two** His Revenge

2.6K 75 0
                                    

(nikki POV)

I'm on my way to the Principal's Office. Nakareceive kasi ako ng message galing sa mga classmates ko na kailangan ko daw pumunta dun ngayon.

Well hindi naman ako kinakabahan, hindi naman kasi nakakatakot si Pricipal. Mabait yun eh, hindi ko nga lang alam kung san nagmana si asungot/dragon/demon na yun. Di man lang nakakuha ng good genes kay Principal.

"Good morning Sir." sabi ko pagkapasok sa office

"Nandito na pala ang top 1 ng department ko. Umupo ka muna Nikki."- Principal

"Thank you po Sir."- ako

"Alam mo naman siguro yung nangyari kahapon di ba."

"Ah about that po, sorry po sa ginawa ko sa anak niyo."

"It's okay iha, pero hindi naman tungkol sa nangyari kahapon ang dahilan kung bakit kita pinatawag."

"Po?"

"Napag isipan kasi ng council na ang mga top students ay ihalo sa mga normal sections para kahit pano naman ay may maishare kayo na kaalaman sa kanila. Sa ganoong paraan mas magiging mabilis ang pag intindi nila sa mga topic."

"Ah ganun po ba Sir. Sige po, pero saang section po ako nakaassign?"

"Sa section J. Hope you have a good time, dun kana papasok ngayon. You may go."

"Sige po Sir."

Parang iba ang aura ni Sir. Ngingiti ngiti ehh, ang weird. Nandito na ako sa tapat ng pinto g rom ng section J. Kinakabahan ako dito pano alam ko puro lalaki sila dito.

Hingang malalim. Kalma lang Nikki.. AJA..

Pagpasok ko sa room... WATTDAPAKK.... May nabuhos sakin na tubig.

As in Ice cold Water. Tapos naka full power yung aircon. Takte sakitin pa naman ako. Huhu.

"Welcome to our class Nerd!!"- chad??

Takte kung alam ko lang na dito siya eh di sana di na ako pumayag sa lintik na change class na to.

"Welcome your ass. Stupid Demon."

"May sinasabi ka ba?"- Chad

"Ah wala sabi ko thank you sa napakagandang pag welcome. Hiyang hiya naman ako nag abala pa kayo* insert sarcastic tone*"

"Mabuti naman at nagustuhan mo maupo kana dito sa upuan sa tabi ko. *insert sarcastic tone* friends naman tayo eh"

Narinig ko na lang na nagchuckle yung mga classmate namin. Ang great nila grabe. Nakakatuwa. Pisti.

Buti na lang pala at may towel ako sa bag. Nagpunas na lang ako ng mukha at katawan di na din ako aabot kung magpapalit pa ako sa locker.

"Hi I'm Nikki Faye Numirez nice to meet you all." pagpapakilala ko sa kanila nung pinapunta ako ng teacher namin sa harap.

Pinilit kong maging normal kahit na medyo nahihilo ako.

Lumipas ang mga oras at last subject na namin. Math Class na.

"Mr. Hamilton mababa ang mga grades mo ngayon. I think kailangan mo ng tutorial. And I bet Ms. Numirez is the best tutor for you. You two can start today that's all goodbye class." yan ang huling salita ni Sir na hinihiling kong sana hindi na lang niya sinabi.

"So pano ba yan kailangan mo akong turuan ngayon.*insert smirk*"- Chad

"Yeah. Antayin mo na lang ako sa library. Magpapalit ako ng damit ko sa locker. Hiyang hiya naman kasi ako sa pagwewelcome niyo di ko na nagawang makapagpalit pa ng damit."- ako

Kahit na nahihilo na talaga ako pero pinipilit ko pa din makapunta sa locker room. Magpapalit na sana ako ng damit ng biglang * black out*

end**

(Chad POV)

Earlier..

Nandito ako sa harap ng office ni Dad. Wala lang trip ko lang dito tumambay.

Aalis na sana ako nung marinig ko yung pag uusap nila nung tanga kahapon. So siya pala ang mapupunta samin. Talagang tadhana na ang naglalapit sakin sa nerd na yun para mabully ko siya. Mukhang masaya to.

Nagmadali akong pumunta sa room at nagpakuha ng madaming yelo at tubig. Pinasagad ko din yung lamig ng aircon. Nung nakita ko siya sa harap ng pinto. Pinalagay ko na sa tapat ng pinto yung tubig na may yelo. Hahaha it's payback time.

Nabasa siya gaya ng inaasahan. Umupo siya sa tabi ko at nagpunas. At base sa plano ko lahat ng gagawin namin sa school ngayon pinagawa namin sa kanya, kaya di na siya nagkaroon ng time para makapagbihis pa.

Nataon pa na kailangan niya akong itutor. Malas lang niya dahil ako ang binangga niya.

---

4:00 ang uwian namin takte 5:00 na wala pa siya. Nilamon na ba siya ng locker kaya nagtagal siya ng isang oras?

Napagdesisyonan ko na puntahan na siya para matapos na yung tutor na yan. Madilim sa loob ng locker room. Mukhang walang tao? ehh asan siya?

"Nerd?"

"tanga?"

"panget?"

"Hoy nandito kaba?"

Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Pumasok ako sa loob ng locker at hinanap siya ng parang may nasipa ako. Tinry kong aninagin kung ano yung nasipa ko at

Wattdapak si Nerd ito ah. Bakit dito siya natutulog?? Ano na naman ang trip ng babaeng to??.

"Hoy nerd gumising ka nga dyan!!" sigaw ko sa kanya habang sinisipa kaya lang wa epek.. Humihinga pa ba ito?? Bakit di gumagalaw.

"Hoy Panget tama na ang drama di yan nakakatawa. Bumangon kana nga dyan. Kung kala mo makakatakas ka sa pagtutor mo sakin nagkakamali ka. Kaya bumangon ka dyan."

Wala pa din. No choice. Pinoke ko yung pisngi niya.

"AWWW SHIT BAKIT ANG HOT MO!!. i mean ang init mo"

SHEEEEEET NAHAWA NA BA AKO SA PAGIGING TANGA SA KANYA?? NATURAL KAYA MAINIT SIYA EH DAHIL MAY LAGNAT SIYA..

bubuhatin ko na sana siya nung biglang malaglag ang eyeglasses niya at

PUTAKTE AKO YATA ANG NILALAGNAT.. BAKIT NAGING MAGANDA SA PANINGIN KO TONG NERD NA TO.

dug- dug- dug- dug

ehh ang weird ng heartbeat ko..

Aist pahamak tong babae na to anong gagawin ko dito!!.

ceikret

**edited June 16, 2015

ai wo

Hidden PersonalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon