twenty four** Finding Chad

1.2K 31 0
                                    

(Nikki POV)

Inhale Exhale. This is it wala ng urungan ito. I need to find Chad. I need to clear everything. Tama na ang paghihintay. This time, ako naman ang gagawa ng paraan para magkita kaming dalawa. I just hope na his feelings never changed.

Lumabas na ako ng Incheon Airport. Korea is still Korea. Hindi ko alam kung ako lang pero madaming tao ang nakatingin sakin ngayon. Just like what happened few years ago nung first visit ko dito. Pero everything is changed now. Hindi na ako isang model like i used to be before. In fact ako na ang naghahanap ng mga bagong models para sa mga collection ko. I'm a designer now. Kaya nakakapagtaka kung bakit nila ako tinitingnan like I'm an idol.

"Annyeonghasaeyo Unnie. You're Miss Eef right? I'm a big fan of yours. Can I have an autograph from you? Please." Sabi nung isang babae na lumapit sakin. So hanggang ngayon kilala pa pala ako as Miss Eef. I smiled to her and sign her notebook. She giggled and went back to her group with a big smile on her face. I guess people here never changed.

I hail a taxi and tell the driver where to go. My apartment is not that huge. It's actually cute. Kinakabahan nga lang ako knowing na sa tabi lang nito ang tinutuluyan ni Chad. Silipin ko kaya kung nasa loob siya? Abangan ko na lang kaya siyang lumabas. Hala parang stalker naman ako nun. Aisst bakit ba ngayon ko lang naisip ito. Ano nga bang gagawin ko sa oras na magkita kami.

Sasabihin ko bang "hi". O di kaya naman ay "ui Chad ikaw pala yan kamusta na." Parang ang OA naman kung ganun. Eh kung "Chad i miss you" parang ang clingy naman. Yakapin ko kaya? Eh kung sapakin ko kaya sabay sigaw ng "how dare you". Jusko mababaliw na ako. Bakit ba hindi ko naisip ito. Paano na. Huwag na muna kaya akong magpakita. Sundan ko na lang kaya siya? Kasi diba baka may gf na pala siya tapos eepal pa ako. Magmumukha lang akong tanga pag nagkataon. Pero di ba sabi niya hihintayin ko lang siya. Wala naman siguro siyang gf dito. Pero paano kung waaahhh tama na nga. Think positive Nikki.

For now magpapahinga na muna ako. Kailangan ko ng lakas. Pati na lakas ng loob kung sakali man na magkita kami ni Chad. Hayyy Chad naman kasi eh.

--

Nakatayo lang ako sa likod ng gate ng apartment ko. Feeling ko nga mukha akong magnanakaw o di kaya naman e akyat bahay gang. May ganoon ba dito sa Korea? Baka naman maireport ako sa pulis nito. Aabangan ko lang naman si Chad. Kasi ano. Kasi gusto ko siyang makita waahhh. Ganun ko siya kamiss kaya lang kaya nasa likod ako ng gate kasi di pa ako ready na makipagkita sa kanya.

Hindi ko pa kayang harapin siya sa ngayon. Parang kahapon lang ready na akong makipagsapalaran pero bakit ngayon kinakabahan at pinaghihinaan na ako ng loob. Waahhh Chad.

May narinig akong nagbukas ng gate kaya dali dali akong sumilip sa gate na pinagtataguan ko. May nakita akong lalaking lumabas wearing black jeans, gray v-neck shirt, black jacket, white scarf, gray cap at rubber shoes. Mukha siyang artista. Siya na ba ito. Pisti naman kasi bakit nakatakip yung mukha niya dun sa scarf. Tapos may shades pang nalalaman. Pero ang hot niya. Si Chad na ba talaga ito?

Pagkasakay niya ng car niya sumakay na din ako ng taxi na kanina pa naghihintay sa harap ng apartment ko.

"Manong sundan mo yung kotse na yun. Dali faster dyan nakadepende ang buhay ko. Go manong go." Sabi ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako na parang nababaliw na. Oh sh*t nasa Korea nga pala ako. "Ah hehe ahjussi follow that car as fast as you can." Sabi ko sa kanya at napatawa na lang siya. Huh anong nakakatawa?

"Sasaeng?" Tanong niya. What the.. Hindi ako sasaeng noh. Sa ganda kong ito manong. Yung totoo anong gusto nito war o gulo este gyera pala.

"Of course not ahjussi. That's my boyfriend and I need to know if he's cheating." Sabi ko with a smile. What the f. Bakit ko ba nasabi yun. Natawa tuloy si Manong. Waaahhh Nikki naman mag isip ka nga muna bago ko magsalita ng kung ano ano.

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now