eleven** Press Con

2.3K 58 1
                                    

Eleven** Press Con

(Nikki POV)

"Talaga bang you're ending up your private life? Are you sure about this Niks?" Sabi sakin ni G. Well alam ko naman na nagwoworry siya sakin. She's like a sister to me that i never had a chance to have.

"Alam mo Gianna Rein nangyari na eh, Anong gusto mong gawin ko? Papasok ako bukas sa school tapos sasabihin ko na joke lang lahat. Sasabihan ko sila ng 'Congratulations You are Pranked!' Ano yun best nakita na nila mukha ko as Eef tapos itatago ko pa? Sigurado akong kalat na nyan sa buong school kung sino talaga ako. Wala na akong takas G.." Sabi ko sa kanya trying my best to calm her since kanina pa niya gustong sugurin si Dee. Hindi namn ako galit kay Dee. Infact I'm thankful to him dahil tinulungan niya akong lumaban sa mga taong nananakit sakin. Siguro nga tama na ang lahat ng pagpapanggap. Tama na ang pagtatago ko. It's time for them to know who I am. The real me that is always hiding in big eyeglasses.

"No. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin Niks. Ang akin lang ay dapat umiwas ka sa gulo lalo na at wala ako sa tabi mo. Look at this laman na sa balita ang buhay mo. Imagine all this time nahihirapan ang media na hanapin ka while off cam tapos ngayon alam na nila kung saan ka mahahanap. Hindi na magiging katulad ng dati ang buhay mo. Bawat galaw mo may kasunod ka ng media. I thought ayaw mong ganun?" She asked me full of concern.

"They provoke me Gianna. Ayaw ko din naman ng gulo pero anong nangyari? Naakusahan pa akong naglalandi ng dalawang models nila. They hurt me at umabot na ako sa point na I need to protect myself. Thanks enough Dee is there on time to ave me." Sabi ko pero wrong move ata dahil kulang na lang mag apoy na yung mata niya sa galit.

"Naku mapapatay ko talaga yang Jaimee na yan. Aba best hindi ikaw ang malandi, siya yung malandi. Kulang na lang ipagsisikan ang sarili kay Chad. Eh ang mukha naman waley. Kung ikukumpara lang naman sayo eh mas maganda pa ang tungki ng daliri mo. Tapos may gana siyang saktan ka habang wala ako. Naku susugurin ko na yan. Kakalbuhin ko para matauhan na. Isa pa yang Chad na yan hindi man lang mapahinto babae niya. Palibhasa babaero na sinungaling and take note pafall pa. Jusko bakit ba may mga taong ganyan sa mundo. Nasaan na ang hustisya nasaan na ang pag asa ng bayan. Wala na as in waley na. Eh kung pag buhulin ko kaya silang dalawa. Tapos yung mga muntangang studyante naman nag pauto sa bruha. Ano bang nangyayari sa mundo epekto ba ito ng global warming. Eh kung sila kaya sunugin ko kaloka." Frustrated na sabi niya.

"Hey Sy I think you need to tie your girl already since she's in her emotional stage right now. I guess you don't wanna see her inside the jail." Sabi ni Dee kaya sa kanya nabaling ang galit ni G.

"Hoy lalaki kung katulad mo lang naman ang papatayin ko mukhang sasaya ako pagpasok ko sa kulungan kaya wag mo akong sagarin kung ayaw mo pang mameet si satanas kasi ready na siya na makita ka." Sabi ni G while walking to their direction. Buti na lang at maagap si Sy at nahila na niya palabas ng Condo ni Dee si G kung hindi sigurado ako na magkakagyera dito sa condo ni Dee.

"Now i know kung paano kayo nagkasundo sundo nila Miss E at G. You all shared the same attitude. I guess next na susugod dito ay si Miss E checking your whole body if you have scratches and wounds. I'm thankful that my condo is a soundproof one or else kanina pa tayo kinalampag ng mga kapitbahay ko dito." Nakasmirk na sabi ni Dee sitting pretty on his sofa set.

"Alam mo Dee akala ko bumait ka na. Kasi during my hospital days you're so kind pero ngayon anyare?? Bakit sungit mode ka na naman? Ano bang nakain mo nung mga nakaraang araw at bumait ka? Baka sakaling pag yun pinakain ko sayo araw araw eh bumait ka na ng tuluyan."Sabi ko sa kanya pero siya natawa lang. Aba anong nakakatawa sa sinabi ko? Eh magkasundo nga kami kapag mabait siya kaya lang ngayon tinopak na naman siya.

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now