Kabanata 38: Nararamdaman

Start from the beginning
                                    

Agad akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya. Bahala na kung magmukha akong tanga at baliw. Ayoko lang talagang makita niya akong umiiyak.

"Xiang! Sandali lang!"

Binilisan ko ang pagtakbo ko. Inisip ko na hinahabol ako ng snatcher sa kanto na may dalang malaking balisong na nakahanda ng saksakin ang puso ko.

Pinahid ko agad ang mga luha ko. Baka kasi bigla siyang mag shunyi sa harapan ko at—

Ito na nga, ginawa na niya, "Xiang! Anong problema? Bakit bigla ka na lang tumakbo palayo sa akin?"

"Ah... kasi... ano..." piniga ko na lahat sa utak ko para makahanap lang ako ng idadahilan sa kanya. "Nauutot na kasi ako kaya lumayo agad ako sa'yo. Mabaho kasi kaya nahihiya ako."

Humawak siya sa tiyan niya at humagalpak sa tawa. Kanina parang ang lungkot niya pero ngayon parang naiiyak pa siya sa pagtawa.

"Ikaw talaga ang lakas mo magpatawa. Isa 'yan sa hahanapin ko kapag bumalik na ako sa mundo namin."

Mula sa mga paa ko ay umakyat ang panlalamig sa buong katawan ko.

"Pero seryosong tanong, mahal mo pa ba si Liam?"

Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. Ilang beses pa ba niya itatanong iyon sa 'kin? Ang hirap magsinungaling, "Slight lang ganyan pero h'wag mo na muna ako tanungin tungkol sa kanya kasi baka mag-alala pa ako lalo sa kanya."

"Tingin mo ayos lang siya sa ngayon?"

Ayan din ang iniisip ko. Hindi ko na nga siya mahal pero mahalaga pa rin naman siya sa 'kin. Siya pa rin ang unang lalaking minahal ko.

"Hindi ko alam pero ayon ang hinihiling ko, na sana ayos lang siya. Sana walang ginawang masama sa kanya ang sarili niyang ama." Hinawakan niya ang braso ko at tska niya ito pinisil pisil. Malakas ang kiliti ko roon kaya napaliyad ako, "Sorry, malakas 'yong kiliti ko d'yan kaya h'wag mo masyadong diinan."

Kinamot niya 'yong ulo niya at napayuko. Ang kyut niya kapag parang napapahiya siya, "Pasensya na. Gusto ko lang naman na mawala ang pag-aalala mo."

"Alam ko 'yon kaya salamat. Gagawin ko ang lahat para makabisado ko na ang kapangyarihan ng Yang. Para na rin matalo na natin si Haring Midas at matapos na ang lahat ng ito."

"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Xiang. Isa pa hindi ka naman nag-iisa dahil nandito kami para sa'yo."

"Salamat, Scion."

➖➖➖➖➖➖

MASAYA ang lahat na nagsasalo salo sa hapunan. Kung titignan ay simple lang ang pamumuhay nila rito. Walang stress at walang polusyon.

Kung hindi lang siguro namatay ang mga magulang ko ay dito pa rin kami maninirahan. Baka ngayon ay marunong na ako magmahika.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Scion. "Kanina ka pa tulala at hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo."

"May naisip lang ako," sinimulan ko ng kainin ang inihanda nila Kuya Sanchi. Sopas na gawa sa mga kulay puting kabute. Ngayon lang ako nakakain nito pero masarap siya. Malapot ang sabaw at nakakabusog kahit kapirasong laman lang. "Ang saya sana kung kasama ko pa rin ang magulang ko."

"Kung nasaan man sila ngayon ay panigurado akong masaya sila dahil mayroon silang mabait at matapang na anak."

"Sana nga masaya sila ngayon at sana hindi ko sila mabigo," tinignan ko muli ang kwintas na ibinigay sa 'kin ni itay. "Sana proud sila para sa 'kin."

"Sigurado akong ipinagmamalaki ka nila."

Hindi ko naiwasan na mapatitig sa mga niyang kulay bughaw. Sa sobrang tingkad ay para itong umiilaw. Kung pwede nga lang na buong magdamag ay titigan ko lang siya.

Polaris (Published under IndiePop)Where stories live. Discover now