niya pababa pero ayoko nang alamin pa ang totoong dahilan dahil baka kung ano pa ang isipin ko. Baka isipin ko pang nasaktan siya dahil binawi ko 'yong mga sinabi ko na mahal ko siya. Pero baka dahil sa sinabi ko na fictional character lang siya.

Kailangan kong linawin ang sarili ko, "Pero sa isang banda, hindi talaga 'yon ang ibig kong sabihin. Uhm... ibig ko lang sabihin na magkaiba 'yong mundo natin kaya hindi ako pwedeng mahulog sa'yo."

"H'wag kang mag-alala, Xiang, naiintindihan kita." Ngumiti siya nang bahagya. "Tama lang na h'wag kang mahulog sa 'kin dahil hindi ko rin naman iyon maibabalik sa'yo."

Expected ko na kahit papaano na ganito ang sasabihin niya pero masakit pa rin pala na marinig ko iyon ng harap harapan. Nanghina ang mga tuhod ko at nagbabantang tumulo ang mga luha sa mata ko. Parang pinapasok ang magkabilang pisngi ko.

Labanan mo 'yan, Serenity. H'wag kang iiyak sa harap niya. H'wag kang magpapahalata, nakalusot ka na.

"Ikaw ang gumawa sa 'kin, hindi ba? Kaya alam mo kung gaano ko kamahal si Weiming at kung gaano ako katapat sa pagmamahal ko sa kanya."

Sinara ko agad ang mga kamao ko para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko pero sa nga sinabi niyang 'yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon