"Ayown may gitara si Sir Xavier"si Tito Klyde na inalalayang umupo si Tita Vanessa.

"Susko po Klyde Cortez!last na 'toh,bubugbugin na kita pag binuntis mo pa ko"inis na sabi ni Tita kaya mahina akong napatawa.

"Akalain mo apat na agad yung sayo"sabi ni daddy na tumabi kay mommy.

"Ganun talaga pag masipag,ikaw ba boss wala nang balak"nataas taas pa ang kilay ni Tito Klyde.

"Ayaw na ni Lexi 'eh"si daddy na inakbayan si mommy.

"Pwede ba!mahiya naman kayo may mga bata oh"sabi ni mommy na tumingin samin kaya nagpatay malisya kami.

"Mga nakakadiri kayo"iiling iling pang sabi ni Tito Xavier na nag strum ng gitara.

"Palibhasa wala kang ma----HMP!"agad tinakpan ni mommy yung bibig ni daddy.

"Mahiya ka naman sa mga kaibigan ng mga anak mo"si mommy na tumingin sa direksyon nila Pabi na kunyare ay hindi nakikinig.

Bigla namang dumating si Drei na may hawak na bote ng San Mig."Bat nag-iinom ka!"suway ni mommy kaya nagpout si Drei.

"Ate Lexi naman 'eh!minsan lang naman po 'eh"sabi ni Drei na inubos na yung laman nung bote,dun pumasok ang ideya sa isip ko.

"Akin na yan!Truth or dare tayo"masayang sabi ko.

"Game!"si Sean,tinaasan ako ng kilay ni Khalex.

"Seriously?"

"Minsan nalang toh!wag kang KJ,ibabato kita sa dagat"hamon ko sakaniya.

"Gawa"sabi niya na nakaamba ang kamao sakin.

"Sabi ko nga joke lang yun"nakapout na sabi ko.

"Game kuya kei!pag nag dare hahampasin ko ng bote sa ulo"si Kairen na nakataas pa ang kamay."Sample ko na ngayon sayo"

"Sayo muna bago sakin"

"Ako muna!maghihiganti lang ako"

"Ayoko nga!"naghalukipkip pa ko.

"Bakla ka naman"pang-aasar niya.

"Tomboy!Tomboy!"

"Bakla Bakla"

"Tomboy ka!"

"Bakla ka!Bakla si kuya kei!bakla si Kuya kei"

"Tomboy nyenyenyenyenye"nag faface palm na ko at inaasar siya.

"Wala bakla ka talaga!"

"Tatay mo bakla!"inis na sigaw ko sakaniya,dun ako napatingin kay daddy na masama ang tingin sakin.

"Wag mo kong tawanan Lexi!"inis na sabi ni daddy.

"Eh bakla ka daw e"natatawang sabi ni mommy.

"Gusto mong dalhin kita sa CR"nakangising sabi ni daddy kaya nawala ang ngiti sa labi ni mommy.

"Owwwww part two"sabay na buyo nila Tito Xavier at Tito Klyde.

"Basta bakla ka!"si Kairen na nakahalukipkip.

"Tumigil na nga kayo diyan at baka mamaya ay magsuntukan na kayo dyan"sabi ni daddy na inagaw sakin yung bote.

"Game,truth or dare!if you choose truth you must answer it honestly and no lying and if you choose dare you---"pinutol ni Kairen ang pagsasalita ni daddy.

"Pag nag dare itutulak sa bonfire,sample natin si Kuya Kei"

"Ang sadista mo ah!ano suntukan!"hamon ko sakaniya kaya tinaas niya ang manggas niya habang nakalabas ang kamao.

"Game"maangas na sabi niya kaya kinurot siya ni mommy sa tagiliran.

"Tumigil ka ng bata ka"sabi ni mommy na pinaupo si Kairen.

"As i said if you choose dare,you must do whatever we ask you to do"sabi ni daddy na hinawi pa ang buhok bago ipuwesto yung bote,kumorte kami ng pabilog kaya sinimulan ng paikutin ni daddy yung bote.

Tumapat yung ulo ng bote sakin at yung pwetan kay Kairen kaya malapad siyang ngumisi."Truth or dare"

"Truth"

Umasta siyang nag-iisip bago magsalita."Sino ang gusto mo saming tatlo nila Ate Pabi"sabi ni Kairen na nagpa cute pa.

Tumingin ako kay Pabi na natikhim at tumingin ako kay Khalex na nakahalukipkip.Napakamot ako sa ulo ko habang paulit ulit na nagpapalipat lipat ng tingin sakanila.

Tumingin ako kay Kairen at ngumiti kaya ngumiti din siya."Syempre ikaw!ang hindi ko pipiliin"matamis na ngiti ang binigay ko sakaniya kaya sinamaan niya ko ng tingin.

Siya naman ang nagpaikot ng bote at saktong tumama kay Tito Xavier at Tito Klyde."Truth or dare"tanong ni Tito Xavier.

"Dare"taas noong sabi ni Tito Klyde.

"Batukan mo si Kaizer"nakangising sabi ni Tito kaya napahagalpak kami ng tawa ng mamutla si Tito Klyde.

"Naku po!ayoko pang mawalan ng buhay"sabi ni Tito Klyde na parang nagdadasal."Iba nalang Xavier"ungot ni Tito.

"As Kaizer said you must do whatever we ask you to do"nakangising sabi ni Tito.

Tumingin naman siya kay daddy na umaastang nagkakasa ng baril."Ano gawin mo na"sabi ni Tita na tinulak pa si Tito.

"Truth nalang"

"Di pwede"

"Ihhh naman eh"umastang nag tatantrums si Tito.

"Ayos pala 'tong mga Tito mo eh"bulong ni Evan.

"Batukan na yan!batukan na yan!batukan na yan!"paulit ulit na sabi namin habang nakatingin kay Tito.

"Go na Klyde!my Kaizer won't hurt you"natatawang sabi ni mommy na hinihimas himas pa ang ulo ni daddy.

Unti unting naglakad palapit si Tito kay daddy at nang makalapit na siya ay nagpatunog ng kamao si daddy."Boss naman e parang walang pinagsamahan"

"Hit me"hamon ni daddy."I won't cause you harm"sincere na sabi ni daddy.

"But i will break your hands"mas lalong bumakas ang takot kay Tito kaya patuloy lang kami sa pagtawa,kung makikita niyo lang kasi yung muka niya.

"Ayoko na po"

"Inaano ba kita?"natatawang ni daddy.

"Sige na,hit me"sabi ni daddy kaya unti unting lumapit yung kamay ni Tito sa batok ni daddy at mahinang hinampas yun.

"Ayown HAHAHAHAHA"tuwang tuwa na sabi ni Tito na muling bumalik sa pagkakaupo niya

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now