fifteen ** Date Crasher

1.4K 37 1
                                    

Fifteen** Date Crasher

(Chad POV)

"What are we doing here ba ate? Kailangan ko pang puntahan si Ate Ellie for the script tapos kinaladkad mo na ako dito. Kung nagugutom ka lang pala eh di sana nagpadeliver na lang tayo. Perwisyo ka pa eh." Iritang sabi ko habang siya kanina pa palingon lingon na akala mo isang spy.

"Magtigil ka nga muna lil bro nasa do or die situation tayo kaya pwede ba manahimik ka bago ko plasteran bibig mo." Sabi niya na hindi man lang tumitingin sakin. Mukha tuloy siyang tanga na pasilip silip sa bintana ng isang shop. Hindi ko alam kung sino ang sinisilip niya pero may kutob ako na gagawa na naman siya ng hindi maganda and take note balak pa niya akong isama para maisakatuparan ang balak niya.

"Sino ba kasi ang hinahanap mo? Bakit hindi na lang tayo pumasok sa loob. Nagmumukha ka lang tanga ditto sa totoo lang." Sabi ko.

"Hinahanap ko lang naman ang leon na paaamuhin ko wahahahaha." She said with a creepy laugh kaya pinagtinginan kami ng mga dumadaan. Thank god at may cap and shades ako kundi baka masira ang image ko dahil sa kasama ko.

"Alam mo ate kung di ko alam na ganyan talaga ang ugali mo iisipin ko na kailangan mo ng ipasok sa mental." Sabi ko sa kanya pero siya tumawa lang. What do i expect with this crazy sister of mine.

"OMO There they are." She giggled.

"Sino ba kasi yun?" Takang tanong ko kaya sumilip na din ako. Biglang nanalaki ang mata ko sa nakita ko. Tell me that my sister is not that insane as what I think she is."don't tell me."

"Yep my dear brother. We are going to interfere in their date. This is the thrilling part here." She said with sparks on her eyes. Ngayon alam ko na na baliw na talaga ang kapatid ko.

" Ate are you insane? No way!" I said contradicting her.

"Yes way Chad this is the only way to get what is yours and what is going to be mine." She said eyeing at Dee with full of determination. WTF she likes Dee? Since when?

"You mean Dee?" Tanong ko kasi ayaw talagang magprocess ng thought sa utak ko.

"Yeah that boy is a hard to get one. He's so snobbish. And I will do whatever it takes to tame him. Siya lang ang lalaking gumawa sakin nun and that's why I'm thrilled on him." Paliwanag ni Ate pero di ko maintindihan. What's the big deal on that? Ano naman kung hindi siya pansinin?

"So here's the deal. Ikaw bahala sa babae mo after kong makuha ang pakay ko. So wait mo lang na makaalis kami then that will be your go signal okay?" And with that she left me dumbfounded. Paki paalala nga sakin na kapatid ko yan. Di kasi ako makapaniwala na may kapatid ako na ganyan mag isip.

Pinanood ko lang silang mag away sa harap ng counter since hindi ko naman marinig ang pinag uusapan nila. Pero looking at Dee mukhang naiirita siya sa ate ko. Well sino bang hindi maiirita sa kanya eh ako nga naiirita din paminsan minsan.

After ilang minutes nakita ko na siyang kinakaladkad si Dee. Tsk tsk poor Dee hindi man lang makapalag. My sister is a blackbelter in Judo so yung strength niya ay hindi na nakakapagtaka.

Pumasok na ako sa shop and ordered 2 slice of Nikki's favorite flavored ice cream cake. It takes time for me to have the courage to approach her pero nung nilapitan ko siya hindi man lang niya ako tiningnan. I felt like my heart break into pieces pero i never lose hope until she allowed me to sit on the vacant seat supposed to be for Dee.

"Y-you." Sabi niya nung makita na niya ako. I can't say anything. Baka madulas pa ako at masabi sa kanya na pinlano ito ng magaling kong kapatid. I just smiled to her. A sincere one.

Hidden PersonalityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang