Kabanata 8: Lost

134K 5K 806
                                    

Lost

Grabe magalit si Scion, talagang matatakot ka.

Pero dapat ba talaga siyang magalit? Totoo naman ang sinabi ko na hindi siya ang nararapat para kay Weiming.

"Ang ayoko sa lahat ay 'yong binabastos ako! Hindi ba ako ang pinahawak mo sa pinakamataas na posisyon ng hukbo? Alam mo dapat kung paano ako galangin!"

Ang respeto hindi 'yan basta binibigay lalo na sa isang taong arogante at walang kasing sama!

Kaya lang naman kita ginawang Colonel para naman kahit papaano may ibuga ka kay Chaun pero hindi ka naman talaga nararapat sa posisyon na meron ka!

Gusto ko 'yan ipagsigawan sa kanya pero mas lalo ko lang ipapahamak ang sarili ko kung gagawin ko 'yon. Kailangan kong maging mabait sa kanya kung hindi torture ang abot ko sa nilalang na 'to. Buti sana kung mapunta ako sa mundo nila para makita ko na si Chaun pero hindi, eh.

Hindi ko nga alam kung mabait na ba talaga akong tao para mapunta ako sa langit.

"Pasensya na, nadala lang ako ng emosyon ko. Kung ano-ano kasi 'yong sinabi mo sa'kin na hindi maganda," depensa ko.

Kapag sila ang nagkatuluyan, aba kawawa lang si Weiming sa kanya. Kahit character lang siya sa libro na sinulat ko ay napamahal na rin naman siya sa akin. Feeling ko kasi talaga, ako ay siya.

"Patawarin mo na ako, hindi ko na uulitin 'yong mga sinabi ko."

Hindi ko na-imagine ang sarili ko na humihingi ng tawad sa mga gagong tao na katulad ni Liam, este ni Scion. Sa totoo lang, bagay silang dalawa na magsama. Birds of the same feather makes a good feather duster.

"Kung ako sa'yo, itikom mo na lang 'yang bibig mo kung ayaw mong masaktan," inangat niya ang kamay niya at para bang may sasaluhin siyang isang bagay.

"Asan na?" Tanong niya sa sarili niya sabay lingon sa likod. "Asan na ang libro?"

Mukhang ima-magic niya ang libro papunta sa kamay niya pero nakakapagtaka na hindi 'to napunta sa kamay niya.

Lumapit siya sa kama at hinalughog ang bawat sulok nito para hanapin ang libro ng Polaris pero wala talaga.

Nasaan na ang libro? Nasa kama lang 'yon kanina, ah.

Tumingin siya sa akin at pakiramdam ko sa akin niya sisihin ang pagkawala ng libro, "Saan mo dinala ang libro?"

Sabi na nga ba, eh.

Kitang kita naman niya ako sa harapan niya kanina, 'di ba? Paano ko makukuha ang libro?

"Anong ako? Wala akong ginagawa! Ang layo ko sa libro 'di ba? Ikaw ang may hawak no'n, eh!"

Lumapit siya lalo sa akin at tinitigan niya ang mata ko. May kakayahan si Scion na makaramdam kung nagsasabi ba ang isang tao ng totoo o nagsisinungaling lang ito sa pamamagitan ng pagtitig niya sa mata nito. Hindi man isang daang porsyentong sigurado pero malapit na do'n at kahit kailan ay hindi pa siya nagkamali.

Ginawa ko 'yon dahil may isang parte sa istorya ko na napilitan si Weiming na maging kasintahan si Scion. Sa tuwing tinatanong ni Scion ang prinsesa kung mahal ba siya nito, sinasabi ng prinsesa na oo dahil kailangan pero ang totoo ay si Chaun talaga ang mahal niya. Ginawa ko 'yon para saktan si Scion.

Masakit kaya na sabihin niyang mahal ka niya pero ang totoo, ibang tao naman talaga ang mahal niya.

Hinugot ko talaga 'yan sa ginawa sa akin ni Liam. At least sa libro man lang, makabawi ako sa kanya sa pamamagitan ni Scion.

Tumalikod siya sa akin.

Siguro napagtanto niya na nagsasabi nga ako ng totoo. Gusto kong mapasaakin ang libro para maibalik ko na siya sa mundo nila pero wala talaga sa akin ang may sa malignong libro na 'yon.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now