Twenty nine** Last Chapter

1.5K 37 0
                                    

(Chad POV)

"So you're telling me na yung babaeng sinasabi ni Nikki na kayakap mo ay isang colleague mo during college days at ang last client mo? So you mean ang lahat ng ito ay mis understanding lang ng dahil sayo. Kasi kung binigay mo lang sana sa akin ang tamang address mo edi sana napuntahan ka agad ni Nikki. Nagkita na sayo kayo at happy ending na pero dahil sa tanga ka, minali mo ang address mo kaya ngayon ang pagkakaalam ni Nikki ay may mahal ka ng iba kaya siya nag momove on na sa pamamagitan ni Sungmin na halata namang may gusto sa kanya. As in head over heels sa kanya. Sino ba naman kasing di magkakagusto kay Nikki ay ubod ng ganda ng bata na yun. Ang tanga mo nga lang at pinakawalan mo pa siya." Sermon sakin ni Ate Ellie habang nandito kami sa loob ng conference room. Nandito din si Kuya Evron para daw mapigilan si Ate kung magwala na naman at manira na naman ng mga gamit. Kaming tatlo lang ang nandito dahil hindi pinayagan ni Kuya Evron na pumasok si Gianna dahil alam niyang magwawala lang din ito.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tumango dahil kanina pa kami paulit ulit at parang hanggang ngayon ay hindi pa din na po-process ni Ate Ellie ang lahat ng mga nangyari kaya hanggang ngayon ay para bang kailangan pang ulit ulitin bago niya maintindihan. Minsan talaga ang slow maka pick up ni Ate.

"Anong gusto mong gawin ngayon? Magpapakita ka na lang kay Nikki basta basta. Tingin mo ba papaniwalaan ka pa niya. Kung nakita mo lang siya nung araw na dumating siya dito ay para bang mawawalan na siya ng katinuan. Baka tuluyan ng mabaliw iyon ngayon kung basta basta ka na lang magpapakita. We need to think of a plan na yung tipong wala na siyang magagawa pa. Yung di na siya makakaiwas sayo. So that kahit ayaw niyang tanggapin ang sasabihin mo ay no choice na siya." Napangiwi na lang ako sa sinabi ni Ate. Parang ang tunog kasi sakin noon ay pipikutin ko si Nikki.

"Pero Ate, parang hindi ko naman siya binigyan ng kalayaan kung ganun ang gagwin ko. Baka imbes na mapatawad ay lalo pa niya akong kamuhian." Sabi ko sa kanya.

"Tama si Chad, Ellie. Sa tingin mo ba sasaya si Nikki kung sa ganung paraan mababalik ang tiwala niya. Parang pikot na ang kakahinatnan nun. Nakakahiya ang pamilya natin pag nagkataon. Imagine, isang Hamilton nangpikot ng isang babae. Wala pang ganun sa history wag mong balakin na lagyan. At isa pa wag mong idamay si Chad sa mga scripted scenes na pinaplano mo. Wala tayo sa isang palabas, totoong buhay ito kaya kung ano man ang pinaplano mo hindi ako papayag." Madiin at parang galit na sabi ni Kuya Evron. Hanggang ngayon ata ay hindi pa din siya nakakamove on sa kaganapan sa loob ng office ni Ate kani kanina lang.

"Duh kung hindi natin gagawin ang ganoong bagay sa tingin mo ba agad agad tatanggapin ni Nikki si Chad. Ano yun happy ending agad? Natural hindi na niya tatangapin pa si chad dahil sa nangyari. Iniiwasan ko lang naman na mangyari yun. Isa pa kaligayahan nilang dalawa ito. alam naman natin na mahal ni Nikki si Chad kaya kahit shotgun marriage yan ay sasaya silang pareho. Kaya hindi ka nagkakagirlfriend Kuya eh. Wala kang sweetbones sa katawan. Naunahan ka pa tuloy ni Elton. Such a shame on your part nauna na magpakasal ang bunso kesa sa panganay." Sabi ni Ate Ellie at kahit hindi ko makita ay nararamdaman ko na may namumuong tension dito and I think I need to evacuate this place as soon as possible.

"Parang ako lang naman ang naunahan. Naunahan ka din niya dahil mas matanda ka sa kanya. Hindi porke babay face ka ay bata ka pa din pagdating sa edad. Napapala mo kakahintay sa lalaking maraming responsibilidad." Sabi naman ni Kuya Evron. Oh-oh nakikita ko na ang matatalim na tinginan ng magkapatid sa isa't isa pero teka? Diba problema ko ang pinag uusapan ditto? Bakit mga lovelife nila ang pinag uusapan ngayon.

"Wait guys. Diba yung problema ko dapat ang topic dito at hindi mga lovelife niyo. Anyare?" tanong ko pero nagulat na lang ako nung ako ang tininganan nila ng masama sabay sigaw ng "SHUT UP!"

Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now